Nikita's Point of View
When Monti and I saw each other kanina, all we do is to laugh hanggang sa makarating sa ground floor. Siguro dahil sa dalawang beses na naming pagkikita ng biglain ngayong araw. No'ng una sa school tapos kanina sa elevator, kagagaling ko lang no'n sa iyak. Unexpected nga kasi. He told me na may unit siya rito and dito siya umuuwi kapag ayaw niya tumuloy sa mismong bahay niya.
We ended up in a café shop after namin kumain sa isang resto dito lang din sa first floor ng condominium namin. Kaharap ko siya at hawak-hawak niya ang tasa ng coffee na in-order niya. I just ordered a frappé because I don't feel like drinking a coffee right now kahit na favorite ko 'yon.
"So, if you wouldn't mind, can I ask why are you here? Kasama mo ba ang mga anak mo?"
Nailing ako at sumipsip sa frappe. "Ah, no. R-Rome told me na dinala niya muna kay Mommy ang mga bata."
His eyes widened a little. "Oh, you're with him?" he asked.
Hindi ako sumagot. Nag-iwas siya ng tingin pero kalaunan ay muling tumingin sa akin saka sinipat ang mukha ko. "When I saw you earlier sa elevator, I noticed that your eyes were swollen. Did... Did you cry?" he asked.
Even Monti knew my status with Rome, alam ng lahat syempre. But he's quiet siguro alam niya kung saan lulugar tungkol sa pagtatanong niya.
Sanay naman na ako, may mga naririnig ako na panget pero hindi ko na lang pinapansin. Ako lang naman kasi ang nakakaalam ng totoong nangyari. Hindi naman nila alam ang buong nangyari.
Ngumiti ako sa kanya. "Wala naman. Common na sa aming dalawa 'yong ganito."
Tumango naman siya. "But you know, if you want someone to talk to andito lang ako." Ngumiti siya at kitang kita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. "I'm not good at giving advice but I'm trying to, as long as it will be good and beneficial. I'm also willing to listen," aniya.
"Sana all, good listener. Ako raw kasi hindi." Bahagya pa akong natawa. "Minsan nagiging sarado talaga ako lalo na kapag nauunahan ko na ng thoughts ko."
He pursed his lips and gave me a nod. "Si ex-hsuband ba ang nagsabi sa 'yo?" he asked.
Napanganga ako pero tumango rin. "Siguro, Rome is right. Kaya hanggang ngayon ay hindi kami maayos kasi marami pa akong hindi alam sa kanya kasi hindi ko siya pinapakinggan."
"Would you listen to him now?"
Nagkibit-balikat ako. "May magbabago ba if I will listen to him?"
He let out a chuckle. "So, you're still wishing to be with him?"
Napasinghap naman ako. "Hoy! Siguro, oo! Ay, hindi na 'no! basta!"
Natawa naman si Monti sa sinabi ko. "Don't deny it, Amber."
Napasimangot ako sa narinig. "Hindi ko naman idi-deny." Huminga ako nang malalim. "I still love Rome. I really do, Monti. Hindi naman mawawala agad 'yon. At saka iniwanan pa ako ng tatlong replica niya kaya mukhang mahirap magmove-on."
He laughed at me kaya nabato ko siya ng tissue. Ang lakas pa ng tawa niya at napapatingin sa amin ang nasa café. "Ah yes, the triplets. They're much a like to Rome. When I saw them, I felt like Rome is in front of me. Parang sasabog ako sa talim ng tingin. Well, si Rush and Rocco lang naman. Rhysander is different."
"Ewan ko ba sa tatlong 'yon," sambit ko.
"You raised them well. Minsan nakakausap ko si Rhysander and he's so good. About Rocco and Rush, makulit lang talaga pero mabait naman. Kahit na minsan nagsusungit."
"Nako, pasensya ka na talaga kanina! Kung anu-ano lumalabas sa bibig ng mga 'yon. Nakakahiya talaga," hingi ko ng tawad.
"Nah, it's okay. Sadyang protective and possessive lang sila sa 'yo. Looks like ayaw nila na makahanap ka ng iba based on what I observed."
Natawa naman kami parehas. Kalaunan ay nailing ako. "I hope that someday they will understand why Rome and I ended up like this," mahina kong sambit.
Napatitig ako sa kamay ni Monti nang gumalaw ito, pinaikot-ikot nito sa taas ang kutsarita na hawak. "You know, you can’t really hold on to someone. ‘Cause the tighter you hold onto them, the more they want to slip away. All you can do is love them and make sure they know that you’re never gonna slip away.”
Kumunot ang noo ko at malungkot na tumingin sa mag-couple na nasa likuran niya. They were happily talking to each other. Napahawak ako sa dibdib at muling bumaling kay Monti saka umaktong nasasaktan. "Ouch, ang ganda ng message. Doon ako bagay sa the tighter you hold onto them, the more they want to slip away. Rome didn't love me enough to stay with me."
Monti arched his brows. "But you were with him fo six years, Amber."
Mapait akong natawa. "And that's quite a long time. Tumagal kasi he was scared to tell me everything. He's a coward for not trusting me to tell me, tatanggapin ko naman, eh." Napasimangot ako. "Siguro gano'n talaga, mabilis kaming nagkakilala at nagkasama, mabilis din kaming nagkahiwalay."
"Well..." he looked at me, "I hope you find yourself again, alam kong mahirap pero makakausad ka rin. Andiyan naman ang mga bata, family mo, friends mo na nagmamahal sa 'yo."
Napangiti naman ako. I raised my right hand para bigyan niya ako ng isang high five, ginawa naman niya. "Aww! Thank you so much, Monti. Matanong nga kita, bakit single ka pa rin? Marami namang babae na nagkakagusto sa iyo."
"Same as your case. What I mean is, nangyari rin sa akin ang tulad sa 'yo but we were not married," aniya at uminom sa kape niya.
Umawang ang labi ko at tiningnan siya na para bang nagtatanong kung totoo ba talaga ang sinasabi niya. Natatawang tumango siya.
"But it was a long time ago, nakamove on na," dagdag niya.
"Wow, wala akong masabi."
Natawa naman siya. "You don't have to say anything. It was all in the past, I bet she's hapoy with his man."
"Oh, pero nakikita mo pa rin siya?" tanong ko rito.
Monti gave me a nod. "Of course, kilala ko rin ang lalaki niya. Hindi ko lang sila pinapakielaman kasi tapos naman na kami."
Napanguso ako and looked at him with amusement in my eyes. "I wish I can do that," sambit ko.
He wiggled his brows. "You can, Amber. If you want to move on, do it. I know you can make it happen. After all, it will always starts with yourself," aniya.
Even if I don't want to because there's still a part of me that's hoping, I badly need to, because it's the right thing to do.
After my talk with Monti. Naisipan kong pumunta kela Mommy para matingnan ang mga bata. Maaga pa naman, I just texted Sam na hindi ako makakauwi ng bahay kaya i-lock niya ng maayos ang bahay, doon muna ako matutulog kela Mommy. Hindi ko na nagawang akyatin si Rome sa itaas, ayoko rin naman siyang tingnan. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya. Kaya hindi ko alam kung andoon pa rin ba siya o umalis na rin.
As usual, hinatid na naman ako ni Monti. Kaunti na lang talaga at kakausapin ko na 'tong boss ko na kung pwede ay siya na lang ang driver ko. Charot, napakasama ko naman! Marunong naman ako mag-drive sa totoo lang, talagang tinatamad lang ako minsan kaya commute ako lagi.
Pagdating sa tapat ng bahay ay sinalubong kami ng guards nila Mommy to checked on us. Hindi ko na naaya si Monti sa loob. Tatawagin sana ng isang guard si Mommy para ipaalam na andito but I told him not to do it. Habang naglalakad sa malaking runway ng bahay namin ay napansin ko sa kanang parte ang kotse ni Rome. May nakasalubong akong isang maid at nagtanong.
"Andito si Rome?" I asked her.
Tumango ito. "Yes po, ma'am. Umalis po siya kanina tapos bumalik din. Nasa loob pa rin po siya kausap si Madam."
"Ah, okay. Thank you," sambit ko rito.
Napatingin ako sa bahay at kanina pa napansin sa labas na bukas pa ang ilaw sa sala. Sabagay maaga pa naman din. Sana tulog na ang triplets kasi mukhang magtatalo na naman kami. O 'di kaya, sana nakausap na ni Rome o kaya ni Mommy.
Pagkapasok sa loob ay wala akong nadatnan na Mommy at Rome, tahimik rin ang sala namin. Kaya naisipan ko na libutin ang buong first floor. Dinala ako ng mga paa ko sa gazebo namin sa likod ng bahay. May malaking glass door na nakabukas at bungad agad ang gazebo, doon ko nakita ang bulto ng tatlong tao na nakaupo sa tabi-tabing upuan na andoon. Nakatalikod sila sa pwesto ko kaya hindi nila ako makikita.
Si Mommy, Rome at Daddy? Si Daddy! What is happening? Kanina pa ba sila rito? Napansin ko pang mag wine sa mesa na nasa harapan nila. Halatang kanina pa sila umiinom. But how? Alam kong may tampo si Daddy kay Rome? Nag-away na naman ba sila?!
Hahakbang na sana ako but I heard my Mommy talk. Gumilid ako sa may halaman malapit sa glass door. Mukhang kanina pa nga sila nag-uusap.
"Sarado ang tainga at isipan ni Nikita pagdating sa 'yo," Mommy said.
Yeah, she's damn right.
"That's the consequences of what you did, Donovan."
Nagulat ako nang sabihin 'yon ni Daddy. Kapag nagpupunta ako rito ay never namin napag-usapan si Rome dahil sa mga nangyari. Si Mommy at Ate lang ang nakakausap ko at napaglalabasan ng hinanaing.
"I know, sir." Mahina at bakas ang lungkot sa boses ni Rome nang sabihin niya iyon. "It's all my fault. This is my decision and I should face it. I was just saddened by the truth that she never listens to me everytime I will explain."
Mula sa pwesto ko ay nakita ko kung paano gumalaw ang kamay niya habang hawak ang isang wine glass.
"I love her so much that it hurts."
Parang may sinabi siya pero hindi ko narinig dahil sobrang hindi at pumiyok siya. I saw how my Mommy touched the back of Rome na parang inaalos ito. What was that?
"And I'm hoping na kapag dumating na po ang araw na malalaman niya lahat, she will forgive me. I'll do everything para bumawi."
Nataranta ako sa pagtayo ni Daddy kaya gumalaw ako nang tahimik sa kinatatayuan para makaalis na. Sa pag-alis ko sa pwesto ay may narinig pa akong sinabi niya pero hindi ko na mas pinansin pa. Mabilis akong lumapit sa may hagdan para makaakyat sa taas.
"I will wait and pray for that time to come, Donovan. Mahihirapan ka lang dahil alam kong kapag nangyari yo'n... nakalimutan ka na ng anak ko."