BASTARDO 5

1150 Words
Matapos namin magpaalam sa isa’t isa ay agad na ako uumui sa aming bahay. Mabilis naman ako nakarating. Pagpasok sa gate ay agad na ngumiti sa akin ang aming security guard. “Sir, Lucas, maganda umaga po. Mabuti po at dumating ka na, sapagkat hinahanap ka po ng mama at papa mo,” pagbibigay alam sa akin ni kuyang security guard. “Ganoon po ba? Sige po at pupuntahan ko na sila. Maraming salamat po,” magalang na anas ko sa lalaki. Mabilis akong naglalakad papasok sa kabahayan. Namataan ko agad si Yaya at nang makita ko ay mabilis akong sinalubong. “Sir, Lucas, saan ka ba nagpunta? Kagabi pa nag-aalala sa ‘yo ang Mama mo. Hindi ka matawagan sa cellphone mo,” tuloy-tuloy na litanya ni Yaya. “May pinuntahan lang po akong outing kasama ang mga empleyado ko, Yaya,” anas ko sa matanda. “Naku! Mas mabuti kong puntahan muna ang Mama mo. Lalo at kanina pa iyon balisa sa pag-aalalasa sa ‘yo, Lucas.” Marahan akong tumango sa matanda. Hanggang sa magalang ang nagpaalam dito para puntahan si Mama. Tuloy-tuloy akong pumunta sa ketchen at nakita ko ka agad si Mama na mag-isang kumakain dito sa hapagkainan. “Good morning, Ma. . . Teka, bakit mag-isa ka lang ba kumakain? Na saan ba si Papa?” tanong ko sa aking Ina. Mabilis namang lumingon sa akin si Mama. At kitang-kita ko sa mukha nito ang saya nang makita ako. “Anak, saan ka ba nagpunta, ha? Saka, si Papa mo ay maagang umalis. May mga kakausapin siyang mga tao ngayon araw,” pagbibigay alam sa akin ni Mama. “Hinahanap ba ako ni Papa, Ma?” Hindi ko mapigilang tanong sa aking Ina. “Oo naman, anak. Nagtataka siya kung bakit wala ka rito sa bahay at na sanay kasi ang Papa mo na kapag uuwi siya galing sa trabaho ay nandito ka lang sa bahay,” turan ni Mama sa akin. “Pasensya na po kayo, Mama, dahil hindi ako nakapagpaalam sa inyo. Biglaan din po kasi ang outing namin kasama ng mga empleyado ko at kasama ko rin si Mario.” Kumunot ang noo ni Mama. At hindi ka agad nakapagsalita. “Si Mario? Siya ba iyong kababata mo?” usisa sa akin ni Mama. ‘’Yea, Ma, siya nga ang kababata ko at palagi kong kasa-kasama noon kahit saan ako magpunta,” anas ko kay Mama. “Ganoon ba, anak? Ano na ang buhay ni Mario, ngayon?” tanong ni Mama sa akin. “Okey naman siya Mama, sa totoo lang noong nakaraan linggo lang siya pumasok sa kompanya ko at puntahan niya ako sa opisina ko.” “Mabuti naman ay naalala kang bisitahin ni Mario,” may ngiti sa labi ni Mama nang sabihin iyon. Hindi na naman nagtanong si Mama, kung bakit sa akin na nagtatrabaho si Mario. Basta nakikita niyong ayos ang pagsasamahan namin ng kaibigan ko ay masaya na ito. Hindi na rin naman ako nagsalita ng tungkol sa mga nangyari kay Mario. Dahil usapang magkaibigan lamang iyon. “Lucas, anak, mas mabuti pang sabayan mo na lang akong kumain. Nakakawalang gana kasing kumain kapag mag-isa lang,” malungkot na sabi ni Mama sa akin. Agad ko namang pinagbigyan ang request ng aking Mama. Mabilis akong naupo sa bakanteng silya. Si Mama na rin ang nag-asikaso nang paglalagay ng pagkain sa aking plato. Hanggang sa magsimula na kaming kumain. Masaya kaming nag-uusap ni Mama. At nakikita ko rin sa mukha nito ang biglang umaliwalas iyon. Mayamaya pa’y nakita ko na namang tila nalungkot ang mukha ng aking Ina. Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagtanong na rin dito. “Ma, nakagawa na ba kayo nang paraan paran makabayad kay Mr. Don Sebastian?” Hindi ka agad nakapagsalita si Mama. Para bang nag-iisip pa ito kung sasabihin sa akin ang totoo. Hanggang sa binuka na niya ang kanyang bibig. Ngunit naroon na naman lungkot ng mga tama nito.. “Wala pa, Lucas. Ngunit--- gumagawa naman ng paraan ang Papa mo, kaya huwag kang mag-alala. Hmmm--- Pasensya ka na anak, pati ikaw ay apektado sa utang namin,” malungkot na sabi ni Mama sa akin. “Ano ka ba, Mama? Anak ninyo ako kaya dapat na damayan ko rin kayo. Puwede ko bang malaman, Ma? Kung bakit si Papa nagka-utang ng ganoong kalaki?” Nagbuntonghininga muna si Mama. Hanggang sa muling tumingin sa akin ng malungkot. “Ginawa ng Papa mo iyon upang mas lalo pang-lumaki ang ating mga negosyo, ngunit mali yata ang ginawa namin, lalo at malaki ang interes. Masyadong mautak si Mr. Sebastian,” pagbibigay alam sa akin ni Mama. Hindi ako nagsalita, ngunit pa-simple kong ikunuyom ang aking mga kamao. At hindi na ako muling nagtanong kay Mama. Lalo at nakikita kong malungkot na naman ito. Lumipas ang ilang munito ay tuluyan na kaming nakatapos kumain ng umagahan. Magalang akong nagpaalam sa akin Mama para umakyat sa aking kwarto upang makapagpahinga na rin. Pagpasok sa loob ng silid ko’y agad akong nagpunta ng banyo para maligo. Hindi naman ako nagtagal dito at muling lumabas din. Lumapit ako sa kama ko at pagbagsak na nahiga. Hindi naman naglaon ay tuluyan na akong nilamon ng karimlan. Hanggang sa magising ako dahil nag-iingay ang aking cellphone. Dali-dali ko naman itong kinuha kahit antok na atok pa ako. ”Who is this?” tanong kong nakapikit ang mga mata. “Sir, Lucas, ako po ito, si Jessica---" Parang biglang nawala ang antok ko nang marinig ko ang boses ng babae. “Jessica--- Ikaw pala iyan? Bakit ka nga pala napatawag? Saka, paano mo nalaman ang cellphone number ko?” tanong ko sa kanya. “Gusto ko lang magpasalamat, Sir Lucas. Saka, secret na lang kung kanino ko nakuha ang number mo.” Napangiti na lamamg ako. At hindi ko na kinulit kung saan niya nakuha ang cellphone number ko. Iisang tao lang naman ang magbibigay niyo rito, walang iba kundi si Mario. “Jessica, bakit ka nagpapasalamat sa akin? May ginawa ba ako maganda sa ‘yo? Kaya nagpapasalamat ka?” “Hmmm. . . ano . . . kasi . . S-Salamat, dahil binigyan mo kami ng araw na makapag-relax at mag-enjoy lalo na at kasama ka namin---" Napangiti naman ako sa mga sinabi nito. Lalo at ramdam kong kabado rin ang babae sa pagsasalita. “No worries, Jessica. Mga empleyado ko kayo, kaya dapat lang na alagaan ko kayo. Dahil kung wala kayo, wala rin ako sa aking kinalalagyan. Kaya dapat lang na bigyan ko rin kayo ng oras na mag-relax,” tuloy-tuloy na litanya ko sa babae. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Jessica. Ngunit may ngiti sa aking labi nang i-off ko ang cellphone ko. Hanggang sa magdesisyon ako na muling matulog. Lalo at bago pa ang katawang lupa ko sa biyahe. Hindi naglaon ay muli na naman akong nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD