"Good morning." Bati ko kila Mama nang nadatnan sila sa salas. Sa bahay ako natutulog nitong mga nakaraang buwan dahil medyo abala si Levi at parating nasa opisina o di kaya'y may kameeting sa labas. Ilang ulit ko rin syang sinabihan na sasamahan ko sya pero parati nya akong tinatanggihan dahil mapapagod lang daw ako. "Birthday ko na sa susunod na araw, ate. May plano ka na ba?" Nakangiting tanong ni Heather nang maupo ako sa kanyang tabi. "Wala pa, bakit? Susupresahin mo ba ako?" Tanong ko saka uminom sa kape nga. Nakangiwing pinagmasdan nya naman ako bago ibalik ang kanyang atensyon sa laptop nya. "Hindi pa ba alam ni Levi na birthday mo na?" Tanong ni Ate na abala sa pagpapadede ng kanyang anak. "Alam nya kaso mukhang busy pa sya sa araw na yon." Tugon ko. Gusto ko nga rin sana

