Nikita's Point of View
I don't want to claim myself as a perfect one because the truth is not. Sakit ako sa ulo no'ng maliit ako, ako ang naiiba sa aming magkakapatid. I have insecurities and flaws, but I'm trying to be whole and be a better version of myself. Kahit ano pa lang bait mo at kung gaano man kahaba ang pasensya mo, darating talaga sa punto na sasabog ka. Nakakapagod, hindi man physically pero emotionally. And because I've been too strong enough for a long time.
Nanginginig ako kanina habang papalayo sa kotse ni Rome. Buti na lang at hindi na-trigger ang seizures ko. Isinigaw niya pa ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa condo na ibinigay niya sa akin dati. Hindi ko alam pero dito ako inihatid ng mga paa ko. He gave this to me no'ng fourth year namin. Hindi naman masyado nagagamit dahil may bahay naman ako— kami noon.
Nagpupunta lang ako rito kapag kailangan namin ng tutuluyan kapag may mga importanteng gagawin at 'di na muna kailangan umuwi sa bahay. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dumiretso ako sa refrigerator na andoon at kumuha ng tubig.
Hindi ako galit sa mga bata. Nagagalit lang ako sa sitwasyon namin. Naiinis ako kasi ramdam kong nasasaktan ang mga bata sa ganitong set up namin ni Rome. Eh, anong magagawa ko? Ganito kinahinatnan namin, eh. Hindi naman pwede na magsinungaling kami kasi hindi ko kaya, hindi na ni Rome kayang itago pa, kaya nga nalaman ko dati kasi pinaalam na niya. Hindi ko naman kasalanan 'di ba? Hindi naman ako ang may kagagawan kung bakit ganito, eh. Hindi naman ako.
Broken family is what I scared for life. God, I don't want that. I grew up having a loving family kahit na medyo nagtampuhan kami nila Kuya ngayon because of what happened to Rome and I. I saw how my father's really devoted to my Mommy, I witness his love and struggles for her. I also want that. At kahit ang salitang fairytale and happy ending ah inisuksok ko na sa utak ko no'ng bata ako. Itinatak ko sa utak ko na someday, magkakaroon din ako ng gano'n. Mararanasan ko rin ang buhay namin kasama 'yong taong makakasama ko. Iyong taong magmamahal sa akin kahit ganito ako, immature minsan at brat.
Pero ganito siguro talaga, hindi natin makukuha at mararanasan lahat. Rome is the person who made me feel love but he's also the one who made me understand and feel what pain and misery is.
Kinuha ko ang phone ko at nakitang sunod-sunod ang missed calls and text messages from the unknown number, at lam kong sa kanya iyon. In-ignora ko 'yon at si Monti na lang ang sinend-an ng text message para sabihin na hindi ako makapapasok. Sinabi ko na lang na sumasama ang pakiramdam ko at babawi na lang ako kapag papasok.
Monti:
Are you okay? Parang kanina ayos ka pa. Is there something happen, Amber?
Me:
Wala naman, Monti. Bigla lang talaga sumama 'yong pakiramdam ko. Pasensya ka na, babawi talaga ako sa trabaho bukas.
Napaupo sa sofa na andoon. Sunod-sunod pa rin ang missed calls at pagpasok ng text messages pero hindi ko pinapansin.
Monti:
Okay, eat and drink meds. Kung hindi ka pa rin okay until tomorrow. Leave it to me, ako na bahala. Rest well, Amber.
Hindi ko na siya ni-reply-han at isinuksok na lang sa bag ko ang phone. Pakiramdam ko tuloy ay biglang pinukpok ang ulo ko sa nangyari. Sumakit tuloy bigla. Mariin kong ipinikit ang mata saka huminga nang malalim, at sa pagmulat ng mata ay tumama ang mata ko sa shelf na andoon. May mga nakapatong na picture frames doon at kami ang laman no'n. May pictures ng triplets no'ng baby pa sila, may kasama si Rome at buhat-buhat niya ang dalawa. May nakadapa sa kanyang dibdib, si Rhysander, habang katabi ang dalawa pa. Meronng pictures namin no'ng binyag at birthdays no'ng triplets.
We were look like a happy family, akala mo totoo talagang committed at in love siya sa akin pero hindi naman. Inisang bagsakan niya lahat, 'yon ang mas masakit. Hindi man lang ba niya naisip na may tatlong bata? He broke me in just a snap.
Tuluyang tumulo ang luha ko nang makita ang isang picture frame ro'n, iyon ang mas malaki ang size. Wedding picture of Rome and I, eight years ago. Mas humagulgol ako at mas nanikip ang dibdib ko sa nakita.
May nagtulak sa akin na tumayo at kunin ang picture frame. May luha sa mata na tumitig ako roon at hinaplos iyon. Siguro, minahal naman niya ako kahit papaano but not as much as I loved him. Why am I convincing myself anyway? Wala naman mangyayari kung iisipin ko 'yon. Hindi naman magbabago 'yong pagtingin niya.
Rome was holding my waist while smiling at the camera. Nakahilig pa ng kaunti ang ulo niya sa akin dahil sa tangkad niya. His free hand was holding my right hand. Mas humagulgol ako because pain is consuming me, again. Humigpit ang hawak ko sa frame at hindi ako nakatiis ay inihagis ko 'yon. Tumama iyon sa isang pader, nalaglag sa sahig at nabasag. Tuluyan akong napaupo sa sahig at isinigaw ang hinanakit.
This is the ugly side of love, the downside of falling. There's always a thick line between love and hate, loving and not loving someone. I've been experienced some things and consider it heartbreak— but trust me, this one is the worse.
When he told me that he didn't love me, I just had a hard time accepting that he doesn’t have feelings for me and that this will probably never change. I know very well where to stand and need to force myself to face it. And when Rome told me that he doesn't love me, things between us just get more complicated.
Ayoko po ng ganito, this is not what I prayed for.
Hindi ko namalayan ay nakatulog na akong umiiyak sa carpet at sa paggising ko ay nasa kama na ako. Agad akong napabangon sa pagtataka. Paano ako napunta rito? Napansin ko na wala na rin akong suot sa sandals. Alas-sais na ng gabi, sobrang haba pala ng naitulog ko. Agad akong umalis sa kama at nagmasid sa kwarto.Mabilis akong lumabas sa kwarto at nagpunta sa sala. Nabato at nabasag ko kanina ang picture frame naming dalawa, dapat andoon iyon, pero wala na. But the picture itself still here, nakalapag sa shelf. May naglinis?
Bigla na naman ang pagkabog ng dibdib ko sa naisip na baka hinanap at pinuntahan ako ni Rome rito. Malamang dahil alam niya ito at siya ang mag bigay, pero bakit? Nanubig na naman ang mata ko sa mga naiisip. Nakakainis!
Maglalakad na sana ako papunta sa kusina nang pumasok si Rome sa silid, galing siya sa may balcony at naamoy ko na gumamit siya ng sigarilyo. Amoy sigarilyo siya!
"You're awake," he told me.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa kusina. Nagugutom ako at gusto ko na kumain. May mga naitago naman kasing stocks dito. Agad akong nakalikot ng ref at nakakita ng beef tapa. Kumuha rin ako ng egg. Magsasaing na rin pala ako.
"T-They were crying when you left. I had a talk with them and explained everything. Rush and Rocco cried because they can't understand. Inuwi ko muna sila sa Mommy mo, she got mad at me actually. And she told me to find and look for you."
I gritted my teeth. "Umuwi ka na, Rome. I don't need you here, please lang. Tatawagan ko na lang si Mommy mamaya."
"Ayoko."
Mariin akong napapikit sa sinabi niya. See? Sa salitang ayoko niya may pinagmanahan ang triplets. Manang mana sa lalaking 'to. Ang tigas din ng ulo, eh.
"I don't want to see you kaya ako umalis kanina. Sana nakuha mo 'yon. Hindi 'yong nakinig ka pa sa Mommy ko at sinunod mo pa ang sinabi niya. Is wanting some time alone with myself is hard to understand, Rome? Hindi naman siguro 'di ba?"
Hindi ko namalayan na nakaharap na pala ako kay Rome at kita ko ang pag-uwang ng labi niya. Hindi na niya suot ang jacket suit niya pero iba na ang kulay ng shirt niya, halatang nagpalit na siya kanina bago ako hanapin.
"Please, Nikita."
"What?!"
""Listen to me—”
“For what, huh? Para ipamukha sa akin na may mali na naman ako, na hindi na naman maayos pag-aalaga ko sa mga bata kaya sila nagkakaganyan.”
Nailing siya. “Alam mo bakit hanggang ngayon ganito pa rin tayo, Nikita Amber?”
Natahimik ako at kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Alam mo ba kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo maayos kahit wala ng bisa ang kasal natin at hiwalay na tayo?” He sighed and looked at me. “Because you’re so selfish, hindi ka nakikinig sa akin, hindi mo ako pinapakinggan sa mga sasabihin ko. Ang inaalala mo lang ay ang mga naiisip at hinanakit mo. How about mine and the triplets?”
"Alam kong kasalanan ko kung bakit tayo nagkaganito—"
"Because you fooled me, because you lied to me!" I cut him off. "Kaya ako ganito kasi nasaktan ako, Rome! Akala mo ba madali lang sa akin 'to? Hindi! Hindi madali kasi sobra kitang minahal! At hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin! Ilang taon na pero kapag mo si Irish, masakit pa rin. Hindi ko lang pinapakita kasi nirerespeto ko 'yong desisyon natin, siya at pilit kong itinatatak sa utak ko na wala na tayo."
I saw how his chest heaved up because of hard breathing. Magkalayo pa rin ang agwat naming dalawa. Ayoko rin namang malapit sa kanya kasi parang gusto ko siyang yakapin sa sobrang pagmamahal na nararamdaman ko. Kahit na galit ako ay mas sobra pa rin 'yong pagmamahal ko sa kanya. Na kung saan siya masaya, hinayaan ko na, gano'n naman kasi 'di ba.
"Kung puro mali at bad side ko lang ang nakikita niyo, ibahin niyo naman. Kahit na sinaktan mo ako o wala na tayo, pilit kong pinapaganda imahe mo sa mga anak natin. Lagi kong sinasabi na tanggapin at respetuhin si Irish kasi siya 'yong pinili mo, hindi ako. Kahit na gustong gusto nila na bumalik ka sa amin, pilit kong pinapaliwanag sa magandang paraan kung bakit hindi na pwede. Na kahit anong mangyari, mahal ko sila, anak mo sila, tatay ka nila. Hindi magbabago 'yon."
Gano'n kita kamahal... Nanginig ang labi't mata ko tanda na umiiyak na naman ako.
"Ang hirap umusad at kalimutan lahat, Rome." Napahikbi ako at mas naiyak na makitang hindi siya nakatingin sa akin pero may luhang tumakas sa mata niya.
"Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Ginawa ko naman lahat 'di ba? Bakit umabot pa sa ganito... ayoko nito, eh, alam mo 'yon. Alam mo lahat ng ayaw at gusto ko, pero pinagpatuloy mo pa rin. Siguro nasobrahan lang talaga ako sa pagiging ilusyunada. Alam mo na, ang dami kong gusto na magaganda at hiniling lahat na baka sakaling mangyari 'yon." Bahagya pa akong natawa no'ng sabihin 'yon.
"Siguro... siguro matatahimik lang ako kapag nakita na kitang kinasal."
Sa sinabi kong 'yon ay napatingin siya sa akin. I smiled at him. "Tanga ko 'di ba? Hinihiling ko na sana makita na kitang ikasal kay Irish kasi 'yon na siguro 'yong sign para masabi kong wala na talaga."
Kasi umaasa pa rin ako.
"Kapag nangyari 'yon. Imbitahan mo pa rin ako ha? Huwag kang mag-alala, hindi naman ako manggugulo. I—I want to see you happy, that's why."
Mahina siyang nagmura at nagpunas ng luha.
Para na akong baliw kasi umiiyak ako saka natatawa. "You will invite me, right?" mahina kng sambit. "If you'll not marry her or invite me man lang, it means you have a deep feelings for me at mas aasa ako."
"Nikita—"
"Wala ba talaga, Rome? Kahit katiting man lang?" tanong ko na nagpagulat sa kanya.
He looked at me with sadness in his eyes at hindi ko alam kung para saan 'yon. "Nikita Amber, napag-usapan na natin 'to."
I gave him a nod. "A-Alam ko, natatandaan ko 'yong sagot. I just want to hear it again para mas matauhan ako."
Shit ka, Nikita Amber. Anong ginagawa mo sa sarili mo? Gustong gusto mo talagang sinasaktan sarili mo.
Napatitig si Rome sa akin at unti-unting nailing. Ramdam kong marami siyang gusto sabihin pero pinipigilan niya ang sarili. Ganyan siya, eh. Magaling magtago. Ngayon lang din kami nakapag-usap ng ganito. Dati kasi, wala. Puro nauuwi sa sagutan at walk out.
Sinabayan ko ng pagtango ang pag-iling niya. Pinapahiwatig na nakuha ko, naiintindihan ko. Pinunasan ko ang luha ko at tumitig sa kanya.
"Thank you," I whispered.
"For everything," I added.
Hindi ko na siya nagawang tingnan at hindi ko na natuloy ang planong pagluluto. Hinagilap ko ang bag ko at sandals.
"Nikita, please. Come back here. Let's go home," he said in a pleading tone while I'm heading to the door.
I ignore him. Ang gulo mo, Rome. You don't love me but you're acting the opposite. Hindi na kita maintindihan. Ang hirap mong intindihin.
Hinabol niya ako hanggang sa malakas pero hindi ko siya hinayaan na masundan ako sa loob ng elevator. Napatingin ako sa reflection ko sa glass door ng elevator. Ang panget ko na tuloy dahil sa pag-iyak. Kumuha ako ng tissue sa bag at pinu asan ang sarili. Sinuklay ko rin ang buhok. Buti na lang ako lang ang mag-isa.
Regardless of how much I f*****g hate it. I know that I'm going to have to get through it. No matter how much gut-wrenching pain I'm feeling right now, it's going to go and fade away.
Because in every heartbreak and goodbye, there's always be a new sunshine and a new hello.
Napatingin ako sa harap nang biglang huminto ang elevator sa 20th floor. Isang bulto ng tao ang nadatnan ko. My heart thump when I figure out that I knew that man.
Nakita ko kung paano siya napaatras, nagulat pagkakita sa akin. Naihawak niya ang isang kamay sa pinto at pumasok. He flashed a sweet smile kaya napangiti na rin ako. Parang biglang napawi 'yong nararamdaman ko pagkakita sa kanya o baka nahiya lang ako na makita niya akong malungkot.
"Hi, Amber?" Nag-aalangan niyang sambit, napakamot pa siya sa ulo niya.
Hindi ko alam pero natawa ako sa reaksyon niya. Itinaas ko ang isang kamay at bahagyang kinawayan siya.
"Hello, Monti."