"Let's go?" Nakangiting yaya sa akin ni Levi. Ngayon ang fitting namin para sa gown at suit kaya naman hindi namin hinayaan na malate kami. Nagising kami ng ala-singko ng umaga kahit ang appointment ay alas-nueba pa. Paano itong si Levi ay excited na makita akong naka-wedding gown. Paulit-ulit ko ngang sinasabi na hindi maganda iyon pero panay naman sya salita na hindi naman totooo ang nasa tradisyon. "Wala ka na bang naiwan?" Umiling ko bilang tugon. Agad na inalalayan nya ako palabas ng building namin. Isang buwan na ang nakalilipas mula nang nagpunta sa ibang bansa si Levi at malaman ko na aksidente silang nagkita ni Chloe pero hanggang ngayon ay mayroon pa rin sa puso ko na kinukwestyon kung talagang nagkita nga lang ba talaga sila. "Excuse me." Paalam nya nang tumunog ang kanyan

