Chapter 3

1809 Words
NILUBOS na ni Aliya ang pagkakataon nang maramdaman na nadadala si Alejandro sa kaniyang halik. Una’y pinigilan siya nito pero nang laliman pa niya ang paghalik dito ay hindi na siya nito itinulak, bagkus ay kumilos na rin ang mga labi nito, maging ang mga kamay nito. Nagulat siya nang biglang hiklasin ni Alejandro ang tuwalya sa kaniyang katawan. Pero may wisyo pa ito at muli siyang pinigil. “This is not right, Aliya,” anas nito. “Wala akong pake! Gusto ko ‘to, Ale! Angkinin mo ako!” nahihibang niyang usal. Muli niyang hinapuhat ng pangahas na halik sa bibig ang binata. Hinila rin niya ang tuwalya nito at itinulak ito paupo ng kama. Wala man siyang karanasan sa usaping sekswal ngunit malawak ang kaniyang imahenasyon dahil sa kababasa ng nobela. Ginaya niya kung paano kumilos ang babae sa libro. Mayamaya ay tumugon din ulit sa halik niya si Alejandro, at laking mangha niya nang hubugin ng mga kamay nito ang mayayaman niyang dibdib. Napaungol siya dahil sa nakaliliyong sarap na nalilika ng mga kamay nito sa kaniyang dibdib. Pero nagulantang din siya nang maramdaman ang paninigas ng armas ni Alejandro sa pagitan ng kaniyang mga puson. Bumaba ang kanang kamay niya at kinapa ang ibaba ng puson ni Alejandro. Napapiksi siya nang maramdaman na halimaw pala sa laki at haba ang sandata ng binata. Sinalakay siya ng kaba at naisip na umurong kaso tila huli na. Tuluyan siyang nawala sa wisyo nang sakupin ng bibig ni Alejandro ang isang dunggot niya. Dahil sa ginagawa nito’y tuluyang namasa ang pagkab*b*e ni Aliya. Lalo siyang nalasing sa kamunduhan, bagay na hindi na niya magawang pigilan. Ang hawak niyang armas ni Alejandro ay lalong nanigas kaya hinubog niya nang mabilis gamit ang kamay. Walang alinlangan na sinubukan niyang ipasok ang dulo ng alaga ng binata sa kaniyang namamasang kaselanan. “Ay, sh*t!” bulalas niya nang mapunit ang manipis na balat sa kaniyang puwerta. Pero agresibo na siyang isuko ang Bataan sa binata. Kahit masakit ay itinuloy niya ang pagbaon ng armas ng kaniig sa kaniya. “Ugh!” daing niya. “Y-You’re hurt!” bulalas ni Alejandro. “Ayos lang,” sabi niya. “We should stop it, Aliya.” “No!” Itinulak niya ito sa dibdib kaya napahiga ng kama. Upang hindi na ito makapagprotesta ay tuluyan niyang inupuan ang kandungan nito kaya lalong bumaon ang alaga nito sa kaniya. Sandali lang kumilos si Aliya dahil wari nilalaslas siya ng malaking itak. Samantalang tila nilamon na rin ng matinding pagnanasa si Alejandro at biglang bumalikwas at ito ang pumaibabaw sa kaniya. Nawalan na rin ito ng kontrol sa sarili at biglang inulos nang mabilis ang alagad sa pagitan ng kaniyang mga hita. Wala nang nagawa si Aliya kundi dumaing dahil sa makapigil-hiningang kirot. Katagalan ay unti-unti ring napapawi ng sarap ang hapdi sa nawasak niyang pagkaberhin. Alam niya na malaki ang kay Alejandro dahil minsan na niyang nadakma, pero lalo itong lumaki nang nanigas. Nang maghari ang nakaliliyong sensasyon sa kaniyang kaibuturan ay hinayaan na niya ang pagrahas ng kilos ni Alejandro. Lalo silang nagtagal nang muli siyang pumaibabaw rito at nagsumikat na makarating sa tinatawag na luwalhati ng kamunduhan. Halos mahibang siya sa sarap nito at hindi na magawang tumigil sa pagkilos. Muli naman siyang kinaibabawan ng binata at itinuloy ang kalbaryo, lalong bumilis ang pag-urong-sulong ng alagad nito sa kaniyang puwerta, hudyat na nalalapit na rin ito sa tugatog. Ilang sadali pa pagkatapos ng ikalawang orgasmo ni Aliya ay nakatuntong din sa rurok ng luwalhati ang binata. “WHAT happened last night was a mistake, Aliya. We both lost control, and we should forget it,” sabi ni Alejandro nang kausapin ito ni Aliya kinabukasan. Pinuntahan niya ito sa kusina nang siya’y magising. Nakalipat din naman siya kaagad ng kuwarto pagkatapos ng nangyari sa kanila ng binata kaso madaling araw na. “Hindi ‘yon mistake, Ale. Ginusto ko ‘yon kasi….” “Shut up! I won’t tolerate you, Aliya!” asik nito, na pumutol sa kaniyang pagtatapat. “Gusto kita, Ale!” hirit pa niya. Ngunit tinalikuran na siya ni Alejandro. Lumabas ito ng bahay at lumulan sa motorsiklo nito na kabibili. Masama ang pakiramdam ni Aliya kaya uminom siya ng paracetamol. Para siyang lalagnatin at nananakit ang kasukasuan kaya humiga siya muli ng kama. Hindi rin siya makalakad nang maayos dahil sariwa pa ang sugat sa kaniyang pagkab*b*e. Hindi tuloy siya nakapaglaba. May pasok na siya sa school kinabukasan. “Aliya, anong oras na bakit nakahilata ka pa riyan?” tanong ng nanay niya na pumasok sa kaniyang silid. “Masama po ang pakiramdam ko, Nay,” malamyang tugon niya. “Nako! Nakarami ka siguro ng inom ng alak kagabi, ano?” “Konti lang po.” “Hay! Batang ‘to talaga. Sa susunod wala nang anak-alak sa party!” Binuhat na ng nanay niya ang basket na puno ng labahang damit niya. LUMIPAS ang isang buwan na malimit lang makausap ni Aliya si Alejandro. Busy ito sa trabaho at abala rin siya sa pag-aaral dahil malapit na ang exam nila. Biyernes ng gabi ay naglalakad siya pauwi nang sundan siya ng mga kaklase niyang lalaki. “Ano’ng kailangan n’yo?” inis niyang tanong. “Aakyat ng ligaw, siyempre,” sabi ni Robin. Guwapo ito pero mayabang kaya kahit ilang beses siyang kinukulit ay hindi niya pinapansin. “Hindi ako nagpapaligaw!” mataray niyang singhal sa mga ito. “Ayaw pa rin ba ng nanay mo?” Sinabayan na siya ni Robin sa paglalakad. Nakabuntot naman ang dalawang alalay nito. “Ayaw niya at ayaw ko rin!” “Kahit date lang?” “Ayaw!” “Grabe ka naman. Ipapasyal pa naman sana kita sa resort ng tita ko. Libre tayo ro’n. Malaki ang resort ng tita ko. Pulis din ang asawa niya katulad kay Papa. Mayor ang tita ko sa Lapu-lapu.” Nagyabang na ito. “Wala akong pake kahit presidente pa at may-ari ng Pilipinas ang tita mo!” Binilisan na niya ang kaniyang hakbang. Humabol pa rin si Robin pero biglang may motorsiklo na huminto sa harapan nila. Nagulat siya nang makita si Alejandro, nagtanggal ng itim na helmet. Itim din ang jacket nito at pants. “Tsk! Ayan na naman ang kuya-kuyaan mong pakialamero!” maktol ni Robin. “Let’s go, Aliya!” paanyaya ni Alejandro. Kahit nag-alangang umangkas ay tumuloy pa rin siya makaiwas lang kay Robin. Kumapit siya nang mahigpit sa baywang ni Alejandro nang paharurutin nito ang motorsiklo. Dalawang beses na siyang nadaanan ni Alejandro sa school at naiangkas sa motor nito. Kahit papano ay gumaan ulit ang pakikitungo nito sa kaniya, kaso, umakto naman na parang kuya niya. “Saan tayo pupunta, Ale?” tanong niya sa binata. “We will buy something,” turan nito. Huminto sila sa tapat ng ihawan ng manok. Natakam siya sa nakahilirang roast chicken na iniihaw pa lang. Hula niya ay nakasuweldo na si Alejandro. Sa tuwing bagong suweldo kasi ito ay bumibili ito ng roast chicken. “Suweldo mo na, ano?” nakangiting untag niya sa binata. Nakababa na sila ng motorsiklo at nag-order ng dalawang buong roast chicken. “Yeah,” tipid nitong tugon. Naglabas ng buong isang libo si Alejandro at naibayad para sa manok. Nanlaki ang mga mata ni Aliya nang abutan siya ni Alejandro ng isang libo. Kinuha naman niya ito na may pagtataka. “Para saan ‘to?” tanong niya. “Added to your allowance,” anito. “Wow! Thank you!” Napapiksi pa siya sa kilit Kinuha na rin ni Alejandro ang order na manok. Paalis na sana sila nang mapansin ni Aliya ang lalaki na siyang katrabaho noon ng tatay niya. Kasama ito ng tatay niya na nawala. Nagalak pa siya nang maisip na maaring nakauwi na rin ang tatay niya. “Mang Roman, sandali!” pigil niya sa ginoo. Huminto naman ito at humarap sa kaniya. “Oh, Aliya, ikaw pala. Ang laki mo na, ah,” nagagalak ding sabi ng ginoo. Lumapit din sa kanila si Alejandro at nakiusyoso. “Kailan pa ho kayo nakauwi?” nasasabik niyang tanong. “Noong nakaraang buwan pa.” Naudlot naman ang kaniyang tuwa. “Eh, si Tatay po? Nakita n’yo po ba? Kasama n’yo siyang nawala noon, eh.” Umalon ang dibdib ng ginoo at nanilim ang anyo. “Isang grupo lang ang dumakip sa amin ng tatay mo noon. Kaso kinuha siya ng leader ng mafia at inilayo sa amin ng ibang kasama namin. Dinig ko papatayin siya. Kaya naisip ko na baka nga namatay na si Rojillo kasi hindi na siya naibalik sa amin,” kuwento ng ginoo. Natigagal si Aliya at awtomatikong nilamon ng mabigat ng emosyon sa kaniyang dibdib. “A mafia?” saad naman ni Alejandro. “Oo. Inalipin din kami ng mga tauhan ng mafia. Mabuti na-raid ng mga pulis ang headquarters nila sa Zamboanga kaya nakalaya kami.” “Sigurado po kayo na pinatay ng mga mafia si Tatay?” humihikbi niyang tanong. “Iyon ang alam namin kasi pumapalag si Rojillo noon. Dinala raw siya sa mafia boss at baka doon na pinatay. Kung buhay siya, siguro naman magparamdam siya kahit papano.” “Hey, mister! Kilala mo ang mafia boss?” tanong ni Alejandro na bulol pa sa Tagalog. Umiling si Mang Roman. “Hindi ko nakita ang boss pero sabi ng mga kasama ko, babae raw ‘yong mafia boss na taga-Maynila.” Hindi na nakapagsalita si Aliya at napahagulhol. Humarap siya kay Alejandro at napayakap dito. “Thank you!” sabi ni Alejandro sa ginoo. Umalis na si Mang Roman. “Stop crying, Aliya. If your father was still alive, he will come home soon,” alo sa kaniya ni Alejandro. “Iyong mga mafia hindi ba sindikato sila na gumagawa ng ilegal at pumapatay?” aniya. “Yes.” Iginiya na siya nito pasakay sa motorsiklo. Mugto na ang mga mata ni Aliya pagdating ng bahay kaya pansin ng kaniyang ina. “Bakit umiyak ka, Aliya?” tanong ng nanay niya. Nagsasalansan na ito ng mga kubyertos sa lamesa. “Nakita ko po si Mang Roman. Sabi niya kinuha ng mga mafia si Tatay,” sumbong niya. “Oo, nakausap ko na si Roman at iyon din ang sabi. Kaya malabo na babalik pa ang tatay mo. Totoo nga ang balita na patay na siya,” tila sumusuko nang sabi ng ginang. “Buhay pa si Tatay, Nay! Sinungaling ang mga pulis! Wala naman silang ebidensiya, eh!” protesta niya. “Pero ilang taon na ang nakalipas, anak. Hindi ka ba napapagod kakaasa? Lalo lang tayong masasaktan. “Hindi ako mapapagod! Kahit sampung taon pa o higit ang lilipas, hihintayin ko si Tatay! Kung kayo sumuko na, ako hindi!” may hinanakit niyang wika. Tumakbo na siya papasok ng kuwarto at doon ibinuhos ang luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD