bc

For The Love Of Alejandro

book_age18+
1.0K
FOLLOW
9.9K
READ
HE
badboy
mafia
bxg
rejected
musclebear
friends with benefits
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Mafia RomanceRated ?

Love at first sight ang naramdaman ni Aliya kay Alejandro, ang binatang anak ng kumare ng kaniyang ina na Italiano ang tatay. Dahil sa kahibangan niya kay Alejandro, naisuko niya rito ang pagkaberhin. Inakala niya na mapapaibig na niya ang mailap na binata, subali’t wala itong pakialam at mas gusto siyang maging kaibigan.Isang hindi inaasahang pangyayari ang pumutol sa ugnayan nila ni Alejandro, bumalik ito sa Italy. Pitong taon ang lumipas nang muli silang nagkita. Tiniyak ng dalaga na karapat-dapat na siya sa pag-ibig nito. Ngunit ang binatang minsan niyang napangiti ay tila isa ng robot na walang pakiramdam. Alejandro became a cold-hearted, ruthless guy, na tila galit sa mundo.Hindi ito sinukuan ni Aliya, handa siyang isuko ulit ang sarili mapaibig lamang ito. But it’s not as easy as she thought because Alejandro has only one goal in mind and no room for love. Magtatagumpay pa kaya siya’ng mapaibig ang binata gayong may siktreto siya’ng maaring sisira sa tiwala nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAGKANDAHABA ang leeg ni Aliya kakasilip sa siwang ng pinto sa kaniyang kuwarto. May dumating na bisita, ang kumare ng nanay niya na may kasamang matangkad, moreno pero ubod ng guwapong lalaki. Nakaupo ang mga ito sa sofa sa may salas at kausap ang kaniyang ina. Wari kinikiliti ang kaniyang puso sa kilig habang nakatitig sa guwapong binata na seryoso. Dinig niya’y anak ito ng kumare ng nanay niya sa Italianong kalaguyo noon. Kaya naman pala tisoy, may lahing banyaga. Maganda rin ang nanay nito, halatang may iba ring lahi dahil bughaw ang mga mata at maputi ang kutis. Sa kagustuhan niyang matitigan pa ang mukha ng binata, napadikit na siya sa pinto at naitulak ito. “Aray!” sigaw niya nang maipit ng pinto ang kaniyang kamay na nakahawak sa hamba. Napaatras siya at iwinawasiwas ang nasaktang kamay. “Lintik kang pinto ka!” Tinadyakan pa niya ang walang malay na pinto. “Aliya!” mayamya ay tawag ng kaniyang ina. Natigilan siya at biglang inayos ang kaniyang sarili. Maikling denim pants lang ang suot niya at pulang blouse. Inilugay pa niya ang maalon niyang buhok na hanggang baywang. Bago lumabas ay naglagay pa siya ng face poweder sa mukha dahil nagmamantika na ang kaniyang pisngi. “Aliya! Halika nga rito!” muli ay tawag ng kaniyang ina. “Nariyan na po, Nay!” sagot niya naman. Binasa pa niya ng laway ang kaniyang bibig na nanunuyo. Pagkuwan ay binuksan niya ang pinto at rumampa palabas. Dahil diretso ang tingin niya sa guwapong lalaki, hindi niya napansin ang kaniyang pusa na nasa daraanan. Naapakan niya ang buntot nito at napasigaw. Dahil sa pagkagulat ay napalundag siya at nawalan ng balanse. Napatid pa ng nakabalandrang walis tambo ang paa niya at nag-dive siya sa lalaking nakaupo. Sa dami ng puwedeng madakma ay ang namumukol na malaking bagay sa loob ng pants ng lalaki, sa ibaba ng puson nito. “Anak ng pusang malaki!” bulalas niya nang masubsob pa ang kaniyang mukha sa matigas na puson ng lalaki. “Ano ba ‘yan, Aliya! Umayos ka nga’ng bata ka!” singhal ng kaniyang ina. Nanag-angat naman ng mukha si Aliya at diretso ang titig sa guwapong mukha ng lalaki na nakayuko sa kaniya. Nang maramdaman ang init ng mga kamay nito sa kaniyang mga braso ay wari may sumiklab na apoy sa paligid. Inalalayan pa siya ng lalaki patayo. Hindi siya maka-get over nang matanto na nahawakan niya ang malaking sandata ng lalaki. Akala niya’y magagalit ito ngunit blangko ang ekpreasyon ng mukha nito. Muli rin itong umupo at ibinalik ang tingin sa aso nila’ng nakaupo sa harap ng pintuan at nagkakamot ng batok. “Aliya! Makinig ka nga!” anang kaniyang ina. Pumihit naman siya paharap sa kaniyang ina. Umupo siya sa sofa may tatlong talampakan ang agwat sa lalaki. “Bakit, ‘Nay?” tanong niya naman. “Siya na pala si Aliya, mare? Ang anak ninyo ni Rojillo?” nakangiti namang sabi ng ginang na bisita. “Oo, Mars. Dalaga na pero isip-bata pa rin,” sabi naman ng kaniyang ina, inilaglag pa siya. Ngumuso naman siya. “Nako! Ang gandang bata at ang tangkad! Ilang taon na pala siya, mare?” “Nineteen na siya, second year college. Pahinto-hinto kaya tagal makatapos.” “Ayos lang ‘yan, mare. Ang mahalaga ay makatapos siya.” “Oo naman. Siya nga pala, Aliya, ito si Mareng Rosalia, kababata ko at kaibigan. Dati siyang nakatira rito sa Talisay at lumipat sa Mactan pagbalik mula abroad,” pagkuwan ay sabi ng kaniyang ina. “Hello po!” nakangiting bati niya sa ginang. “Ikinagagalak kitang makita ulit, Aliya. Musmos ka pa noong umalis ako rito sa Talisay. Ngayon ay mas malaki ka na sa nanay mo.” “Masaya rin po ako na makilala kayo.” Hindi siya mapakali ay panay ang sipat sa tahimik na binata sa tabi niya. Nakatingin pa rin ito sa aso, tila may sariling mundo. “Ah, anak n’yo po ba itong kasama n’yo?” hindi natimping usisa niya. “Ah, oo. Siya si Alejandro, anak ko sa anak ng naging amo ko sa Italy. Matanda lang siya ng apat na taon sa ‘yo,” ani Rosalia. “Ang pogi po niya, ano?” kiniklig niyang sabi. Natawa si Rosalia. Si Marcela naman na ina ni Aliya ay binato siya ng mahayap na tingin. “Huwag kang maharot, Aliya!” saway nito sa kaniya. Ngumuso siya. “Nanay naman. Minsan nga lang ako magka-crush, kontra ka pa,” maktol niya. “Magtigil ka, Aliya!” Hinawakan naman ni Rosalia sa hita si Marcela. “Hayaan mo na ang anak mo, Marcela. Normal lang naman ang magka-crush sa edad niya.” “Siya nga pala, mare, nag-aaral ba si Alejandro?” pagkuwan ay tanong ni Marcela sa kaibigan. “Nag-aral na siya sa Mactan. Electrical engineering ang tinapos niya pero gusto niya ulit mag-aral. Gusto niyang pumasok sa military, mare,” ani Rosalia. “Aba, bakit hindi? Puwede pa naman. Twenty-tree pa lang naman siya.” “Eh, kaso nahihirapan pa nga siya sa Tagalog. Sabi ko naman puwede siyang mag-take ng ibang exam para diretso training na lang.” “Hayaan mo, maghanap tayo ng tutulong sa kaniya.” “Eh, si Aliya, ano’ng kurso ang kinukuha niya?” pagkuwan ay tanong ni Rosalia. “Nako! Sa dami ng kurso, BS Criminology ang kinuha ni Aliya. Gusto raw niya mag-pulis.” “Ayos lang ‘yon. Ayaw mo n’on may anak kang pulis?” “Iba naman ang gusto niyang gawin, manghuli ng kidnapper. Hahanapin daw niya ang tatay niya.” Biglang naghari ang katahimikan. Ginupo rin ng lungkot si Aliya nang maalala ang kaniyang ama na limang taon nang nawawala. Noong nakaraang buwan ay nabalita na patay na umano ang tatay niya. Hindi siya naniwala kasi wala siyang nakitang bangkay. Kaya hanggat hindi niya nakikita ang katawan ng tatay niya, hindi siya maniniwalang patay na ito. Iniba naman ng magkumare ang paksa. Inutusan ni Marcela si Aliya na bumili ng meryenda. Binitbit ng dalaga ang pusa niyang itim at nagtungo sa tindahan ni Aleng Marites. As usual, may nag-uumpukang mga tsismosa sa harap ng tindahan. “Baka puwedeng padaan, mga ale!” sabi niya. Tumabi naman ang apat na ginang. Tuloy pa rin ang usapan ng mga ito at walang ibang paksa kundi ang bisita nila. “Naanakan pala ng dati niyang amo sa Italy si Rosalia? Kaya pala ilang taon siyang hindi bumisita rito, siguro nahihiya,” sabi ng matabang babae. “Oo nga. Sabi noon, pinakasalan siya ng Italiano, hindi naman pala. Manang-mana talaga sa nanay niya na nagpabuntis noon sa Russian na sundalo. Like mother like daughter nga naman,” gatong naman ng matangkad na payat. “Nako! Wala talagang usok na nakikimkim. Nagsinungaling pa sila, ano ngayon? Lumabas din ang katotohanan!” sabi naman ng certified tsismosa ng barangay, si Aleng Lokay. Nang makuha ang biniling soda at tinapay ay hinarap ni Aliya ang mga tismosa. Tumikhim siya nang malakas. “Magkano ho ba ang suweldo n’yo sa pagtsismisan, mga ale? Pabulong naman, baka puwedeng maka-side line sa inyo,” sabi niya. “Magtigil ka nga, Aliya! Umuwi ka na at baka gutom na ang mga bisita n’yo!” bulyaw naman ni Aleng Lokay. Nilagpasan niya ang mga ito pero muli niyang nilingon. “Kayo rin ho umuwi na at magsaing! Baka uuwi ang mga asawa n’yo na taob pa ang kaldero! Tsismis kasi ang inuuna kaya walang asenso!” buwelta niya. Pumulot ng maliit na bato si Aleng Lokay at ibinato sa kaniya pero nailagan niya naman. Tinawanan lang niya ito. Pagpasok ni Aliya sa bahay ay nakurot siya ng kaniyang ina sa tagiliran. “Aray po!” daing niya. “Sabi ko naman sa ‘yo, huwag mong patulan ang mga tsismosa!” anito. “Hindi naman po! Paminsan-minsan ay kailangan din nilang supalpalin para mabawasana ng kati ng mga dila.” “Oh, siya, kumuha ka ng mga baso roon!” Inilapag niya sa mesita ang bote ng soda at dalawang balot na spanish bread. Kumuha siya ng tatlong baso at isang plato. Siya na ang nagsalin ng inumin sa baso. At siyempre, inabot niya kay Alejandro ang baso nito at inalok ng tinapay. “Thank you,” tipid nitong sabi. Hindi umiinom ng soda ang nanay niya kaya siya ang uminom ng para rito. Umupo siyang muli sa tabi ni Alejandro, mas malapit na. Alas-kuwatro na ng hapon saktong meryenda time. “Uupahan na lang namin ang second floor ng bahay n’yo, mare,” sabi ni Rosalia. Kamuntik nang maibuga ni Aliya ang kaiinom niyang soda. Nasamid pa siya at ubo nang ubo. Na-distract tuloy ang dalawang ginang. Mabuti nawala rin ang bara sa lalamunan niya. “Sige, mare. Ipalipat ko na lang muna ang bunso ko sa kuwarto ko rito sa ground floor. Mas maluwag naman ang kuwarto ko. Siya lang naman ang gumagamit ng kuwarto sa second floor. Dalawa ang kuwarto roon kaya siguradong komportable si Alejandro,” ani Marcela. “Salamat, mare. Hayaan mo, once nakahanap ako ng mumurahing bahay na binibenta, lilipat kaagad kami. Kailangan lang talaga naming umalis ng Mactan kasi baka maisip ng tatay ni Alejandro na pumunta rito. Tiyak na sapilitan niyang kukunin si Alejandro. Alam niya ang bahay namin sa Mactan.” “Walang problema, mare. Kahit ilang taon pa kayo rito.” Hindi na nagtaka si Aliya bakit may dalawang malalaking maleta na dala ang mag-ina. Lalo naman siyang nasabik nang malamang doon titira sa bahay nila si Alejandro. Kahit papano ay natapos pa ng tatay niya ang dalawang palapag nilang bahay bago ito nawala. Engineer ang tatay niya, ang kaniyang ina naman ay elementary teacher. Ang bunso niyang kapatid na lalaki ay high school na, sixteen years old. Pagkatapos magmeryenda ay hinakot ni Aliya ang gamit ng kapatid niya palipat sa silid ng kanilang ina. Tumulong naman si Alejandro sa pagbubuhat ng mabibigat na gamit. Hirap siyang kausapin ito dahil hindi pa sanay sa wikang Tagalog. Sixteen years old pa pala ito noong napuntan sa Cebu, pero mas madali itong natuto ng Bisaya kaysa Tagalog. “Are you tired?” nakangiting tanong niya kay Alejandro. Hindi maalis ang tingin niya rito na tagaktak ang pawis. Wala kasi silang air-con. Kahit pawisan ito ay hot pa rin, lalong gumuwapo. “Not really,” sagot lang ni Alejandro. Mayamaya ay biglang naghubad ng itim na kamesita si Alejandro. Basa na kasi ang damit nito. Halos lumuwa ang mga mata ni Aliya nang masilayan ang matipunong katawan ng binata. Ang aga nag-mature ng katawan nito, may tumubo nang mala-pandesal na pinagdikit sa puson nito. Hindi niya namalayan na nakanganga na pala siya, at may tanong si Alejandro. “Can we get this one?” muli’y tanong nito. Itinuro nito ang maliit na aparador na lagayan ng abubot ni Aljon. Kumislot siya nang mahimasmasan. “Ah, n-no need! May ganyan sa room ni Nanay. We will take the abubot!” sabi niya. Mariing kumunot ang noo ni Alejandro. “What is that?” “I mean, those stuff!” itinuro na niya ang mga laruan at kung anong abubot na nakalagay sa aparador. “I will put them here.” Inilapit na niya ang malaking echo bag sa aparador at doon ipinasok ang mga abubot. Ang sunod naman nilang pinagtulungan ay ang makapal na foam na ng kama. Maliit ito kaya hindi kasya kay Alejandro, kailangang palitan ng malaki. Nagulat siya nang makaya ni Alejandro buhatin ang mabigat na foam. Inalalayan pa niya ito pababa ng hagdan. Pagdating sa kuwarto ng nanay niya ay nabuwal silang dalawa sa bumagsak na foam. Ipinilit kasi nila itong ipasok sa pintuan. Tawa siya nang tawa nang mapansin na napahawak sa ulo nito si Alejandro. Nabagok ito sa paanan ng kama. Tumayo na ito. Tumayo na rin siya at akmang kukunin ang dumikit na bulak sa likod ni Alejandro ngunit bigla itong pumihit paharap sa kaniya. Awtomatikong naghuramentado ang kaniyang puso nang magtama ang mga titig nila ng binata. Sa sobrang lapit nito sa kaniya ay halos magbungguan ang mga katawan nila. Napahawak siya sa pawisan nitong dibdib na matigas. Naunahan na ng kaniyang isip ang senaryo. Ini-imagine niya na hahalikan siya ni Alejandro kaya pumikit siya at nag-angat ng mukha, pinahaba ang kaniyang nguso. “Aliya!” tawag ng kaniyang ina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook