Fifteen

1428 Words
Nikita's Point Of View "Mama! Si Daddy ang magsusundo sa amin! Mama!" "Rush, huwag mo sigawan si Mama." "Hmp! Hindi kasi siya namamansin!" "Edi quiet ka na lang muna." "Let's go, Rocco. Baba muna tayo." "Okay po." Maya-maya ay may naramdaman akong dumagan sa akin kaya napatili ako. Tumawa pa ang dumagan sa akin nang malakas at alam kong si Rush iyon. Nakasuot na siya ng uniform at ready na para sa pagpasok. "Mama, are you okay po?" he asked softly. I caressed his hair and smiled a bit. "Yes, baby. Get up na dahil susunduin na kayo ni Rome. Ihahatid niya kayo sa school." Akmang isasama ko na rin siya sa pagbangon nang mas bigatan niya ang sarili kaya muli akong napahiga. "Rush," I called his name. He pouted his small red lips. "Why Rome? Daddy po ang tawag niyo kay Daddy." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi mo po tinatawag si Daddy in his first name po. You used to call him our Daddy," untag nito. Naiwang nakanganga ang bibig ko sa narinig. "Really?" halos pabulong kong tanong. Hindi ko rin alam kung bakit Rome lang ang nasabi ko. Alam ko kasi na normal lang din naman 'yon sa akin. Hindi ko akalain na mapapansin ni Rush ad ganito pa ang sasabihin niya. Niyakap ako ni Rush at naramdaman ko ang pagtango niya. "Opo, you were always telling us na 'andiyan na ang daddy niyo, susunduin kayo ng daddy niyo' gano'n po." "Your Daddy's name is Rome, Rush. So, it's really normal that I will call him in that way," I whispered to my son. He shook his head. "Please, Mama. Daddy lang po itawag mo. Don't call him in his first name, I love it po when you call him Daddy. Happy po ang heart ni Rush sobra-sobra." I swallowed the lump in my throat when I heard his words. Ikinulong ko sa dalawa kong palad ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa tungki ng ilong niya. Hindi na ako sumagot at inakap na siya para masama sa pagbangon. Nang nakaupo ako ay itinayo ko siya nang maayos at inayos ang uniform niya. Kakagising ko lang din at mukhang inayusan sila ni Sam. Pinababa ko na si Rush para makapag-ayos na ako. Hindi naman ako pupunta sa Avila ngayon kaya free ako buong araw. Siguro magpapahinga lang muna ako o 'di kaya magsusulat. Pupunta rin kasi si Monti rito dahil may pag-uusapan kami about sa printing press. Binilisan ko lang ang kilos. I just wore my cami laurel dress. Isinuot ko ang slipper ko and akmang bababa nang mapansin mula rito sa itaas ang eksena sa baba. Tinakbo ng mga bata si Rome ay nilusob ito ng yakap. Nakita ko kung paano ni Rome halikan ang mga bata sa noo at ginulo ang mga buhok nito. Iyong tawa nila dahil nakita si Rome ay nag-echo sa utak ko. Mabilis akong naglakad pabalik at napasandal sa dingding. Napahawak ako sa dibdib ko nang kumirot 'yon dahil sa nakita sa baba. It's been one week since that talk with Sardez, after that hindi na naulit. I wanna talk to him again but Monti won't let me. Masyadong magulo at hindi ko alam kung ano tama ba talaga lahat 'yon. Monti told me na mas okay nang kausapin ko si Rome para mas malinawan at makatotohanan, but I don't want to do that. Yes, I'm desperate for knowing the truth because I knew na may mas malalim na reason kung bakit kami humantong sa ganito. And I wanna slap myself for thinking about it again. Ang sabi ko sa sarili ko ay hahayaan ko na siya, but here I am, acting like a clown and doing these things. After nang pag-uusap namin ay nagpaalam na si Monti kay Sardez at hinayaan naman kami nito. Una 'kong dinala ni Monti sa kotse niya dahil kakausapin niya lang saglit si Sardez. Hindi na rin ako nagdalawang isip na sabihin kay Monti, iyong reaksyon niya halatang gulat na gulat. His revelations were like a bomb, bukod sa nakakagulat at nakakatakot. Iyong pinakilala sa akin dati ni Rome na Nanay niya ay hindi pala totoo. Eto pala ang nag-alaga sa kanya simula no'ng mamatay ang totoong nanay niya na si Rica na kinakasama ni Alfonso. Alam kong si Alfonso ay running for President sa darating na election. Monti told me na si Alfonso ang kinalakihang tatay ni Rome, galit ito sa nanay nito na si Rica because of her infidelity habang magkasama sila. And the product of it ay si Rome, at si Daddy pa ang sinasabi na lalaki ni Rica at Tatay ni Rome. Hindi naniniwala si Monti na anak ni Daddy si Rome. Binalikan alahanin ni Monti ang mga naging pagkikita nila ni Daddy at Rome at isa lang ang sinabi niya sa akin, wala siyang mapansin at maramdaman na kakaiba sa dalawa. Ang sabi pa niya sa akin ay baka may connection lang ang Daddy sa totoong tatay ni Rome kaya ganoon na lang sila ka-close at siya ang napagkamalan. Bakit nasama si Daddy? At siya pa ang itinuturo na kabit ni Rica! Hindi 'yon pwede! Daddy is so inlove with my Mommy, hindi niya 'yon magagawa! At hindi ako maniniwala dahil hindi ko sila nakitang nag-away because of cheating! Never ko nakitang nagalit si Mommy kay Daddy dahil may babae ito! Hindi ako naniniwala, hindi kami magkapatid. Never! Nakakadiri kung totoo man! Nakakasuka! He lied to me! He let me fall for him kahit alam naman niyang may nagdudugtong sa amin! Nagkaroon pa kami ng anak! And what really made me shock is 'yong sinabi ni Sardez na may kambal si Rome... and his name is Roman. Naalala ko naman ang sinabi ni Mommy no'ng marinig ko siyang may kausap. He said the name Roman and Rome like she really knew these two. May alam siya, may alam sila na hindi ko alam at hindi nila kailanman sinabi sa akin. Binanggit ni Mommy ang pangalan ni Roman na para bang nakausapna niya 'to sa personal, nadawit pa nga ang name ko na para bang kilala ako ni Roman. My heart startes to crippled in pain. Ngayon pa lang nalalagyan na ng sama ng loob ang dibdib ko sa mga nangyayari. Paano pa kaya kapag sa kanila na mismo nanggaling? Rome greeted me casually. Hindi ko siya magawang nginitian ngayon. Ang bigat kasi ng nararamdaman ko, sobra. Pakiramdam ko nga ay baka bigla-bigla ko na lang siya masasampal dahil sa ginawa niya. Nagpaalam sa akin ang mga bata at agad tumakbo palabas ng bahay kasama si Sam dahil mauuna silang pumasok sa kotse. Agad akong tumalikod at babalik sa itaas ng may humatak sa braso ko. "What the hell!" tili ko nang mapaharap kay Rome. Agad kong tinabil ang kamay niyang nakahawak sa akin at kunot-noo siyang tinitigan. "Ano bang ginagawa mo?" Halatang nagulat siya sa tono ng pananalita ko. Nanlaki ang mata niya at umawang ang kanyang labi. Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa kumurap siya. "What is happening to you, Nikita Amber?" malamig niyang tanong. "Ano bang sinasabi mo?" I replied. "May nangyari ba? You were gone for days then pagbalik mo ganito ka na." "Ganito naman na ako pagdating sa 'yo, Rome." Nailing siya at kita ko ang pagkabahala sa mata niya. "No... I can feel that there's something wrong. May nangyari ba sa 'yo no'ng umalis ka?" he asked. "Daddy, let's go! Mommy aalis na kaya kami!" Nawala ang tingin ko kay Rome at nalipat sa likuran niya. Andoon si Sam at nakahawak sa kanya si Rush. Sam was looking at us, smiling. Ganyan lang 'yan pero alam kong mamamatay na sa pagkacurious 'yan. "Oo, pupunta na riyan si Rome." Sumimangot si Rush at nagpapadyak patalikod sa amin na ikinagulat ko. Si Sam ay nalaglag din ang panga. Si Rome naman ay nagtataka na napaharap sa likuran namin. I let out a heavy sigh. "Baka ma-late na ang mga bata," malamig kong sambit sa kanya. Bumuntong-hininga rin siya at humarap sa akin. "Dito ako magdi-dinner mamaya," aniya at mabilis naglakad palayo sa akin. I gasped. "What?" Napakurap ako. "Hindi pwede, Rome! Pupunta rito si Monti!" sigaw ko at tumakbo pa para habulin siya pero hanggang sa pwesto lang ako ni Sam. Kahit tanghali naman pupunta si Monti ay sinabi ko 'yon dahil baka biglang magbago ang isip ni Rome na pumunta. Mabilis ang naging hakbang nito papalabas ng gate namin. Hindi pwede! Nakakainis talaga ang lalaking 'yon, ang gulo niya! Bakit ba gano'n siya umakto?! I groaned in frustration at nagpapadyak pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD