(Jesicca’s Pov)
INIS NA INIS ako nang lumabas sa pinto ng opisina ni Sir, Lucas, grabe talaga ang lalaking iyon, nakakapanibago talaga siya at daig pa niya babaeng may dalaw sa tindi ng init niya sa ulo.
Mabilis naman ako nagtungo pabalik sa opisina ni Sir Matthew. May nais lang akong itanong dito. Dahil sobra akong naninibago. Para tuloy nawawala ang pagsintang purorot ko para sa lalaking kabuti na iyon. Gwapo nga Ngunit sobrang sama naman ng budhi ng kabuti na iyon. Nakakainis!
Nangmakarating ako sa harap ng pinto ni Sir, Mathew ay marahan akong kumato.
‘’Come in,” maikling sabi nito.
Maingat kung binuksan ang pintuan ng opisina ni Sir, Mathew. Nagulat pa nga ito nang makita ako. Agad naman niya akong pina-upo. Napahinga mula ako ng malalim bago simulan ang aking mga tanong.
“Miss Jessica, may problema ba? Bakit parang high blood ka yata?” tanong sa akin ni Sir, Mathew.
Mariin ko munang ikinuyom ang aking kamao. Upang pigilan ang galit na gustong kumawala sa aking buong katawan. Nag-isip muna ako ng lamalim kung sasabihin ko ba kay Sir, Mathew ang inis na aking nararamdaman.
Sa totoo lang ay nakakainis na talaga ang lalaking iyon dahil kung ano-ano na lang ang sinasabi sa akin. Kahapon lang sinabihan niya akong amoy formalin ang pabango ko, tapos kanina sinabihan ba naman akong lasang ampalaya raw ang timpla ng kape ko! Ang sarap ibuhos sa pagmumukha niya! Nang mawala na demonyong nakasanib sa kanya. Kaunti na lang at malapit na akong mapuno sa kabuting iyon. Masasakal ko na talaga siya! Pakiwari ko’y sasabog talaga ako.
Ngunit bigla akong natauhan at bumalik ang utak ko sa tamang pag-iisip nang maramdaman kong may tumama sa aking noo at doon lamang ako natauhan.
Hanggang sa makita ko ang puting papel na ginasumot na bumagsak sa lupa at ito lang naman ang binato sa akin ni Sir, Mathew. Busangot tuloy ang mukha ko nang tumingin sa lalaki.
“Ano’ng nangyayari sa ‘yo, Jessica? Bakit ang lalim ng iniisip mo riyan? Are you okay? Do you have a problem?” tanong niya sa akin.
“Wala naman akong problema, Sir Mathew. May sasabihin sana ako sa ‘yo, ngunit nakalimutan ko na pala. Sige po ay lalabas na ako para bumalik sa aking pwesto,” anas ko at nagmamadali na akong tumayo para lumabas ng opisina nito.
Bigla akong nahiya na magtanong sa kay Sir, Mathew. Kaya itatago ko na lang ang inis ko kay Sir, Lucas.
Paglabas ko ng opisina ni Sir, Mathew ay agad kong lumapit sa aking table at naupo na rin. Tiningnan ko na lang ang mga schedule ng mga meeting ni Sir, Mathew.
Mayamaya pa’y bumukas ang pinto ng opisina ni Sir, Mathew. At nakita kong may dala-dala itong makapal na mga papel at lumapit sa akin.
“Jessica, kailangan mong e-check ang lahat ng ito at ikaw na rin ang magpapirma kay Sir, Lucas. Maaga kasi akong mag-out mamaya rito sa opisina. Dahil kinakailangan kong maghanap ng bago secretary ni Sir, Lucas, malilintikan na ako roon bukas oras na wala ako mahanap,” tuloy-tuloy na litanya ni Sir, Mathew sa akin.
Marahan na lamang akong tumango at sinunod ko na lang ang mga pinag-uutos nito sa akin. Mayamaya pa’y muling nagsalita si Sir, Mathew.
“Jessica, as long as everything has to be signed by him, don’t forget it,” bilin niya ulit sa akin.
“”Alright, Sir Mathew, I’ll take care of it,” I said.
Hanggang sa tumalikod na ito para muling bumalik sa kanyang opisina. Hindi nagtagal ay muling lumabas ng opisina si Sir Mathew at mukhang paalis na nga ito. Tumingin pa nga ito sa akin.
“I have to go, Miss Jessica.”
“Take care po, Sir, Mathew.”
Hanggang sa tuloy-tuloy na itong tumalikod sa akin. Mabilis naman akong bumaling sa papeles na binigay sa akin ni Sir, Mathew. Kailangan kong maayos ang lahat ng ito bago ako umuwi.
Isa-isa kong cheneck ang lahat ng mga papeles at napansin kong okey naman, pirma na lang ni Sir, Lucas ang kulang. Nagbuntonghininga muna ako.
Mayamaya pa’y muli na akong tumayo mula sa pagkakaupo ko. Para pumunta sa opisina ni Sir, Lucas. Kahit labag sa loob na na muling bumalik doon ay wala naman akong ibang magagawa, lalo at kailangan ng kabuti na iyon na permahan ang mga papeles na ito.
SANA naman pagpasok ko sa loob ng opisina ni kabuti ay maganda na ang mood nito. Huyst! Bahala na nga! Kaya ko ito!
Kaya naman nagmadali na akong nagtungo sa opisina nito. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa tapat ng opisina ng may-ari ng companya na ito.
Tangka na sana akong kakatok sa pinto ng opisina ni Sir, Lucas. Nang mamataan ko si Mario. Ngumiti pa ito sa akin.
“Hey! Jessical, how was your day,” tanong nito sa akin.
“I’m fine. And how about you, Mario?” I asked.
“I’m fine too, Jessica. Medyo kakapagod lang ng konti pero kaya naman,” anas niya sa akin.
Ilan sandali pa ang aming pag-uusap hanggang sa napansin niya na parang nahihirapan ako sa dala-dala.
“As for the thickness of the paper you brought, where will you take it?Tulungan na kita Jesicca,” pagmamagandang loob nito sa akin.
“Huwag na Mario, salamat na lang,” pagtanggi ko sa alok nito.
“Are you sure, Jessica? Mukhang mabigat iyan, eh?”
“Okay,” maikling sagot ng lalaki. Hanggang sa umalis na ito sa aking harapan. Hanggang sa magdesisyon na akong kumatok sa pinto ng opisina ni Sir, Lucas. Medyo nakaramdam naman ako ng kaba.
“Come in,” narinig kong anas ng tanong nasa loob. Marahan kong binuksan ang pinto. Ngunit napansin kong nanginginig ang aking mga tuhod. Gosh!
Tumingin ako kay Sir, Lucas at nakita kong nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin.
“Why did you come back? And where is Mathew?” tanong nito sa akin.
“Sir, Lucas, ano po kasi--- maaga po kasing nag-out si Sir, Mathew, maghahanap daw po kasi siya ng new secretary mo kaya ako ang inutasan niya para dalahin ang lahat ng ito para pirmahan mo po,” paliwanag ko agad sa lalaki.
“Okay, ibaba mo na iyan at umalis ka na,” pagtataboy sa amin ni Sir, Lucas.
Marahan ko naman binaba ang dala ko mga papeles, pagkatapos ay nagmadali na akong lumabas. Dahil sa kabado ako ay hindi ko na nagawang magpaalam sa boss ko. Ngunit bago ako tuluyang makalabas nang marinig ko ang boses ni Sir, Lucas.
“Miss Jessica Delgado!” pagtawag niya sa akin.
Napalingon na naman ako sa kanya ngunit hindi ako makatingin nang deretcho dahil sobra akong kabado.
“Sir, Lucas, may ipag-uutos ka pa ba sa akin?” tanong ko ka aagad.
“I’ll just remind you, Miss Jessica. Na kapagpapasok ka ng opisina ko ay ayaw ko nang maamoy ang pabango mong amoy formalin ang sang-sang sa ilong. Hindi mo ba na aamoy ang sarili mo?!”
Sobang awang ang bibig ko ng mga oras na ito. Pa-simple ko ring ikinuyom ang aking kamao.
“Okay, Sir Lucas. And don’t worry, dahil hindi na po ako gagamit ng formalin.” Sabay talikod at tuloy-tuloy na akong lumabas ng opisina ng kabuti na iyon.
Napasandal naman ako sa pader nang tuluyang nakalabas ng opisina nito. Huminga ako nang malalim para mabawasan ang kabang na nanalaytay sa dibdib ko.
Diyos ko mukhang hindi ako tatagal sa kompanyang ito? Parang ang sarap pasok ng bibig nito ng maraming kabuti. Hanggang sa nagdesisyon ba akong maglakad pabalik sa aking table.
Medyo nagtataka lang ako dahil palagi na lang nitong pinapansin ang aking pabango. Hindi naman sa morge ko ito binili. Saka gustong-gusto ko nga ang amoy nito! Para malalaman niya sa avon ko pa ito binili. Nakakainis talaga! May araw rin siya sa akin, gwapo sana at mukang angel, ang ugali ay mukhang kanal.
“Miss Jessica, ayos ka lang ba? Bakit ganiyan ang tabas ng mukha mo? Teka, sino ba ang kaaway mo at panay ang bulong mo riyan ngunit ikaw lang ang nakakarinig?” tanong nito sa akin.
“Ayos lang ako, Jen, huwag mo na lang akong pansinin, ganito talaga ako kapag nalilipasan ng pagkain. Sige, bye,” At tuloy-tuloy na nilampasan ang babae. Alam kong nagtataka ito sa aking mga kinukilos.
Tuloy-tuloy na akong naglakad pabalik sa aking pwesto! Gusto na ring umuwi! Baka kapag nagtagal pa ako rito ay tuluyan na akong maubusan ng dugo dahil sa lalaking kabuti na iyon. Bukas ay dadalhan ko ito ng maraming kabuti at ipapasak ko sa bibig ng Lucas na iyon at baka sakaling bumait sa akin.