Nikita's Point of View
"Kailan ka uuwi?"
Napahilot ako sa sentido nang marinig ang tanong ni Mommy. Napatingin sa akin si pero saglit lang 'yon at muling itinuon ang pansin sa pagmamaneho.
"Hinahanap ka na ng mga bata, Nikita Amber," dagdag pa nito.
I sighed. "In two days, Mama," maikli kong sagot.
Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga ni Mommy sa kabilang linya. "May problema ka ba, Nikita Amber? Okay ka pa naman no'ng isang araw ha? Tapos kinabukasan bigla ka na lang naging ganito."
Mariin akong napapikit. "Ano bang sinasabi mo, Mommy? Busy lang talaga kami ni Monti ngayon. At saka hindi ka pa ba sanay? Ilang beses ko na rin namang iniiwan sa 'yo ang triplets kapag may seminars kami ni Monti sa ibang lugar, eh."
"I know, I know! But why do I feel like you were hiding something from us?" anito.
"Wala, Mommy. Hindi ko magagawang magsinungaling sa inyo. Kilala niyo ako, baka nga kayo pa ang gumawa sa akin no'n," matigas kong sambit.
Natahimik ang kabilang linya. Mas hinilot ko ang sentido nang sumakit 'yon. Akmang magsasalita na si Mommy nang magpaalam ako at hindi ko na siya hinayaang magsalita. I know that it's rude, but I'm sorry. Wala lang talaga ako sa mood. Binitawan ko ang phone at nilagay sa may kandungan ko.
Naalala ko na naman ang pinagmulan ng init ng ulo ko. "Roman is Roman, flirty, and please not my daughter. He's already yours, right? Always remember that."
Iyang mga narinig ko kay Mommy no'ng isang araw ay hindi na maalis sa isip ko. Paulit-ulit na nga. Hanggang sa paghinalaan ko na kasi parang may mali talaga. Ikinuwento ko 'yon kay Monti at nakaramdam din siya ng kakaiba.
"Andoon na raw siya sa restaurant," he told me.
I nodded. "Thank you," I whispered.
Pinaiwan ko kasi muna kela Mommy ang triplets. Biglaan din kasi kaya medyo kinukulit ako ni Mommy kung nasaan ako. Nakausap ko naman na ang mga bata kanina, hindi naman sila galit. May gusto lang sila ipabili. Sinabihan din ako ng tatlo na si Rome ang kasama nila sa araw na wala ako sa tabi nila.
May seminar naman talaga kaming pinuntahan dito sa Pampanga but he told me na nay kakilala siyang private investigator kung may balak akong ungkatin ang katauhan ni Rome. I was so shocked when Monti told me that. Hindi ko ini-expect na magsu-suggest siya ng ganyan.
Sa dalawang taon na hiwalay kami ni Rome, never kong naisip na gawin 'yon kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko pa talaga siya kilala. Hindi ko pinagdudahan ang katauhan niya kahit hindi siya masyadong nagkukwento sa akin. Wala naman kasing kaso sa akin 'yon as long as ginagawa niya ang responsibilidad niya sa amin.
And I've never imagined myself doing this just to satisfy my curiosity about my ex-husband's life. Siguro iisipin ng iba na desperada at ang tanga kasi bakit ngayon ko lang gagawin. Masisisi niyo ba ako? Hindi ko naman kasi naisip 'to dati dahil talagang nagtiwala ako sa kanya.
Ginawa ko ang suggestion ni Monti. I talked to his friend and told that man Rome's identity na alam ko. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko dahil may sasabihin daw siya sa akin. It's been one day pa lang naman no'ng makausap ko 'yong private investigator na 'yon. He told me na makikipagkita siya agad sa amin once na may makuha siya.
"Kinakabahan ako, Monti."
Napatingin sa akin si Monti. "I don't know what to say, Amber."
Napanguso ako. "Ikaw talaga ang pasimuno nito!" bulalas ko at hinampas ko pa siya.
Natawa naman siya. "Kumagat ka naman but you know na okay na rin para alam mo na agad kung meron man talagang tinatago keysa kimkimin mo nang matagal 'di ba?"
Mapait akong ngumiti sa kanya. "Hindi ko alam pero kumikirot na naman dibdib ko. Paano pala kung meron talaga? Baka iyong sama ng loob ko sa kanya ay umabot na hanggang ukay."
"If the feeling of hate is heavy, let it go. You really need to. Hindi kasi 'yan maganda. Learn to move forward by accepting the fate, Amber."
"Accepting his lies," I said bitterly.
Hindi na nagsalita si Monti at tahimik naming tinahak ang daan papunta sa restaurant. Hanngang sa makababa kami ng kotse ay tahimik ako. Kinakabahan ako at natatakot sa mga maririnig. Paano kung may mas titindi pa pala sa kasinungalingan niya na no'ng una? Paano kung...
"s**t, parang gusto ayoko na pumasok sa loob." Napatigil pa ako sa paglalakad pagkatapos ko sabihin 'yon.
Napatigil din si Monti at hinarap ako na nakakunot ang noo. "Andito na tayo, Amber. Ngayon ka pa ba aatras? Baka malay mo maganda naman ang maging pag-uusap niyo ni Sardez," aniya.
Ipinagkuskos ko ang dalawang palad at tumingin sa entrance ng restaurant. "But why do I feel like that it's the other way around, Monti. Masama na talaga kutob ko, eh." Halos maiyak na ako no'ng sabihin 'yon.
"You need to face it," sambit nito at walang sabi na hinablot ang isa kong kamay at hinatak na.
Halos maiyak ako habang papasok kami sa loob. Umakyat kami sa second floor at dumiretso kami sa isang table kung saan nakaupo si Sardez. He greeted us nang makita niya kami. Nanginginig ang kamay kong tinanggap ang kamay niya. Napansin naman niya na kinakabahan ako.
"Relax," bulong nito.
"Kanina pa siya ganyan," sabi ni Monti. Katabi kong umupo si Monti, inabutan ako nito ng tubig at pinainom.
Tipid akong nginitian ni Sardez at may inabot siyang black na envelope. Inabot ko iyon at pinakatitigan.
"Laman niyan 'yong mga nakuha ko at saka ng partner ko. I think someone his protecting his image," anito.
Kumunot ang noo ko sa biglaan niyang sinabi. "Ha? A-Anong someone is protecting his image? Anong ibig mong sabihin?"
Itinuro niya ang hawak kong envelope. "Pictures lang ang laman niya. Kung ako sa 'yo, mamaya mo na tingnan."
"Why?" untag ni Monti. Mukhang pati siya ay curious na rin sa laman ng envelope na hawak ko.
Sardez laughed a bit. "Too personal, Monti. Gusto ko lang din mag-ingat kaya mas okay na si Amber na lang ang tumingin."
"Gusto niyo ba muna na lumipat muna ako ng upuan? To have some privacy?" Monti asked.
"Is it okay?"
Monti smiled at Sardez. "Sure," aniya. Tumayo siya at nilapitan ang isang staff para sa pwesto na gusto niya. Nanatili akong tahimik at ganoon din si Sardez.
Bakit pakiramdam ko ang bigat ng mga malalaman ko ngayong gabi? Pakiramdam ko hindi ako patutulugin nito.
"Are you okay?"
Nag-angat ako ng tingin kay Sardez saka napakurap. Masyado na ata akong natulala sa kakaisip at sa pagiging kabado.
"Ah, yes. Kinakabahan lang," sambit ko..
Tumango naman ito. "Gaano mo kilala ang asawa mo?"
Umawang ang labi ko sa tanong niya, hindi nakasagot.
"You were with him for six years tapos nagkaanak pa kayong dalawa. Sa tingin mo ba enough ang mga taon na 'yon? Nakilala mo ba talaga ang asawa mo?"
I let out a heavy sigh and looked at him intently. "Can you go straight to the point?" I snapped.
Sardez pursed his lips. "The information that you gave to me about Rome Donovan was all false," he said.
"What do you mean?" mahina kong sambit.
"Wala na siyang nanay," usal niya.
"Meron..." pabulong kong sambit. Meron siyang nanay, nakita ko pa nga sa personal, ipinakilala pa niya sa akin.
"Wala na, Amber. It was a lie, iyong pinakilala niya sa 'yo ay ang nag-alaga sa kanya nang mamatay ang nanay niya. Rome was eight when his mother died because of physical abuse from his father, pero may nagsabi na inatake lang din sa puso."
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata dahil sa narinig. Ang hawak kong envelope ay halos malukot ko na.
"Iyong... Iyong tatay niya... Sino?"
Ngumiti ng maliit si Sardez sa akin pero kitang-kita ko ang pagbabago ng aura niya. "Si Alfonso Blanco. Never pinagamit ng nanay ni Rome ang apelyido ni Alfonso. Ang sabi hindi rin naman daw kasi sila kasal. Ang daming sabi-sabi kaya 'di malaman kung ano ang totoo, pero ang mga 'yon ang naging matunog. Hindi lang naisapubliko at kumalat ng husto dahil binayaran daw sila na manahimik. Swerte lang namin dahil may nakausap kami."
I know that old man! Lagi ko siyang nakikita sa mga campaign ads! Lagi ko pa siyang binabanggit noon kay Rome kasi niloloko ko siya na kahawig niya si Alfonso Blanca, minsan ko na siyang inasar na kapag tumanda siya ay baka maging hawig niya 'yon. Kaya pala ay wala talaga siyang reaksyon kapag inaasar ko siya kasi konektado siya sa matanda na 'yon.
Pagak akong natawa sa naalala at napayuko. Why? Bakit kailangan itago? Bakit...
"Bakit kailangan pa niya magsinungaling?" I murmured.
"I think it's family related."
Napatingin ako kay Sardez dahil sa sinabi niya.
"Hindi ko pa 'to sure pero base sa mga nakuha namin..." Mataman niya akong tinitigan bago muling magsalita. "Kasama ang family mo rito. I mean, your parents know something na hindi mo alam o ayaw lang talaga muna nila ipaalam." Nag-iwas siya ng tingin sa akin na para bang may ayaw siyang banggitin.
"May nalalaman ka?" walang emosyon kong tanong.
Sardez sighed. "Meron, Amber. Pero ayokong pangunahan ka. Paano kung mali? Mas magandang si Donovan na ang magsabi sa 'yo. Tell him na kinausap mo ako para matakot siya at mapaamin mo. This is just our conclusions based sa mga nalaman namin. Still no concrete evidences."
"Tell me, please..." Pagmamakaawa ko sa kanya. "Sabihin mo sa akin at kokomprontahin ko rin si Rome. Just say it to me para mas mapanatag ako."
"Hindi ka mapapanatag, Amber."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Iyong itsura ni Sardez ay parang hindi na rin mapalagay siguro dahil sa mga nalalaman niya. Bagsak na rin ang balikat niya at malungkot na tumingin sa akin.
"B-Bakit naman ako hindi mapapana—"
Pinutol niya ako. "Mapapanatag ka kaya kung malaman mo na kapatid mo ang naging asawa mo?"
I hitched my breath because of his words. Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Iyong t***k ng puso ko ay sobrang lakas. Basta na lang din tumulo ang luha ko sa narinig.
"Ano... ano bang sinasabi mo?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. "Anong kapatid?"
Tumingin si Sardez sa kanan at ilang segundo lang ay nasa tabi ko na si Monti na nakatayo sa gilid ko.
"Anong kapatid!" sigaw ko pa.
Tinitigan ako ni Sardez. "Your father fell in love first with Rome's mother before he married your mother, Amber. May haka-haka noon na si Rome at ang kambal nito ang bunga ng pagtataksil ni Rica kay Alfonso at ang tatay mo ang sinasabing lalaki ni Rica noon."
Nailing ako sa narinig. No, my father wouldn't do that. Mahal na mahal niya si Mommy! At kung niloko ni Daddy si Mommy, bakit hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila? Bakit hindi sila hiwalay? Dapat magalit si Mommy, pero bakit maayos sila hanggang ngayon? Bakit hindi sila naghiwalay?
"Ang gulo..." bulong ko.
Sobrang gulo.
Ayokong maniwala.
Hindi 'yan totoo.
Palabas lang 'to.
"Sardez, can we stop this for now? Too much information foe this night. Mukhang kailangan na muna siguro magpahinga ni Nikita Amber." Naramdaman ko ang paghawak ni Monti sa magkabilang balikat ko at pilit akong itinatayo. Nagpadala na lang din ako sa kanya. Nakita kong inabot ni Monti ang envelope.
"Sure, just call me na lang siguro," Sardez told Monti.
Tumango naman si Monti at nakipagkamay ulit kay Sardez. Sardez looked at me then gave me a nod.
"Meron pa..."
"Huh?"
"Nikita Amber that's enough," Monti's stopping me.
"No," pigil ko sa dalawa. Napaayos sila ng tayo at tiningna ako.
Muli akong bumaling kay Sardez. "The guy named... Roman. Iyong narinig ko kay Mama. Sinabi ko 'yon sa 'yo. Sino siya? May nakuha ka ba?" mahina kong sambit.
Umawang ang labi ni Sardez pero saglit lang 'yon. Bumuka ang bibig niya para magsalita at mas hindi na mapalagay ang loob ko sa sumunod na narinig.
"Roman Donovan. His identical twin, iyon lang ang alam ko."