“Clara, Yvette.” Sabay kaming lumingon ng katabi ko nang marinig ang pagtawag ni Mr. Levi. Gusto ko pang matawa dahil nakadungaw lang sya sa may pinto ng opisina nya na parang bata na may planong tumakas sa mga magulang. “Come here.” Utos nya at saka isinara ang pinto. Nagtinginan pa kaming dalawa ni Yvette bago tuluyang tumayo. Hindi kasi talaga normal na pinapatawag kaming dalawa ng sabay. Tuloy ay pumasok kaagad sa isip ko na baka may nagawang kapalpakan ang isa sa aming dalawa. “Can you look at those files?” Tanong nya at saka itinuro ang mga papeles na naroon sa lamesa. Literal na nalaki ang mga mata naming dalawa ni Yvette nang magkatitigan kami dahil sa dami non. “Anong mayroon?” Nagtatakang tanong ko. Agad na sinulyapan ko ang abalang si Mr. Levi. Sa dami ng papeles ay panig

