"I'm asking you. Why are you here?" Malakas ang naging pagkabog ng puso ko nang muling magsalita ang matandang ito. Dapat talaga dati ko pa tinanong si Mr. Levi kung may lahi silang demonyo eh. "Good afternoon po Mr. Travis, nagpapasundo po si Mr. Levi." Saad ko at saka yumuko. Kahit papaano naman ay may galang pa rin ako sa mga uugud-ugod na 'no. "Quick word. Why aren't you resigning?" "Po?" Tanong ko. Akmang uupo na sana ako muli nang senyasan nya ako na manatiling tumayo lang doon sa harapan nya. "Damot naman. Parang others." Bulong ko at saka sumimangot. Ikaw kaya ang tumayo dito sa harapan nya. Para nya akong hinuhubaran sa pagtingin nya pa lang. Kung gusto nya naman ay pwede ko namang gawin iyon sa harapan nya, wag lang syang pasimple na ganito. Nako 'tong matanda na' to.

