Pareho kaming hindi nakapagsalita nang maglayo kami. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang nangyari sa pagitan namin. Wala sa wisyong nahawakan ko ang labi ko at saka sya binigyan ng isang nag-aalinlangang tingin pero agad akong nag-iwas nang makitang nakatingin na rin sya sa akin. ‘I like you, Clara.’ Mahigpit akong napahawak sa aking suot na skirt at marahas na tumayo. "Pwede na po ba akong umuwi?" Tanong ko, pilit na iniiwas ang paningin sa kanya. Humakbang ako pero agad ding napahinto nang maramdaman ang pagkapit nya sa aking braso. "Clara." Pagtawag nya. Imbis na lingunin sya ay mas iniyuko ko pa ang aking ulo. "Magha-half day na po muna ako, Sir." Salita ko. Hindi ko alam kung matatagalan ko pang manatili dito sa kompanya matapos ang nangyari. Isang mabilis na ting

