"Ayoko nga dyan eh!" Malakas na sigaw ko at saka binawi ang kamay ko mula kay Third. Kanina pa kami naghihilaan dito sa gitna dahil gusto nyang sumakay sa star frisbee pero ayaw ko. "Ikaw na lang mag-isa!" Sigaw kong muli. Nasa amin na rin ang atensyon ng mga taong naroon sa amusement park. "Wag ka nang pabebe! Sabi mo gusto mo pumunta sa amusement park 'di ba?" Saad nya at saka ako muling hinila papunta doon. Pinapili nya kasi ako ng pupuntahan kanina at ako itong si bida-bida ay amusement park kaagad ang sinabi sa kanya. Hindi ko naman alam na may nakamamatay palang rides dito 'no! Kung alam ko lang edi sana niyaya ko na lang sya na tumalon sa bangin. "Ayoko nga!" Ibinagsak ko ang aking sarili sa lapag. Wala na akong pake kung ano man ang sbihin ng ibang tao, basta hindi ako sas

