Chapter 7

1757 Words
Hindi tulad noon ay medyo nagpalate ko ngayon. Wala namang espesyal na dahilan, gusto ko lang talagang mag-grand entrance. Tulad ng inaasahan ay tumigil ang lahat para tignan ako habang naglalakad papunta sa table namin. Nakangiting tinignan ko sila isa-isa. "Oh? Kadarating mo lang?" Tanong ni Yvette nang makita ako. Nakangiting tinanguan ko sya at saka naupo sa seat ko. "Okay ka lang ba?" Muling tanong nya kaya naman muli ko syang nginitian bago tumango. Agad na gumuhit sa kanya ang takot. "Ang creepy mo Cla." Imbis na pansinin pa sya ay pinili ko na lang na ituon ang sarili sa mga trabahong kailangan kong tapusin. Masyadong maganda ang mood ko para hayaan na sirain lang nya. Panay ang pag-hum ko ng isang kanta habang inaayos ang ilang papeles na nasa harapan ko. Hay! Bakit pakiramdam ko ang kaunti ng trabaho ko ngayon? Gusto ko sanang dagdagan, ang kaso ayoko namang kunin ang trabaho ni Yvette dahil para saan pa ang ipinapasahod sa kanya, hindi ba? "Clara come to my office." Napatigil ako sa pagtatrabaho nang marinig ang boses ni Mr. Lopez. 'Kararating nya lang din?' Halata ang pagmamadali nito at hindi na ako tinapunan ng tingin. Agad kong tinignan si Yvette na gulat din dahil hindi naman madalas ganon ang awra ng amo namin tuwing papasok. Kadalasan ay agad iyong magbibilin na dalhan sya ng kape sa loob pero ngayon ay nagdiretso lamang ito papasok. "Ano kayang nangyari doon?" Tanong ko at nagkibit-balikat lamang ang babaeng ito. Itiningala ko ang aking mukha at nag-isip kung ano nga ba ang posibleng dahilan para mukhang tahimik sya? Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa dinaanan ni Mr. Lopez pero wala talaga akong maisip na maaring dahilan. Wala naman kasi syang girlfriend sa pagkakaalam ko at wala naman syang problema sa bahay nila. "Bilisan mo na. Baka topakin nanaman yun." Bulong ni Yve nang manatili akong tahimik at pinagmamasdan lamang ang pinto ng opisina. Isang beses ko pang nilingon ang pwesto ni Yvette bago tuluyang tumayo at pumasok sa loob. Nahagip pa ng mga mata ko ang pagpunta nya sa kitchen ng office para siguro iayos ang coffee ni Sir. "Good morning Sir." Maayos na bati ko. Itinaas lamang nya ang kanyang kamay at nagpatuloy sa pagtitingin sa kanyang cellphone. Aba! May anghel yata na sumanib sa kanya ngayon ah? "Do you need anything Sir?" Tanong ko nang ilang minuto na akong nakatayo ron. Syempre kailangan magpakabait at baka biglang bawiin ang increase ng sweldo. "Pwede mo bang asikasuhin ang event na ito?" Tanong nya na hindi pa lang inaalis ang paningin sa papeles na naroon sa kanyang harapan. Agad kong inabot ang folder na inilapag nya sa lamesa at binuksan ito. Isang company party lamang iyon kaya naman mukhang madadalian lang ako sa pag-aasikaso. "I want everything to be done before this month end." Saad nya, hindi pa rin ako pinagtutuunan ng pansin. "Noted Sir." Masayang tugon. Bakas ang pagtataka sa mukha nya nang tingalain ako. Mas lalo ko pang nilakihan ang ngiti ko sa kanya. Halos nakapikit na nga yata ang mga mata ko sa sobrang pagkakangiti. "Ayos ka lang ba?" Utal-utal at tila kinakabahan na tanong nya. Agad akong tumango bilang tugon, naroon pa rin ang ngiti. Nakatayo lamang ako roon habang pinapanuod syang damputin ang telepono ng opisina at magsimulang tumawag. "Hello?" Pagbati nya. May sumagot na siguro sa kabilang linya. "Yes. May I set an appointment?" Nang lingunin nya ako ay muli akong ngumiti sa kanya. Nakangiwing muli nyang iniwas ang paningin sa akin. "No. No. It's for my secretary." Nagtatakang kinalabit ko sya matapos marinig iyon. Ako? Bakit ako? "Mental hospital." Pabulong nyang sabi at saka ako sinenyasan na tumahimik. Agad nyang inikot ang swivel chair nya paharap sa bintana. "No. I think natatanggal ata turnilyo nya sa utak. She kept on smiling at me and it's getting creepy." Pagpapaliwanag nya, hindi pa rin ako nililingon. Pakiramdam ko ay nabingi pa ako saglit. Tingin nya ba ay baliw ako? Ha! Ako? Nababaliw? Sa sobrang inis ay agad kong dinampot iyong ballpen na hawak nya kanina at ibinato iyon sa kanya. Inis naman nyang binaba ang telepono at saka ako tinignan ng masama. "Binato mo ba ako ha?" Tanong nya. Hindi ko alam na manhid pala sya. "Hindi. Hinalikan kita. Masarap ba?" Pabalang kong sagot. Napaatras ako nang bigla syang tumayo at mabilis na lumapit sa akin. "Talaga? Hindi ko naramdaman. Ulitin mo kaya?" Nakakaloko nyang tanong. Ang mga mata nya ay nasisigurado kong napako na ngayon sa mga labi ko. Atras abante ang naging eksena namin sa loob ng opisina. Saka na lang ata kami huminto nang hindi na matigil ang pagwawala ng telepono nya. Agad akong umayos ng tayo at tumikhim. "Fvck." Rinig kong pagmumura nya. Mukhang may hindi sya magandang nabasa sa telepono nya. "Go. Kapag may dumating wag mong sasabihin na nandito ako ha." Aligaga syang naglakad papunta sa banyo ng opisina nya. Nagtataka naman akong tumango at saka naglakad palabas. Ano bang meron? "Hoy girl. Bakit ba ang tagal mo sa loob?" Tanong ni Yvette nang makaupo ako. Imbis na sagutin sya ay inilibot ko ang aking paningin sa buong floor namin. "May pumunta na ba dito?" Tanong ko na hindi pa rin sya tinitignan. "Wala pa naman bakit?" Sagot ni Yvette. Isang beses ko pa muna syang sinilid para makasigurado na hindi sya nagsisinungaling bago muling nagtingin sa paligid. "Hoy ang creepy mo." "Wag mong ibungo sa akin yan." Marahan ko syang tinulak nang maramdaman na tumama sa akin ang dalawang pakwan. Nang makasiguradong walang ibang taon roon bukod sa amin ay hinarap ko sya at saka hinawakan ang magkabilang balikat. Pahila ko syang ini-upo sa kanyang upuan kaya nagtataka ako nitong tinignan. "Bilin ni Sir kapag may pumunta dito sabihin na wala sya, may pinuntahan." Saad ko, seryoso at determinadong magsinungaling para lang sa amo ko. Hindi ko sya gusto ha? Sadyang hindi pa lang kasi katapusan para malaman ko kung itinaas nya talaga ang sahod ko. P52,500.00 din yon no! "Saang lugar ang sasabihin ko?" Agad syang sumunod nang maupo ako. "Sa Mars. May meeting kamo." "Mars? Sino imemeeting nya don?" Nagtatakang tanong nya. Hindi ko maipinta ang mukha nya nang marinig ang salitang Mars. Gusto kong mainis dahil sa kabobohan nya. "Mga kalahi mong malalaki ang pakwan." Saad ko, hindi sya tinatapunan man lang ng tingin. Agad akong lumingon dahil sa biglaang pagtahimik ng paligid. Napasabunot pa ako sa buhok nang makitang naggogoogle si Yvette patungkol sa ALIENS daw sa Mars. "Kung gaano kalaki yang dibdib mo sya namang liit ng utak mo!" Sigaw ko na nakapagpatigil sa kanya. Matalim na tingin ang ipinukol nya sa akin. Akma nya sana akong hahampasin ng libro pero inunahan ko na sya at mahinang binatukan sya. Walang nagawa si Yvette kundi ang tignan lamang ako ng masama. "Ano?! Nung nagpainject ka ba, utak mo ang pinalagay mo jan?" "Ano bang sinasabi mo?! Hindi nga to inject!" Inis na sagot nya sa akin. Sino ba namang tanga ang maniniwala na hindi inject yon kung bilog na bilog? "Hi pretty ladies." Masama ang mukhang napalingon ako sa lalaking nagsalita. Hindi ko maalala pero parang may kamukha sya. Nakita ko na sya pero hindi ko lang maalala kung saad nga ba. Matangkad sya at nakakasilaw ang puti. Ang maamo nyang mukha ay parang dinadala ako sa langit. Magandang ngiti ang ibinigay ko sa kanya matapos ang ilang segundong pagtitig sa napakagwapo nyang mukha. "Hello sir." Agad na bati ni Yvette. Napangiwi ako nang makita kung gaano kalagkit ang tingin nya sa lalaking nasa harapan namin ngayon. "Malandi." Bulong na saad ko habang nakatingin sa kanya. Halos masuka nang kindatan nya pa ang lalaki. "Matanda." Kitang-kita ko pa kung paanong nagpapalit palit ang tingin sa amin ng taong nasa harapan, tila ba naguguluhan sa kung ano ang kanyang nasasaksihan. "Silicon." "Poste." "Chill girls. Alam ko namang gwapo ako. Hindi nyo kailangang magtalo. Kaya ko naman kayong dalawa." Sagot nya na nakalagay pa ang dalawang kamay sa harap naming dalawa na tila ba inaawat kami. Kaya? Kaming dalawa? Eh kung bugbugin ko sya makakaya nya kaya? Masyadong mataas tingin sa sarili. Mukha nga syang anghel pero napakalaki ng ulo. "Gwapo? Nasaan?" Tanong ko at tumingin ng diretso sa kanya. "Hindi ko talaga makita eh." Humigop pa ako ng hininga. Inilagay ko ang hintuturo sa ibabaw ng labi at saka nakakunot na pinagmasdan ang kanyang mukha. Ngingiti-ngiti syang tinignan ako habang pilit na inilalapit sa akin ang mukha. Kitang-kita ko ang inis sa kanya nang umiling ako, tila ba nahihirapang hanapin iyong kagwapuhang sinasabi nya. "Oh sya ang boba mo. Nasan ang pinsan ko?" Pikon na saad nya. Hindi halos makita ang mga mata dahil sa sobrang inis. "Bakit sa akin mo hinahanap? Mukha ba akong yaya ng pinsan mo?" Saad ko at namaywang pa. Gusto ko sana syang batukan pero mag-aaksaya lang ako ng oras. "Anak ka ng...... " "Nanay ko? Oo naman. Kaya nga maganda ako." Proud na saad ko. Naramdaman ko ang agad na paghawak ni Yvette sa braso ko. Tinignan ko lamang syang umiling sa akin, pinipigilan ang ginagawa ko. "Nasa'n si Levi?!" Halos mabingi ako sa sigaw nyang iyon. Nagtatakang tinignan ko sya bago muling nagsalita, "Sinong Levi?" Inosenteng tanong ko. Parang wala naman akong kilala na Levi. "Yung amo mong tatanga-tanga ka." Sagot nya at saka dinuro ang noo ko. Malay ko ba kung ibang Levi ang hanap nya di ba? "Tanga ba sya? Akala nya ba pinsan nya lang ang Levi sa mundo?" Bulong ko na nasa gilid ang paningin. "Wala sya dito!" "Nasaan? Ang sabi ko darating ako eh!" Wow! Bakit parang sa akin pa sya naiinis? "Eh ba't ako ang sinisigawan mo! Yung laway mo nasa mukha ko na! "Saan sya nagpunta?" Mas malumanay na tanong nya. "Umalis. Tulog. Kumain. Tumae." "Ano?" "Umalis sya para kumain at tumae sabay natulog." "Ano bang pinagsasabi mo?" Kunot-noong tanong nya sa akin at saka bumaling kay Yvette na ngayon ay maganda na ang pagkakangiti sa kanya. "Miss?" "Ah nasa loob po sya Sir." "Thank you." Saad nya at saka hinalikan pa ang kamay ni Yvette bago umalis. Nakangiwing pinanuod ko namang kiligin ang katabi ko. "Ano nanaman?!" Inis na tanong ni Yvette ng batukan ko sya. Panay lang talaga to dibdib! Wala talagang utak. "Tanga mo. Magligpit ka na dahil matatanggal ka na sa trabaho." Sagot ko kay Yvette at saka nagmamadaling naglakad pasunod sa lalaking pumasok sa office ni Mr. Lopez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD