“Ma! Nakita mo po ba yung unifo…. Mr. Levi?” Napahinto ako nang makita si Mr. Levi na prenteng nakaupo sa aming sala. Nakangiting nilingon nya ako pero agad din namang nag-iwas ng tingin. “Ano pong ginagawa nyo dito.” Tanong ko saka naglakad sa kanyang gilid pero tulad kanina ay muli nyang iniiwas ang kanyang paningin sa akin. Nagtatakang nilingon ko ang terrace pero wala doon si Mama. Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking ‘to dito nang ganito kaaga? “Mr. Levi heto po ang….” Maganda ang ngiti ni Mama habang hawak ang isang tasa ng kape. “Ano ka bang bata ka?! Magbihis ka nga doon!” Sigaw nya saka inilapag ang kape sa harapan ni Mr. Levi na hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin sa akin. “Maayos naman….” Malaki ang mga mata kong nag-angat ng tingin sa kanila nang makitang nakatapis pa

