Chapter2

2064 Words
Nagulantang siya at kamuntik nang sumemplang nang mawalan siya ng balanse. Wala na pala sa harapan niya si Alejandro. Nakalabas na ito ng silid. Lumabas naman siya at nasalubong ang kaniyang ina. Binigyan siya nito ng isang daang papel. “Bili ka ng mantika, toyo, at saka pamintang buo, dahon ng laurel para sa adobong manok,” utos ng kaniyang ina. Tango lang siya nang tango pero ang isip ay si Alejandro pa rin. Pagdating sa tindahan ay hindi na niya maalala ang pinabili ng kaniyang ina. Adobo lang ang nasa isip niya. Alam na niya ang sangkap nito kaya iyon ang binili niya. Pag-uwi niya’y nakurot siya ng ina sa tagiliran. “Aguy!” tili niya. Napaatras siya. “Sabi ko mantika, hindi suka! Ano ang panggigisa ko?” palatak ng kaniyang ina. “Adobo kamo, ‘di ba may suka rin?” katwiran pa niya. “Mantika, toyo, paminta, dahon ng laurel, iyon ang sabi ko! Lutang ka talaga! Hala! Bili ka ng mantika!” Binigyan ulit siya nito ng singkuwenta pesos. Napapakamot ng ulo habang palabas siya ng bahay. Bumalik siya sa tindahan at bumili ng mantika. Nawala naman ang inis niya pagbalik ng bahay. Sumilip siya sa likod ng bahay kung saan ay namataan niya si Alejandro sa may poso. Binubumba nito ang poso at pinupuno ng tubig ang timba. Tumayo siya sa gilit ng pintuan at pinanood ang binata. Dumidilim na kaya binuksan niya ang ilaw sa labas. Napalingon tuloy sa kaniya ang binata. May gripo naman sila pero sira ang motor ng tubig kaya ilang buwan na sa poso lang sila umiigib. Wala pa kasing budget pambili ng bagong makina ng tubig. Nakakonekta lang kasi ito sa kuryente. Mayamaya ay may sumundot sa kaniyang likod. Napalingon siya sa kaniyang ina na siyang kumalabit sa kaniya gamit ang sandok. “Huwag mong pagnasahan si Alejandro, batang ‘to!” sita ng ginang. “Hindi naman po.” “Magbalat ka rito ng patatas!” Lumapit naman siya sa lamesa at binalatan ang anim na patatas na maliliit. Dumating na ang kapatid niya at nagreklamo at dumiretso sa second floor. Pero mayamaya rin ay bumaba ito na nakasimangot. “Bakit wala na ang mga gamit ko sa kuwarto?” anito. “Sa kuwarto ko ikaw matutulog, Aljon. Doon ka muna at may uupa sa second floor,” sabi naman ng kaniyang ina. “Ano? Sino naman?” “Ang kumare ko at anak niya.” Napakamot ng ulo si Aljon at padabog na pumasok sa kuwarto ng kanilang ina. Nagbibinata na talaga ang kapatid ni Aliya, ayaw na may kasama sa kuwarto. Pumasok naman si Alejandro bitbit ang dalawang timba na may lamang tubig. May suot na itong itim na sando na hapit sa katawan nito. Naglaway na naman si Aliya, lalo nang matitigan ang naggagalawang muscles ng binata sa braso. Ibinuhos nito ang laman ng timba sa malaking drum ng tubig sa gilid ng lababo. “Daghang salamat, Ale! You may take some rest,” sabi ni Marcela. Tumango lang si Alejandro. Bumalik pa ito sa poso at muling umigib, para naman sa banyo. Pilyang ngumiti si Aliya. “May taga-igib na pala tayo, Nay. Hindi na lalaki ang braso ko kakabuhat ng timba,” aniya. “Huwag kang abusado, Aliya!” singhal ng ginang. Napangiwi siya. TATLONG buwan pa ang lumipas ay lalong lumalim ang pagkahumaling ni Aliya kay Alejandro. Lalo siyang humanga sa binata dahil sa pambihirang abilidad nito. Ito ang nag-ayos ng mga sirang appliances nila, maging ng motor sa tubig. Naging close rin dito ang kapatid niya, naging idol si Alejandro. Naipasok naman ng nanay niya si Alejandro sa isang electric cooperative sa lugar nila. Lalo namang na-inspired sa pag-aaral si Aliya dahil kay Alejandro. Matalino sa math at science si Alejandro, at minsan ay nagpapaturo siya rito ng assignment niya. Dahil attractive ang binata, marami na ang babaeng naaakit dito, dumami rin ang karebal ni Aliya. Mabuti na lang walang interest sa babae si Alejandro, hindi rin palakibo kaya dedma sa mga bababe na nagpapa-cute. Dahil din kay Alejandro ay natutong mag-ayos sa sarili si Aliya. Dati ay hindi siya nagsusuot ng seksi na damit, hindi rin gumagamit ng skin care. Malaki talaga ang impact sa kaniya ng binata, kaso walang nagbago sa pagtingin nito sa kaniya. Parang kapatid lang o kaibigan ang turing nito sa kan’ya. Sabado ng gabi ay nagdiwang sila ng kaarawan ng nanay ni Aliya. Pinag-ipunan talaga ng dalaga ang regalo niya rito, ang magandang dress na bughaw. Habang naghahapunan sila ay bigla namang naiyak ang nanay niya. “Bakit, Nay?” natatarantang tanong ni Aliya sa ina. Mabilis niya itong nilapitan. Katatapos lang nilang magkantahan. “Naalala ko na naman ang tatay mo, anak,” humihikbing sabi nito. Ginupo na rin siya ng mabigat na emosyon pero hindi niya pinakita sa ina ang kaniyang luha. “Huwag ka na malungkot. Alam ko masaya si Tatay nasaan man siya ngayon,” sabi niya. “Pero ang tagal na, kung buhay pa siya, sana nagparamdam na siya.” “Tama na, Nay. Masisira ang party natin, eh.” Tumigil din sa pag-iyak ang ginang. Bigla itong nagbukas ng bote ng alak at inihalo sa kalahating petsil na orange juice. Niyaya nito si Rosalia na maglasing. Nakisama naman ang isang ginang. Pumuslit din si Aliya ng alak na may juise at naglagay sa maliit na petsil. Kumuha siya ng apat na fried chicken at dinala sa terrace kung nasaan sina Alejandro at Aljon. Iba naman ang trip ng mga ito. Tinuturuan ni Alejandro si Aljon na mag-assemble ng electrical wiring para sa project ni Aljon. “Boys, mamaya na ‘yan! Let’s have a drink!” abala niya sa dalawang lalaki. Inilapag niya sa lamesa ang inumin at pulutan. May kinakain na pancit si Alejandro at lumpia, may cup cake rin pero mas madalas pa nitong bigyan ng pagkain ang aso nilang itim na si Buknoy. “Nako, Buknoy, ah! Nakarami ka na kay Ale!” kausap niya sa aso. Hinipo pa ni Alejandro sa ulo ang aso. “He’s a good boy,” sabi nito. “Pulgasin ‘yan, kung saan-saan kasi nakikipag-away.” “He’s your father’s dog, right?” ani Alejandro. Tumabang ang kaniyang ngiti. “Oo. Maliit pa si Buknoy noong nawala si Tatay.” Lumuklok siya sa tabi ni Alejandro, sa gawing kaliwa. Umalis naman si Aljon at biglang kumulo ang tiyan. May pagkakataon siyang masolo si Alejandro. Inalok niya ito ng juice na may alak at hindi nito namalayan. Nasarapan ito sa inumin. “What happened to your father? Is someone took him?” usisa ni Alejandro. Katagalan ay nagiging madaldal ito, maaring epekto na rin ng inumin. Ni hindi siya nito sinita nang kumapit siya sa kanang braso nito. Nakadalawang baso na rin siya ng juice na may alak at lumalakas na ang amat niya. “Yes, someone took him. Nasa trabaho noon si Tatay, at sabi ng katrabaho niya, may mga lalaking bumaba ng van at biglang dinampot si Tatay. Hindi na siya nakauwi at wala kaming balita. May ibang kasama pa siyang nawawala,” kuwento niya. “Why people said he’s dead?” “Kasi nga walang balita sa kaniya. Sumuko na rin ang mga pulis kakahanap at sabi wala na si Tatay.” “Do you believe in that rumor?” “Of course no!” mariin niyang tugon. “Kahit kailan ay hindi ako maniniwalang patay na si Tatay! Once naging pulis na ako, ako mismo ang hahanap kay Tatay.” “Your choice of career was dangerous, Aliya,” sabi nito. “I know, but I can be powerful once I become a policewoman.” “Only your mind could say that, but I could sense you’re weak.” Nainis siya sa sinabi ni Alejandro. “Wala kang bilib sa akin, ano?” “I’ll tell you something.” Tumitig naman siya sa mukha ni Alejandro. “What?” “Women were created next to men. Their straight almost halves from men. It means that even if a woman becomes strong, they are still weak when it comes to men.” “I know, but there are ways to raise women's empowerment. Sinabi ni Tatay noon na dapat ang babae ay marunong ding lumaban. Tinandaan ko ‘yon. Kaya sisikapin ko na maging malakas.” “Your father was right. Women need to learn how to defend themselves.” “Pero ‘di ba kaya may lalaki ay dapat sila ang magprotekta sa mga babae?” “That’s right, but not all men can protect women. Sometimes, they are the reason why women get hurt.” “Ang seryoso mo. Inom pa tayo!” Dinagdagan niya ang inumin ni Alejandro. Wala naman itong reklamo. Ni minsan ay hindi pa nakita ni Aliya na ngumiti si Alejandro. Niyaya niya ito maglaro ng baraha, unggoy-ungoyan. Hindi marunong maglaro si Alejandro kaya nakarami siya ng pitik sa kamay nito. “You cheated!” giit ni Alejandro. “Hindi kaya! You just don’t know how to play!” “I know it. You’re just good, Aliya.” Ngumisi siya. “Oh, ‘di ba? Once nakasampung talo ka na, magiging unggoy ka!” Ginaya pa niya kung ano ang ginagawa ng unggoy, nagkakamot ng ulo at baba habang pumapadyak ang mga paa sa sahig. Mayamaya ay bilang tumawa si Alejandro. “Silly girl,” sabi nito. Natigilan ang dalaga nang sa wakas ay nasaksihan niya’ng tumawa at ngumiti si Alejandro. Hindi siya maka-get over. “Isang laro pa, Ale!” sabi niya. Muli siyang umupo sa tapat ni Alejandro. Naglaro ulit sila ng baraha. At sa pagkakataong iyon ay nanalo si Alejandro. Tuwang-tuwa ito, tuluy-tuloy na ang ngiti. Namihasa si Aliya kaya sinadya niyang magpatalo para lang mapangiti palagi ang binata. Pagkalipas ng isang oras ay nagpaalam na si Alejandro. Maliligo umano ito. Inubos pa ni Aliya ang inumin niya bago pumasok ng bahay. Napailing siya nang madatnan ang nanay niya at si Rosalia na nakahiga sa sahig, sa may carpet. Dahil malamang iyon sa labis na kalasingan. “Hay! Bahala nga kayo riyan,” sabi niya. Dumudoble na ang paningin niya kaya hinayaan na muna niya ang kalat sa salas. Sa halip na pumasok sa kuwarto ay napasugod siya sa kusina. Narinig kasi niya na may nagbubuhos ng tubig sa labas, sa may poso. Nakaawang ang pinto kaya siya sumilip. Awtomatikong umalab ang kaniyang katawan nang mapansin si Alejandro na naliligo, tanging itim na brief ang suot. Nagsimula na naman siyang magpantasya rito. Nang mapansin siya ni Alejandro ay tuluyan siyang lumabas. “Let’s take a bath, Aliya!” paanyaya nito. “Game!” walang abog niyang sabi. Naghubad na siya ng damit at underwear ang naitira. Tuwang-tuwa naman siya nang buhusan siya ni Alejandro ng tubig sa ulo gamit ang tabo. Lumundag-lundag pa siya. Lalo siyang nahilo sa muling pagtalon niya, mabuti maagap siyang nahapit ng kamay ni Alejandro sa baywang. Napakapit siya sa maskuladong mga braso nito. Pareho silang natigilan nang magtama ang kanilang mga titig. Tumahip naman nang husto ang dibdib ni Aliya at natutuksong halikan sa mga labi ang binata. Kung kailan malapit na ang bibig niya sa mga labi nito ay saka naman umiwas si Alejandro. “Magbibihis na ako,” sabi nito saka siya iniwan. Nagmadali namang nagbanlaw si Aliya. Wala siyang dalang towel kaya tumakbo siya’ng basa patungo sa kuwarto. Subalit kahit anong aliw niya sa sarili ay hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang mukha ni Alejandro. Wari inaapuyan ang kaniyang katawan, patuloy na naghuhuramentado ang kaniyang puso. Mayamaya pa ay natagpuan niya ang kaniyang sarili na lumabas ng silid, tanging tuwalya ang sapin sa kaniyang katawan. Pumanhik siya ng hagdanan at diretso ang tungo sa kuwarto ni Alejandro. Bahagyang nakabukas ang pinto pero kumatok siya. Binuksan ng binata ang pinto at nagulat nang makita siya, awtomatikong naglakbay ang paningin sa kaniyang katawan. “Aliya, what are you doing here?” ‘takang tanong ni Alejandro. Hindi siya makakibo at wari sasabog na ang dibdib niya sa lakas ng pagtibok ng kaniyang puso. Diretso ang titig niya sa mga mata ni Alejandro, at lalo lamang siyang natutukso nang mapansin na tuwalya lang din ang sapin sa ibabang katawan nito. Hindi nga siya nakapagpigil at itinulak niya sa dibdib ang binata. Sinugod niya ito papasok ng kuwarto at walang abog na siniil ng halik sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD