Nikita's Point of View
The meeting went well. Si Rome lang naman kasi ang pumasok sa loob dahil naalibadbaran ako sa mga tsimosa sa loob. Dahil naging matunog ang lovelife namin ni Rome noon hanggang ngayon ay kilala na kami. At sadyang marami lang makukulit ng bibig sa tabi-tabi. Ang mga bata ay andoon sa labas ng room nila at nakikipaglaro sa mga kaklase nila.
Pinasilip ko pa si Rome kay Rhys kanina at sinabi niyang tutok na tutok ang Daddy niya, may hawak pa nga raw na maliit na notebook at may sinusulat. Well, gawain na ni Rome 'yon. Tulad nga ng sabi ko, grabe siya mag-alaga sa mga bata. Pero ako hindi man lang niya inalagaan at minahal!
Nakaupo kami ni Rhys ngayon sa isang bench sa labas ng building nila pero tanaw ang classroom nila pati ang mga kapatid niya na busy makipag-usap. Inabutan ko si Rhys ng bottled water dahil kumakain siya ng empanada na binili namin. Iyong dalawa ayaw pa kumain ng snack kasi busy, ayaw paabala.
Maya-maya ay nakita ko ang paglapit ni Rush at may kasamang babae! Napangiti naman ako nang makita kung gaano kaganda 'yong baby girl na kasama niya. Nakasuot ito ng pink longsleeves dress at sandal din na pink. Naningkit naman ang mata ko nang makita kung gaano kahigpit ang hawak ni Rush sa kamay ni baby girl! Mas napatitig ako sa batang babae na mapansin na parang may kahawig ito ng bigla 'tong ngumiti pero hindi ko naman maalala kung sino.
"Mama!" he exclaimed.
Ngumiti naman ako. "Oh, iniwanan mo na 'yong kapatid mo roon."
Lumawak ang ngiti ni Rush at mas inilapit sa akin ang batang babae. "Mama, this is Addie!"
Kumaway naman ako sa batang babae at kinurot siya sa pisngi. "Hi, Addie! Ang ganda-ganda mo naman," papuri ko sa kanya.
Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Hindi ko alam pero parang natural na 'yon sa balat niya. "Hello po," bati nito.
"Mama! Siya 'yong sinasabi ko sa 'yong crush ni Rocco! Tapos crush ko na rin siya ngayon kasi ang beautiful niya, para siyang girlfriend ni Daddy!"
Aba! Hindi ako nakapagpigil at kinurot ko sa tagiliran si Rush na ikinangiwi niya. Inulit ko pa 'yon hanggang sa mapabitaw siya kay Addie.
"Anong crush crush ang sinasabi mo ha? Hindi ka pa nga tuli at marunong maghugas ng pwet mo crush na agad! Hala, sige! Huwag ka na umuwi mamaya sa bahay at sumama ka na sa Daddy mo!" Pinalo ko pa ito ng marahan sa pwet niya. Natawa naman si Addie at napatakip pa sa bibig niya. Si Rhys din ay natawa na rin.
Mas sumimangot si Rush at napalayo na sa akin. "Edi papasama ako kay Daddy magpatuli! Papaturo rin ako mag-wash ng bumbum ko!" anito at pinagkrus ang mga kamay na ikinataas ng kilay ko.
"Rush, sa Daddy mo ikaw magpapaturo pero sa akin ayaw mo? Kaunti na lang talaga at ako na ang mag-iimpake ng gamit mo at maghahatid sa 'yo sa tatay mo! Ako ang mommy niyo, ako ang laging kasama tapos puro ka Daddy?" pagdadrama ko.
"Parehas kasi kami nila Daddy na boy, mama!"
"Ano naman? Wala akong pake! Kaya ko rin ginagawa ng Daddy niyo!"
"Police po ang Daddy ni Rush 'di ba po?" biglang untag ni Addie.
I saw Rhysander nod his head while chewing. "Yes, Addie. He can also guard your Daddy who's a Mayor but Daddy is not available right now!"
Kumunot ang noo ko. "Your Daddy is a mayor?" I asked the little girl.
Tumango ito at ngumiti. May itinuro siya sa may isang bench sa gilid namin at nakita na may dalawang lalaking naka-uniform. Mukhang ito ang mga bantay niya o 'di kaya ng Daddy niya.
"Yes po! My Daddy Noah is a Mayor sa kabilang city!"
Noah? Okay, parang pamilyar 'yong name na 'yon. Hindi ko na nagawang itanong ang surname ng father ni Addie dahil bigla siyang tinawag ng guards niya at may pinakiusap sa phone.
Lumapit muna sa tabi ko si Rush at kumain na rin. Tinawag ko rin si Rocco para kumain tulad ng kapatid niya. Ilang minuto pa kaming naghintay doon at naglabasan na ang mga parents. Agad na sinalubong no'ng dalawa si Rome at umakap sa bewang nito. Si Rhys kasi hindi naman clongy tulad no'ng dalawa kaya bihira dumikit-dikit kay Rome.
Napatingin ako kay Rome at nakitang nakangiti ito. Napansin ko pang may napapatingin sa kanya at bakas ang pagkamangha sa itsura. Jusko! Gwapo lang 'yan pero sinungaling 'yan! Umikot ang mata ko at biglang nanlaki ang mata ko nang makita ko si Monti at buhat-buhat si Addie! Napatingin ito sa akin at halatang nagulat din!
"Monti!" I exclaimed and stood up. Nakita kong ngumiti ito at naglakad papunta sa direksyon namin.
"Addie! Kuya Rocco oh!" Rush said.
Nang makalapit silang dalawa sa amin ay hindi na nagpababa sa kanya si Addie. "Hi, Amber. It's nice to see you here," aniya.
Napatingin ako kay Addie at sa kanya. Bahagya siyang natawa dahil mukhang nakuha niya agad ang naiisip ko. "This is Addie, pamangkin ko. Anak 'to ni Kuya Noah. I didn't expect to see you here. Actually, biglaan lang din ang pagpunta ko, last minute na nga ako sinabihan," he explained.
Napatango naman ako. "Nakausap ko na rin siya kanina. Kaya pala may kamukha siya when I saw her! Pamangkin mo pala!"
"Yes, pamangkin ko." Napatingin siya sa mga bata ko kaya ngumiti ako. "Hi kiddos," bati niya.
Napatingin ako sa tatlo. Si Rhysander lang ang bumati at ang dalawa ay nakabusangot na habang nakakapit sa Tatay nila kaya kumunot ang noo ko.
"Hey! Batiin niyo naman ang boss ni Mama!"
"Ayaw po!" sambit ni Rush kaya nanlaki ang mata ko.
Hinapit ito ni Rome at napatingin kay Monti. "I'm sorry about that, mainit lang talaga lagi ang mga ulo nito."
Monti laughed. "I know, the very first time they saw me ganyan na silang dalawa. I understand," anito.
Para naman akong nahiya at sinamaan ng tingin ang dalawa. Kahit kailan talaga! Mamaya sa akin ang mga 'to pag-uwi.
"You like my Mama," Rush said.
"Rush!" sita ko rito. Tinakpan ko pa ang bibig nito. "Issue kang bata ka! Saan mo naman pinagkukuha 'yan?" bulong ko pa.
Inalis nito ang kamay ko sa bibig niya. "Si Daddy po!"
Mas nanlaki ang mata ko at napatingin kay Rome na nakakunot na ang noo. Magsasalita pa sana ako nang buhatin ni Rome si Rush. "Pagpasensyahan niyo na ito, hindi pa 'to nakakainom ng vitamins kaya kung ano-ano na ang sinasabi."
"Daddy! I'm not a—" bawi ni Rush pero tinakpan din ni Rome ang bibig nito.
"Mauuna na kami sa kotse," sambit ni Rome at tinalikuran na kami. Sumunod sa kanya si Rhys at Rocco kaya napakamot ako sa batok.
Bumaba si Addie mula sa pagkakabuhat kay Monti at tumakbo sa ibang classmate na sinundan naman ng guards nito.
Napangiwi ako nang maalala ang nangyari kanina. "Nako, Monti. Sorry kanina, matalas lang talaga ang tabas ng dila ng mga 'yon. Mana sa Daddy!"
Ngumiti si Monti at tumango. "It's okay, napansin ko naman na mababait sila. At saka bata pa naman kaya given na 'yan."
Sobrang nahiya talaga ako kay Monti kaya nakasimangot ako hanggang sa matapos ang kaunting pag-uusap namin. Ihahatid muna ni Monti si Addie saka didiretso sa warehouse. Magkikita rin pala kami. Nagpaalam na siya sa akin at pagkatapos ay dumiretso na ako sa may kotse ni Rome na nakapark. Nakisakay na ako sa kanya, ihahatid daw nila ako sa workplace ko. Hindi naman na ako tumanggi.
Pagkapasok sa passenger seat ay napansin kong tahimik sila— ang mga bata pala. Rome asked me if I want to eat pero tinanggihan ko. Napapatingin ako sa rear mirror para tingnan ang mga nakabusangot na mukha no'ng tatlo. Ilang minuto pa ang nagtagal at hindi na ako nakatiis at nilingon sila.
"Mga mister, anong problema niyo ha? Bakit kayo mga nakabusangot diyan. Gusto niyong pumanget katulad ng Daddy niyo?"
"Hindi panget si Daddy, Mama!" masungit na sagot ni Rush. Sa kanilang tatlo, ito talaga ang matalas ang bibig. Ang sarap busalan minsan.
"Ako na naman ang nakita," Rome whispered while looking at the road.
"Totoo naman na panget ka, huwag mo na itanggi."
"Mas panget po si Tito ni Addie!"
"What the hell, Rush!" muli kong sigaw. Masama ko siyang tiningnan. Napanguso naman siya. "Iyang bibig mo ha, naiinis na talaga ako. Pabababain na kita, sumusobra ka na. Hindi kita tinuruan na gumanyan sa harap ng tao," pagalit kong sambit.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Rome kaya napatingin ako sa kanya. Sa kanya ko na lang ibubuntong tutal mukhang kinausap niya ang mga bata tungkol kay Monti. Pilit niya pang pinapatigil kanina si Rush kaya may ideya na ako.
"Suwayin mo nga 'yang mga anak mo, habang tumatagal tinutubuan ng sungay. Hindi ko naman tinuturuan ng ganyan 'yan. Kahit pagdating kay Irish sinasabihan ko sila na rumespeto." Tumingin ako sa mga bata. "Kaya sana kahit si Monti respetuhin niyo, boss ko 'yon mga anak."
Napatingin ako kay Rome. "Monti likes me? Saan mo naman nakuha 'yan? Mabait lang sa akin may gusto na? Halata naman kasi na sinabi mo 'yon sa mga bata. Dahil ba sa nangyari kagabi? Sino ka naman para pakielaman ako. Wala na naman akong sinasabi sa iyo kapag patungkol kay Irish—"
"Stop it, Nikita. Andiyan ang mga bata," aniya sa malamig na tono.
Tumingin ako sa likod. "Kayo ha, bawas-bawasan niyo 'yang talas ng dila niyo. Hindi ko na nagugustuhan."
Lagi ko naman silang sinusuway tapos ganyan pa sila. Nakakahiya. Ano na lang sasabihin ng mga tao na makakarinig? Hindi ko sila tinuturuan at pinapalaki ng maayos? Aaminin ko minsan immature ako pero pagdating sa mga anak ko, maayos ako. May pagkamatalim din ang dila ko pero nilalagay ko naman sa lugar.
"I said stop it, Nikita! Para lang sa isang lalaki sumasama na bigla loob mo! Pwede mo naman pagsabihan mamaya ang mga 'yan."
Napasinghap naman ako sa narinig. "What?" Napahawak ako sa dibdib ko at hindi makapaniwala. "Ako pa ang mali? Anong para sa isang lalaki? Hindi naman ako hayok sa lalaki, Rome. Sinusuway ko lang naman sila kasi mali 'yong inakto nila sa harap ni Monti!"
"Wala naman akong sinabi na hayok ka—"
"Eh, parang pinaparating mo kasi sa akin na para lang sa isang lalaki kaya ganito ako umakto sa mga anak ko. Hindi 'to tungkol kay Monti lang, tungkol 'to sa sitwasyon at sa ugali niyang mga 'yan! Hindi kasi ikaw ang laging kasama kaya mo 'yan nasasabi, kung alam mo lang ang mga ugali niyan baka matulad ka rin sa akin!" Naramdaman ko na ang pag-iinit ng mata ko sa mga lumabas sa bibig ko.
"Iyon nga! Just set aside it for now, mamaya na lang 'yan pag-usapan! Kalmahan mo muna."
"Bakit hindi pa ngayon—"
"Mama! Lagi mo na lang inaaway si Daddy!"
Bumagsak ang balikat ko sa narinig mula kay Rush. Halos mahigit ko ang hininga, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagbigat ng dibdib. Did my son just shouted at me?
"You were always yelling at him! Minsan sinasabihan mo pa ng bad words. He's our Daddy but you're treating him like an enemy! If merong bad dito, ikaw 'yon! Ikaw!"
Nanginig ang mata ko at naramdaman ang pagtulo ng luha ko. Napatingin ako kay Rome at napansin na nakatabi na ang kotse sa isang parking. Siguro ay huminto siya at hindi ko iyon napansin.
"What," mapait akong natawa. Kinalabit ko si Rome at itinuro si Rush. "Did you hear that? Narinig mo sinabi ng anak mo? Ako raw ang masama rito, Rome Donovan. Wow, just wow. Ako ang ina, ginagawa ko lahat-lahat kahit na ganito tayo... tapos para sa kanila ako pa rin ang lumalabas na masama? s**t lang..." Pabulong kong sambit sa kanya.
Napatingin si Rome sa akin at biglang nag-iwas ng tingin. Narinig ko na ang paghikbi ni Rush. Si Rhys naman ay nakatingin sa labas ng binta at si Rocco ay nakasubsob sa unan. Mas lumakas ang hikbi ko dahil sa narinig mula sa kanila.
I swear, I'm doing my best. I'm not a perfect woman, a perfect wife and a mother pero ginagawa ko naman eh. Hindi nila alam kasi hindi nila naiintindihan. Wala silang alam kaya ang dali-dali lang na sabihin 'yon. They never see my pain kasi wala sila sa sitwasyon ko.
Napapunas ako ng luha saka huminga ng malalim. Inutusan ko si Rome na buksan ang pintuan dahil naka-lock.
"Nikita Amber..."
Malamig akong tumingin sa kanya. Hindi ko sinulyapan ang mga bata dahil nasasaktan ako.
"Iuwi mo na sila, Rome. Kung pwede, ikaw muna ang magbantay hanggang bukas. Kausapin mo na rin please lang. Ipaliwanag mo hanggang sa maintindihan nila kung bakit ganito ako sa 'yo," sambit ko saka dali-dali na lumabas ng kotse niya at iniwanan sila.