“So how was your date Clara?” Iyon kaagad ang bungad sa akin ng mga kaibigan ko nang makaupo ako. Matamis ang mga ngiting tiningala ko sila at saka pabatong hinawi ang buhok. “Yiee. So kayo na ni Third?” “Anong kami na?!” “Wag mo sabihing nagpakipot ka pa?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Yvette, namilog pa ang mga mata nya sa gulat. “Duh? Sa ganda kong ‘to?” Tanong ko na itinuro pa ang aking mukha, “Natural lang sa akin ang magpakipot Yvette, hindi mo alam ‘yon dahil hindi ka naman maganda.” Inilagay ko ang aking parehong palad sa magkabilaang pisngi ko. Parang naalala ko nanaman ang sinabi ni Third kanina lang. “Okay lang Cla. Paniwalain mo lang ang sarili mo sa kasinungalingan na yan.” Kunwaring malungkot na saad ni Wendy at saka naglakad palayo. Muli akong tumitig sa ka

