“Buo na ba ang desisyon mong aalis ka na Cla?” Malungkot na tanong ni Wendy. Nasa café kami sa baba ng kompanya dahil gusto raw nila akong ilibre ng kape. “Oo. Magpapahinga na muna siguro ako,” sagot ko saka sila binigyan ng ngiti. “Pwede ka naman magvacation ah? Narinig ko in-offer yon sa’yo ni Mr. Levi,” seryosong saad ni Yvette at binigyan ako ng nagtatanong na tingin. “Nga pala, anong mayroon sa inyo? Nililigawan ka ba nya?” Muling tanong nya saka mapanukso akong tinignan. Natatawang inilingan ko naman sya, “Hindi. Nang-iinis lang ang isang ‘yon.” “Hindi pang-iinis ang ilibre lahat ng mga emplayado doon sa floor natin para lang makasabay ka maglunch ‘no,” dagdag nya. Agad naming sumang-ayon ang dalawa kaya wala akong ibang nagawa kundi manahimik na lang. “Nap

