Maga ang matang pumasok ako sa opisina. Masama din ang timpla ng umaga ko dahil sa mga nasirang pagkain na niluto ko. Isa pa iyong damit na suot ko kagabi ay kabibili ko lang at mukhang nasira ko pa yata nang magdrama ako. Hindi tulad noon ay hinayaan kong makita ng iba ang mga mata kong may bakas pa ng pag-iyak. "Clara!" Bulalas ni Wendy nang lumabas ako sa elevator. Nanlaki ang mga mata nya nang magtama ang aming mga mata. Kitang-kita ko ang naguguluhan nyang mukha pero imbis na ipaliwanag ay mas pinili ko syang lampasan at sarilinin ang sakit na nararamdaman. 'Hindi ko makakayang sirain ang magandang tingin nila kay Levi ngayon.' "Clara hinaha – anong nangyari sayo?!" Malakas na tanong nya. Sinipat pa nito mula ang aking itsura para makasigurado talaga sya sa nakikita nya. Hirap m

