(Jessica’s pov)
Malalim na ang gabi kasabay pa nito, ang malamig na simoy ng hangin, habang tahik ang paligid at nakatingala ako sa kalangitan, habang pinagmamasdan ko ang ganda ng mga bituin.
Mataas ang aking pangarap kasing taas ng mga bituin sa kalawakan at lahat gagawin ko para matupad ang lahat ng iyon.
Bata pa lang ako ay naranasan ko na ang hirap ng buhay galing ako isang pamilya na masaya kahit payak ang pamumuhay.
Araw-araw ay tinulungan ko ang aking mga magulang sa bukid at tanging iyon lang ang aming kinabubuhay noong araw. Dahil sa simpleng buhay namin noon ay nakapagtapos ako ng pag-aaral. Ika nga nila kapag may tiyaga ay may nilaga.
Mas lalo akong nagdiwang nang makapasok ako sa isang kompanya at naging isang secretary. Ngayon ay masasabi kong mabibigyan ko na ng maayos na buhay ang aking pamilya.
Hindi na kami katulad ng dati na halos walang-wala tagala. May ngiti sa aking labi habang inaalala ko ang mga nangyari noon sa amin.
Hanggang sa bigla akong napatingin sa aking cellphone. Hindi ko lubos akalain na makikita ko ang pinakang may-ari ng kompanya na pinagtatranahuhan ko. At nakakatuwa pa’y nakasama pa namin siya sa outing. Ang masasabii ka’y sobrang gwapo naman niyang talaga.
Kahit sinong babae ay mabibighani sa kanya. Talaga namang nakalaglag panty. My Gosh! Hanggang sa magdesisyon na akong pumanhik sa aking kwarto. Lalo at may pasok pa ako bukas sa opisina.
Paglapat pa lang ng aking likod sa kama ay agad akong nilamon ng antok. Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng alarm clock. Nagmamadali tuloy akong bumangon sa higaan ka agad naman akong nagpunta ng kusina para kumain, pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis.
KASALUKUYAN akong nag-aabang ng masasakyan patungo sa aking trabaho. Mayamaya pa’y may humintonv jeep sa harap ko. Dali-dali akong sumakay rito. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa tapat ng gusali na kung saan ako nagtatrabaho.
Pagpasok ko ng gate ay ngumiti pa ako sa security guard. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob. Lumapig ako sa aking table at naupo sa bakanteng silya. Ngunit muli akong tumayo upang puntahan si Sir, Mathew.
Kumatok muna ako sa punto ng opisina na lalaki. Mayamaya narinig kong pinapapasok ako sa loob. Maingat kong binuksan ang pinto ng opisina. Nakita ko agad ang magandang ngiti ni Sir, Mathew.
Sinabi ko ka agad ang mga schedule nito buong maghapon. Ngunit kailangan kong palaging ipaalala rito lalo at medyo makakalimutin si Sir, Mathew.
Nang masabi ko ang mga oras ng meeting at mga dapat gawin ay magalang akong napatingin sa lalaki. Maingat akong tumalikod para bumalik sa aking table sa labas ng opisina ni Sir, Mathew.
Bubuksan ko na sana ng pinton ng opisinani Sir Mathew, nang nagulat ako sa malaking bulto ng katawan na bumungad sa aking harapan, walang iba kundi si Sir, Lucas. Ang may-ari ng kompanyang ito.
.
Hindi ka agad ako nakapagsalita at nakatingin lamang sa mukha nito. Tila nawala rin ako ng boses at nanunuyo ang aking lalamunan.
Ngunit napansin kong seryoso itong nakatingin sa akin. Tila may binabasa aking mukha na ‘di ko alam kung ano.
“Go-Good morning po, Sir, Lucas---’’ na-uutal-utal na pagbati ko sa lalaki. Hindi nagsalita ang lalaki bakus ay nilampasan lamanga ko nito at nagtuloy-tuloy na pumasok sa loob ng opisina ni Sir, Mathew.
Parang nanibago yata ako? Parang may mali. Bakit ang sungit yata ni Sir, Lucas ngayong araw?
“Jessica, please make us some coffee,” narinig kong utos sa akin ni Sir, Mathew.
“Okay po, Sir, Mathew,” magalang na sagot ko rito. Dali naman akong nagpunta sa ketchen pantry rito sa opisina ni Sir, Mathew. Agad akong lumapit sa coffee maker.
Nang makapagtimpla ako ng kape ay muli kong bumalik sa dalawang lalaking nag-uusap. Ngunit narinig ko ang pinag-uusapan nila.
”I need a new secretary, Mathew,” narinig kong anas ni Lucas.
“Okay, mag-hire tayo ng new secretary mo. Iwan ko ba naman sa ‘yo, Sir, Lucas at walang nagtatagal ng secretary sa ‘yo,” narinig kong anas ni Mathew.
“Excuse po,” magalang na anas ko. Dali-dali kong inilagay ang kape sa harap ng dalawang lalaki. Hanggang sa magalang din akong nagpaalam sa kanila.
“Miss Jessica Delgado!” Napahinto ako sa paghakbang nang tawagin niya ang aking pangalan. Dahan-dahan din akong lumingon sa lalaki.
“M-May ipag-uutos ka po ba Sir, Lucas?’’ tanong ko sa lalaki.
“No! Dahil ang coffee na iyong tinimpla ay---is not a good,” tuloy-tuloy na litanya ni Sir, Lucas. Sobrang awang na awang ang bibig ko dahil sa walang paligoy-ligoy na sabi ni Sir, Lucas.
Tumingin ako kay Sir, Mathew. Kahit ito’y hindi rin makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Sir, Lucas. Parang may kakaiba yata sa lalaki. Hindi ito katulad noong nag- outing kami na sobrang bait nakipag-usap. Ano kayang nangyari rito? Hindi kaya nakakain ito siling labuyo?
“Igagawa na lang po kita ng bagong kape, Sir, Lucas---”
“Huwag na lang, dahil aalis na rin naman ako!” masungit na sabi ni Sir, Lucas. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na umalis sa opisina na ito.
Nasundan ko na lang ng tingin ang papalayong lalaki. Parang may mali sa lalaki. Ibang-iba ito ngayon. Magkakasunod ko tuloy naipilig ang aking ulo.
“Miss Jessica Delgado, ako ang humihingi ng paumanhin sa naging pagtrato sa ‘yo, ni Sir, Lucas. May time kasi na masungit siya lalo na kapag may problema,” anas sa akin ni Sir Mathew.
“Ayos lang po iyon, Sir Lucas, saka wala akong karapatan na magalit dahil siya ang may-ari ng opisina na ito. Kaya carry lang po,” anas ko ang ngumiti pa ng maganda.
Hanggang sa mapaalam na rin ako sa akong Sir, Mathew. Pa-bagsak akong naupo sa upuan. Busangot din ang aking mukha habang nakatingin sa labas ng bintana.
Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin ang nangyari kanina ang kasungitan ni Sir, Lucas. Huwag naman sanang magtuloy-tuloy ang kasungitan nito, hindi kasi ako sanay.
“Jessica Delgado, ang lalim yata ng iniisip mo?” Mabilis akong napaangat ng ulo at tumambad sa aking harapan ay si Mario. Maganda ang ngiti nito.
“Ikaw pala iyan, Mario, may kailangan ka ba?” tanong ko sa lalaki.
“Wala naman, pupunta sana ako sa opisina ni Sira Mathew, ngunit nakita kitang parang tulala. May problema ka na, Jessica?” usisa sa akin ni Mario.
“Wala naman, nagmumuni-muni lamang ako,” sagot ko sa lalaki. Sabay ngiti ng matamis dito. Hindi ko na lang sinabi kay Mario nang tungkol sa kasungitan ni Sir, Lucas, kanina lang.
Baka masama lang ang mood ng lalaki. Kaya ganoon ito magsalita sa akin. Baka mamaya ay okay na rin ito ay makikipag-usap na ng maayos.