(Jessica’s pov)
Malalim na lamang akong nagbuntonghininga. Hanggang sa mapatingin ako kay Mario na kaharap ko, nagpaalam na ito sa akin para puntahan si Sir, Mathew. Marahan na lamang akong tumango sa lalaki.
Nang ako na lamang ang nandito ay muli na naman akong nag-isip nang malalim.
“In love ka ba, Jessica?” Mabilis pa sa alas-kwatrong lumingon ako sa tao na nagsalita sa aking harap. Tumaas lang ang kilay ko nang muli kong makita si Mario. Tapos na yatang makipag-usap kay Sir, Mathew. Kaya ako na naman ang kinukulit ng lalaking ito.
Busangot ang mukha ko habang nakatingin sa lalaki, kasabay noon ang pagsalubong ng mga kilay ko.
“Ano ba iyang mga pinagsasabi mo, Mario? Saka, paano ako naging in love kong wala naman akong nobyo, ha? Umalis ka nga sa aking harap dahil may meeting pa kami ng aking sarili!” pasinghal na pagtataboy ko kay Mario.
Nakita ko naman na iiling-iling lamang ang lalaki. Ngunit hindi pa rin ito nagpaawat at pauloy pa rin akong inaalaska ng kumag na kaharap ko.
“Malala ka na, Jessica. Kung ako sa ‘yo mas maganda yata kung magpa-check up---”
“Ano’ng mga nangyayari rito? Ito ba ang oras na harutan? Ano’ng tingin ninyo sa lugar na ito plaza at dito kayo nagliligawan, ha?!” Sabay kaming bumaling ni Mario sa tao na biglan na lang sumulpot sa harap namin. Hindi na rin nga natapos ni Mario ang balak niyang sabihin sa akin, dahil biglang sumulpot si Sir, Lucas.
Katulad kanina ay hindi pa rin maipinta ang mukha ng lalaki. Napaisip tuloy ako na kung ilang siling labuyo ang nakain nito?
Tumingin din ako kay Mario at babanaag ko sa mukhang nito ang pagtataka rin dahil sa mga inaakto ni Sir, Lucas.
“Hindi na kayo makapagsalita? Samantalang kanina para kayong nasa kalye lang at ang lalakas ng mga boses ninyo? Kung gusto pala ninyong magkwentuhan na lamang maghapon mas mabuti pang umalis na lang kayo sa inyong mga trabaho!” mariing sabi ni Sir Lucas. At mababakas talaga sa boses ng lalaki ang galit.
“So-Sorry po, Sir, Lucas,” panabay na anas namin ni Mario. Habang ang aking ulo ay nakatungo. Medyo nahiya ako, saka, may point naman ito. Dahil nasa oras ng trabaho ay panay lang ang kwentuhan. Hindi ko talaga ito masisisi.
Wala naman akong narinig na sagot mula kay Mario. Kaya naman dahan-dahan kong inangat ang aking mukha at doon ko nakitang seryoso pa ring nakakatingin sa akin si Sir, Lucas.
Mayamaya pa’y basta na lang tumalikod si Sir, Lucas at pumasok sa opisina ni Sir, Mathew. Bigla ko tuloy nahawakan ang aking dibdib dahil sa lakas ng kabog noon. Tila ba may nagtatambol sa loob ng dibdib ko.
“Ano’ng nangyari? Bakit biglang nag-iba yata ang mood ni Sir, Lucas?” tanong sa akin ni Mario. Kitang-kita ko rin sa mukha ng lalaki ang pagtataka.
Nagkibit balikat muna ako rito.
“Hindi ko rin alam kahit ako ay sobrang nagtataka. Samantalang noong nag-outing tayo ay okay naman siya, kung baga wala siyang sanib. Ngunit ngayon--- may biglang sumanib yata sa katawan ni Sir, Lucas. Nakakapanibago,” tuloy-tuloy na litanya ko kay Mario.
“Baka hindi lang maganda ang gising kaning umaga,” anas ni Mario sa akin. Hanggang sa magpaalam na rin ito na bumalik sa pwesto nito.
Nakahinga na lamang ako nang malalim hanggang sa simulan ko na ang aking mga gawain at baka makita na naman ako ni Sir, Lucas at masinghalan na naman.
Hanggang sa nagdaan ang mahabang sandali, ngunit heto pa rin ako subsob sa trabaho.
“Jessica, wala ka bang balak kumain ng pananghalian?” tanong sa akin ng isang kasamahan ko sa trabaho.
Mabilis tuloy akong napatingin sa relong pambisig na suot ko at nakita kong oras na pala para kumain, kaya pala parang nagwawala na ang mga alaga ko sa aking tiyan, iyon pala ay gutom na sila.
Agad naman akong tumayo mula sa pagkakaupo ko para pumunta sa canteen ng gusali na ito. Ngunit bigla akong napatingin sa babaeng lumabas ng opisina ni Sir, Lucas. Kitang-kita rin ng mga mata ko ang luhang namamalisbis sa mata ng babae.
Kung hindi ako nagkakamali ay secretary ito ni Sir, Lucas at kanina lang ito natanggap, siguro mga isang oras pa lang na naging secretary ang babae.
“Hala, hindi kaya tanggal na namab sa trabaho ang babaeng iyon? Di ba, kapapasok lang niya kanina bilang secretary ni Sir, Lucas? Naku! Wala na namang secretary si Sir, Lucas. Grabe na ang pagkasumpong ni Sir, Lucas. Simula kanina ay nakatatlong secretary na siya.” Awang na lang ang bibig ko nang marinig ko ang usapan ng mga kasamahan kong empleyado.
Mukhang malala nga ang tama ni Sir, Lucas ngayong araw. Iiling-iling na lamang ako at muling pinagpatuloy ang paglalakad ko para makarating sa canteen.
Pagdating sa canteen ay agad kong binili ang pagkaing napupusuan ko.
KASALUKUYAN akong kumakain nang mamataan ko si Sir, Lucas na papasok ito rito sa loob ng canteen. Upang hindi ako makita ay nagpakatungo-tungo ako. Baka kasi sa akin ibaling ang galit nito sa mga palpak na secretary na kanyang nakuha. Masasakal ko talaga ito ng kawang.
Ngunit sadyang malas yata ako ngayon araw sapagkat sa ultimomg table mo pa ito naupo. Hindi ko tuloy malaman kung ngingiti ba ako rito o babatiin ko ito. Ngunit naging mabuting empleyado pa rin ako.
“Good afternoon po, Sir, Lucas,” magalang na pagbati ko sa lalaki.
Hinintay ko ang isasagot nito sa akin. Ngunit wala akong narinig na tugon dito. Tiningnan lamang niya ako at muling ibinalik niya ang mga mata sa harap ng pagkain niya at nagpatuloy na itong kumain na tila walang kasama sa table na ito.
Mayamaya pa’y nakita kong tipos kumain ni Sir, Lucas. Agad na ring tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo niya sa upuan. Ngunit hindi ka agad ito umalis. Nagtataka na tumingin ako sa lalaking kaharap ko.
Kumunot din ang aking noo habang naghihintay nang sasabihin niya sa akin. Hanggang sa makita kong ibuka na ni Sir, Lucas ang kanyang bibig.
“Saang morge mo nabili ang pabango mo, Miss Jessica? Amoy na amo’y ang sangsang ng formalin…”
Awang ang mga labi ko habang sinusundan ko ng tingin si Sir, Lucas. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nitong amoy Formalin ang aking pabango.
Anak ng palaka na iyon! Ano kayang problema sa akin ng lalaking ugok na iyon? Pati ang pabango kong nananahimik ay dinawit ng ito. Gusto ko na talaga itong sakalin ng kawang.