Kabanata 1
Malaikah's PoV
"BABE, kanina ka pa nakatingin diyan sa salamin," sabi ni Angelo sa akin nang mapansin niya ako na hindi mapakali sa harapan ng salamin. Ngayong araw naka-schedule ang appointment namin sa wedding planner na tiyuhin ni Angelo.
Malakas ang t***k ng aking puso at kanina pa ako kinakabahan. Marahil natatakot ako dahil istrikto raw ang tiyuhin nito at baka hindi ako magustuhan. Lalo na't nag-iisang anak lamang si Angelo at naiwan ito sa pangangalaga ng tiyuhin nito na si Tentrex Villa Conde.
Niyakap ako ni Angelo habang nakaharap ako sa fully length body mirror. Nakasuot ako ng fitted na floral backless dress na kulay itim na lampas hita ko lamang ang haba. Kitang-kita ang aking kaputian sa suot kong damit lalo na ang aking mga hita na na sabi sa akin ni Angelo ay ang pinaka-sexy kong part ng katawan. Wala akong peklat ni isa dahil inalagaan ako ng aking mahal na lola.
Isinubsob nito ang mukha sa aking leeg at saka hinapit ang aking bewang. hanggang balikat lamang ako ni Angelo kaya naman kailangan nitong yumuko kapag hinahalikan ako.
"Babe, kinakabahan ka ba? Mabait si Uncle Trex kahit na istrikto siya. At picture lang naman iyong ipinakita ko sa iyo, 'di ba? Wala kang dapat na ikatakot sa kanya, babe. Palagi kitang naikukuwento sa kanya kaya nga siya ang nagpresinta na maging wedding planner natin dahil gusto niyang siya mismo ang umayos sa kasal natin."
Bumuga ako nang malalim at tumingin sa salamin. Sa picture pa nga lang ni Tentrex natatakot na ako sa personal pa kaya? Balbas sarado ito at mahaba ang buhok. May mga hikaw sa magkabilang tenga na kulay itim at may design pa na bungo.
Maliban doon ang kilay nito may mga design na hati sa magkabilang dulo.
Lumayo sa akin si Angelo at kinuha ang susi ng kotse nito na nakasabit sa likod ng pintuan ng aming kuwarto. Anim na buwan na rin kaming nagsasama ni Angelo at nakatira kami ngayon sa condo unit niya dito sa Makati.
"Babe, halika na." Muling tawag sa akin nito.
Tumingin akong muli sa salamin at saka pilit na ngumiti. Wala naman akong dapat na ikatakot sa tiyuhin nito. Mahal ko si Angelo at pakakasalan ko siya kahit na ano pa ang mangyari.
KALAHATING ORAS ang nakalipas nang makarating kami sa bahay ni Uncle Trex. Nakatira ito sa isang exclusive na subdivision. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang modern two storey house nito. May malaking swimming pool area at garden na karamihan puro bonsai trees ang nakatanim. Maganda ang landscape ng garden nito na may maluwang din na garage, makikita roon ang iba't ibang sasakyan nito mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Angelo.
"Babe, hindi mo naman sinabi sa akin na mayaman pala ang tiyuhin mo," mahinang sambit ko.
Natawa na lamang ng mahina si Angelo sa sinabi ko. Naglakad kami na magkahawak kamay habang sinusundan ang isang matandang kasambahay ni Uncle Trex.
Pumasok kami sa malaking bahay nito. May maluwang na recieving area at may mga display na wooden arts structure. Pakiramdam ko ngayon nasa loob ako ng museum. Marami ding mga collection ng vintage paintings na nakasabit sa wall.
"Sir Angelo, maupo muna po kayo. Pababa na po si Sir Trex," nakangiti pang sabi ng matanda sa amin bago kami nito iwan.
Magkakatabi kami ni Angelo na umupo sa couch habang nakamasid pa rin ako sa paligid. May malaking chandelier na nakasabit sa mataas na kisame sa tapat ng hagdan. Molave wood ang hagdan nito na may railings na glass.
"Hindi lang wedding organizer si Uncle Trex, babe. Businessman din siya at isang freelance model dati," pagkukuwento ni Angelo.
"Pero... hindi naman siya mukhang model, babe."
Tinawanan lamang ako ni Angelo sa sinabi ko. Mukha nga itong goons na kontrabida sa mga pelikula.
"Sure ka ba na matinong tao ang uncke mo?"
Muli lamang ako nitong tinawanan sa sinabi ko. "Mabait siya, babe. Hindi siya lider ng sindikato."
Kinurot ko sa tagiliran si Angelo na naging dahilan para mas lalo itong matawa.
Ilang sandali pa ay bumaba na sa may hagdan ang isang lalaki. Sabay kaming napatayo ni Angelo habang nakatingin sa gawi ng hagdan. Nakayuko ito at may hawak na ipad. Nakasuot ng t-shirt na puti at gray na sweat pants.
Habang naglalakad ito patungo sa aming dalawa ni Angelo mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Ibang-iba ang itsura nito ngayon dahil clean cut ang buhok nito at wala ring makapal na balbas at bigote.
Nang makalapit si Uncle Trex sa amin ni Angelo ay kaagad nitong niyakap ng kasintahan ko.
"Uncle, you're back!" natutuwa pang sabi ni Angelo dito.
"Easy, I'm fine now."
Nakatingin lamang ako sa kanila na nagyayakapan.
Bumitaw si Angelo sa tiyuhin nito at saka ako binalikan. "Uncle Trex, siya nga pala si Malaikah na palagi kong ikinukuwento sa iyo."
Tumingin sa akin si Uncle Trex mula ulo hanggang paa. At saka ito malapad na ngumiti sa akin.
"I'm Tentrex Villa Conde, you can call me Uncle Trex if you want." Inilahad nito ang kamay sa aking harapan.
Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nahipnotismo habang nakatingin dito. Hindi ko maitatanggi na mas guwapo at sobrang hot ni Uncle Trex kaysa sa nobyo ko.
"Babe," mahinang untag sa akin ni Angelo.
"I-I'm Malaikah Ventura." Tinanggap ko ang kamay ni Uncle Trex at nagdaop palad kaming dalawa. Pakiramdam ko gumapang ang bolta-boltaheng kuryente sa aking mga palad.
Lalo pa akong natigilan nang bahagya nitong higpitan ang pakikipagkamay nito sa akin.
Nang bitawan nito ang aking kamay ay tumingin ito sa akin. Iniabot nito ang ipad sa akin at saka naman nito tinabihan ni Angelo.
"Iyan ang mga ideas na naiisip ko. Tignan mo lahat at saka natin umpisahan ang pagplaplano ng kasal ninyong dalawa ni Angelo."
"Si-Sige," nauutal pa rin na sagot ko.
Dahan-dahan akong naupo sa couch. Ibinaling ko na lamang sa ipad ang aking atensiyon dahil kanina pa ako nadi-distract sa pagkakatitig ni Uncle Trex sa akin.
"Finally, nagpagupit ka rin, uncle. Akala ko panghabam-buhay na iyong dirty looks mo, e. Natatakot tuloy sa iyo si Malaikah."
Bigla akong napatingin kay Angelo. Hindi ko inaasahan na sasabihin pa nito iyon kay Uncle Trex. Nagyuko na lamang ako ng ulo at kinagat ang aking pang-ibabang labi.
"Talaga ba? Kaya pala ganyan siya kung makatingin sa akin," sabi pa ni Uncle Trex bago tumawa ng malakas.
"Bakit nagbago ang isip mo, uncle?"
"Ikakasal ka na kaya naisip ko na maging presentable ako sa harapan ng nobya mo. Ayoko naman na mapahiya ka dahil sa akin. At na-realize ko na rin na hindi ko kailangan na maging malungkot habambuhay dahil lamang sa isang babae."
Kaya pala mukhang napabayaan nito ang sarili dahil sa isang babae. Bakit naman kaya naging broken hearted ang isang guwapo at hot na si Uncle Trex?
Napatingin ako kay Uncle Trex at nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam na nakatingin din pala siya sa akin.
Mabilis akong nagbawi ng tingin at ibinalik sa ipad ang aking mga mata. Hanggang ngayon mabilis pa rin ang pagtibok ng aking puso at hindi ko alam kung bakit.