Lucas’s Pov)
Iiling-iling na lamang ako na muling pumunta sa opisina ko. Papasok pa lang ako ng aking opisina ay nasa lubong ko agad ang manager ng aking kompanya, walang iba kundi si Mr. Matthew.
“Sir, Lucas, may dumating po na dalawang applekante na mag-apply bilang secretary mo,” pagbibigay alam sa akin ni Mr. Matthew.
“Okay, papasokin mo na sa aking opisina,” seryosong sabi ko kay Mathew. Hanggang sa tinalikuran ko na ito at tuluyan na akong pumasok sa aking opisina.
Hindi pa ako halos nakakaupo sa aking office chair nang bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok ang isang babaeng halos kita na ang kaluluwa nito. Ito pa naman ang ayaw ko sa isang babae.
“Good afternoon po, Sir, Lucas,” anas nito na nagpapa-cute pa. Lalo namang nagsalubong ang kilay ko.
“Get out of my office, I don’t want you to be my secretary!”
“Pero, Sir, Lucas, hindi mo pa nga ako na---‘’ Hindi ko na ito pinatapos magsalita.
“Hindi ikaw ang kailangan, now, get out of my sight, woman!” galit na sabi ko.
Halos maluha naman ang babae, dahil sa malakas na sigaw. I don’t care, kahit umiyak pa ito ng dugo.
Mayamaya pa’y muling pumasok ang isang babae na mag-apply rin ng secretary ko. Ngunit hindi pa ito nakakahakbang papalapit sa akin ay muli ko itong pinalabas.
“Don’t step forward, I won’t accept you as my secretary either!“
“Pero, Sir, Lucas---”
“Umalis ka na, kung ayaw mong ipakaladkad kita sa security guard ko!” pasinghal na sabi ko sa babaeng nag-apply ng secretary ko.
“Totoo pala ang usap-usap na masama talaga ang ugali mo, Mr. Lucas!” sigaw niya sa akin.
“Ngayon alam mo? Then, get out, woman!” I said angrily.
“Okay fine, Sir Lucas, kung katulad mo lang ang magiging boss ko na masama ang pag-uugali, mas gugustuhin ko na lang na maglako ng isda, kaysa makasama ka sa opisinang ito!” galit na galit na sabi ng babae.
Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang ito habang papalabas ng pinto ng opisina ko. Ilang saglit pa ay tinawagan ko si Mathew sa telepono.
“Mathew!” asar na bungad ko agad.
“S-Sir, Lucas what do you need from me? Why did you call me?” he asked me.
“God, Mathew! Bakit ganoon mga babae ang tinangap mo para mag-apply sa akin bilang secretary?! Saka, hindi bar ang opisina ko at una sa lahat ayaw ko sa mga babaeng tila dancer sa club na halos labas na ang kaluluwa!” tuloy-tuloy na litanya ko kay Mathew.
Hindi ka agad ka agad nakapagsalita si Mathew mula sa kabilang linya. Marinig ko ring tumikhim ito.
“S-Sir, Lucas, pinaliwanag ko naman po sa kanila na dapat na pang professional ang suot nila kapag haharap sa ‘yo. . . Pasensya na po, hindi na po ito mauulit at ihahanap na lang po kita ng bagong secretary mo,” malumanay na paliwanag ni Mathew sa akin.
“Tandaan mo Mathew, kapag naulit pa ito ay ikaw ang mananagot sa akin. Ayaw ko ng mga epleyado kong tatanga-tanga, nagkakainitindihan ba tayo Mathew?!” galit na tanong ko rito.
“I’m sorr, Sir Lucas. I understand,” anas ng lalaki mula sa kabilang linya.
“Okay, by the way, please tell your secretary to make me some coffee, pakidala sa aking opisina. Thanks.”
“Okay, Sir Lucas, please just wait.”
Mayamaya pa’y nawala na ito sa kabilang linya. Napabuntonghininga na lamang ako at muling naupo sa office chair.
What happened to me, why did my head heat up so fast? What did I eat and I’m like this?
Bigla naman akong natauhan nang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.
“Come in,” I said.
Mayamaya pa’y bumukas ang pinto at tumambad sa aking harapan ang babaeng iniluwa ng pinto, nababanaag ko rin sa mukha ni Jessica na tila kabado ito.
“Sir, Lucas, here’s your coffee.” Hanggang sa marahan niyang binaba ang dala-dala niyang kape sa ibabaw ng table.
Hindi ako nagsalita nakatingin lamang ako sa babae. Hanggang sa kuhanin ko ang tasa ng pinaglalagyan ng kape. Maingat ko itong inilapit sa aking bibig hanggang sa tuluyan ko nang tikman.
Hindi maipinta ang tabas ng mukha ko hindi ko magustuhan ang lasa ng kape. Kaya naman agad kong ibinagsak ang hawak kong tasa sa ibabaw ng table.
“Marunong ka ba magtimpla ng kape, Miss Jessica? Ano’ng klaseng kape ito? Daig pa ang ampalaya sa pait! Simpleng pagtimpla lang ng coffee hindi mo pa magawa ng tama— At nakakadalawang beses ka na, babae!” inis na turan ko sa babae.
“Pasensya na po, Sir, Lucas, ititimpla na lang po kita ng bago,” nakatungo na sabi niya sa akin.
“Hindi na dahil walan na ako ng gana! Get out of my office, woman!”
Mabilis naman kinuha ng babae ang coffee at nagmadali na itong umalis para lumabas ng aking opisina ko. Kitang-kita ko naman sa mga mata ng babae ang takot.
Lumipas ang mga ilang oras at napansin kong wala pang nag-apply ng bagong secretary ko. Asar na nagbuntonghininga na lamang ako.
Napatingin naman ako sa relo kong pambisig at napansin kong alas kwatro na ng hapon at malapit na pa lang mag-uwian, ngaunit kinikailangan ko talaga ng bago secretary.
Kailangan ko ng maayos na secretary at magpapaalala sa mga schedule ko sa aking meeting. Naisipan ko muling tawagan si Mathew. Hindi nagtagal ay mabilis naman nitong sinagot ang call ko sa kanya.
“Si-Sir, Lucas, napatawag ka po? May ipag-uutos ka po ba?” tanong niya sa akin.
Mathew, I really need a new secretary. God! Wala pa bang nag-apply?” tanong ko sa lalaki.
“Wala pa po, Sir, Lucas, ngunit gagawa po ako ng paraan. Tomorrow, I will find a way for you to have a new secretary.”
“Okay, I’ll wait for that, Mathew. At tandaan mo na good secretary ang gusto ko at profesional, hindi ‘yung tila nagtatrabaho sa club,” tuloy-tuloy na pagpapaliwanag ko rito.
“Okay po, Sir, Lucas, pinapangako ko po hindi na mauulit mangyayari na iyon kanina lang,” anas niya sa akin.
Ilan sandali pa ay nagpaalam na rin sa akin si Mathew. Muli akong napasandal sa aking office chair, habang panay ang hilot ng aking noo. Ano bang mali sa akin? Damn it!