Sixteen

2042 Words
Nikita's Point of View With their bloodshot eyes, two of the triplets were looking at me like I did something terrible. Maya-maya ay napunta kay Monti ang tingin nila na abala sa aking laptop habang tinitingnan ang mga nakaline-up na books sa mga susunod na buwan. Si Rush naman ay abala sa pagkain ng mamon habang katabi ang Tatay niyang abala sa hawak nitong phone, may sarili ring mundo. Okay, sobrang awkward at tahimik. After lunch na nakarating dito sa bahay si Monti dahil may dinaanan pa siya. Thirty minutes after niyang makarating ay nakauwi na ang mga bata kasama si Rome. Ang ipinagtataka ko ay andito si Rome, ang alam ko may pasok siya! Dito pa talaga siya tatambay ngayon? Gulat ang nasa mukha nila kanina nang makita nila si Monti. Buti na lang ay mabait ang panganay ko at winelcome niya si Monti. Itong dalawang bubwit na 'to ay akala mo pinagbagsakan ng langit at lupa. Gusto ko sanang kausapin si Rome para tanungin kung bakit siya andito pero 'di ko magawa. Almost two hours na rin no'ng dumating si Monti. Inilapag ni Rome ang phone niya sa coffee table na nasa gitna at tumingin sa mga bata. Hinaplos niya ang buhok ni Rhysander. "Go get your bags, let's do your homework. I'll teach you," he said in a soft voice Tumayo si Rhysander at nilapitan si Rocco saka hinatak ang kamay nito. Sumunod naman agad ang kapatid at tumakbo sila paakyat sa taas. Napatingin ako kay Rush na nakakrus pa ang dalawang kamay habang nakanguso. Mukha na naman siyang duck sa itsura niya. Hindi ko alam kung saan natuto ngumuso ang batang 'to. Akala niya ang gwapo niya sa lagay na 'yan! Si Rome ay nakatingin sa bata habang nakakunot ang noo. "Rush, go to your room and get your things," utos nito sa bata. Nailing si Rush at tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Muli akong bumaling kay Monti na abala pa rin kaya napagpasyahan ko na tumayo at lapitan ang dalawa. Tumayo ako sa harapan nilang dalawa. Kinalabit ko ang nguso ni Rush at umirap ito sa akin. "Anong problema mo Rush? Bakit sinusungitan mo si Mama?" mahinahon kong tanong. "At saka inuutusan ka ni Rome, umakyat ka na ro'n." Napapadyak siya sa kinauupuan kaya napaatras ako. Maagap na napigil ni Rome ang dalawa niyang binti. Pumalahaw ng pagngawa si Rush kaya mas nagulat ako. Padabog pa siyang sumandal sa sofa at naglumikot. "I hate you, Mommy! I hate you!" What the f**k? Ano na naman ang ginawa ko? "Rush, stop it!" suway ni Rome at sinusubukan niyang pigilan sa paglulumikot ang anak. "Rush, hindi nakakatuwa 'yang inaasta mo ha. Akala ko ba nag-usap na tayo? Bakit ganyan ka na naman ha?" Kinuha ni Rome ang dalawa nitong kamay at pinagdikit gamit lang ang isa niyang kamay at ang free hand niya ay pinanghawak sa ulo na para bang pinapatigil din sa paglulumikot. "Isa, Rush. Kapag hindi ka pa rin tumigil, doon kita patutulugin sa bahay ni Rome." Napatigil si Rush sa paglilikot. Nakita ko ang paggalaw ng panga ni Rome at inayos ng upo ang anak niya. "What the?" bulalas ni Rome nang pumalahaw ng iyak si Rush. Binuhat niya ang bata at iniupo sa kandungan niya. Mas lumakas ang iyak nito. Napahawak ako sa noo at napaiwas ng tingin. Jusko po! Hindi ko alam kung saan nagmana ang isang 'to! Hindi naman ako ganyan no'ng maliit ako! Hindi naman ganyan si Rocco at si Rhys! "Why are you crying little buddy? Tell it to Daddy and I'll listen," he whispered as he wiped Rush's tears. I let out a heavy sigh. Ramdam kong nagtatrantrums 'yan dahil kay Monti at sa pagtawag ko kay Rome sa first name nito and not calling him his Daddy. Gosh, this is getting hard! Pinanuod ko lang kung paano patahanin ni Rome si Rush na nakasubsob na sa dibdib niya. Bumaba na rin ang dalawa na bitbit din ang bag ni Rush. Agad nila 'yon nilapag sa coffee table at nilabas ang mga dapat ilabas. Yumuko ako at lumapit kay Rocco. I held his face and looked at my baby. "Pakiss naman ako baby," bulong ko at ngumuso. Umiwas ito at natawa pero nahuli ko pa rin kaya hinalikan ko sa labi. Tawa lang siya nang tawa at narinig ko rin ang pagtawa ni Rhysander kaya napatingin ako sa kanya. Sinenyasan ko siya na lumapit na siya namang ginawa niya. Inabot ko rin siya at hinalikan nang mariin sa pisngi. Hinalikan niya rin ako. "I love you, Mama." I smiled when I heard that. "I love you, love ko kayo kahit na ang kulit niyo." Ngumuso si Rhys kaya natawa ako. "I'm not po," he said. Tumango naman ako at umayos ng tayo. Alam ko naman 'yon, sa kanilang tatlo ito talaga ang seryoso. Pinanuod ko lang sila na ilabas ang mga gamit at ilagay ito sa mesa. Pagtingin ko sa pwesto ni Rome ay nahuli kong nakatingin ito sa akin pero agad ding nag-iwas. Nasa kandungan niya pa rin si Rush pero tulog na 'to. "Ihiga mo muna siya," utos ko na agad naman niyang ginawa. Napatingin ako kay Monti at napansin kong nakangiti ito kaya pinuntahan ko siya. "Are you done?" I asked him.. He smiled. "Yes, pero may kulang pa sa list natin. I tried to contact the writer pero hindi pa sumasagot." Tumango naman ako. "Do you want something to eat? Or nauuhaw ka ba?" Nailing siya and ngumiti. Ang hilig talaga nito ngumiti kaya ang gwapo at ang aliwalas ng mukha. "Is there something wrong?" he asked. "Ha?" Napakurap ako. "You were looking at my face," aniya at bahagyang natawa. Hindi na ako nakapagsalita at sabay na kaming natawa. Inabutan kami ni Sam ng meryenda kaya lahat kami ay kumain na rin. Pinapanuod ko ang mga bata na gumawa ng assignment habang tinuturuan ni Rome. Bumabaling-baling ako kay Monti dahil naririnig ko na may kausap ito sa phone. Ang tahimik, Monti was talking to Rome kanina pero ang titipid ng mga sinasabi niya kaya napapairap ako. Kung ano ang tinanong 'yon lang talaga ang sasabihin. Hanggang sa makaalis si Monti ay tahimik si Rome. Hindi rin siya umaalis! Umakyat muna sa taas ang mga bata dahil maglalaro raw sila ng playstation. I told them na isang oras lang. "Why are you here?" diretsa kong tanong kay Rome. Umiinom siya ng kape sa may kitchen counter at napalingon siya sa akin. "Is there something wrong? I mean, bawal ba?" he asked. Kumunot ang noo ko. "You have work, hindi ka naman nagtatagal dito unless..." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Unless because I told you earlier na pupunta si Monti." He chuckled. "Woah, so frank." "So, am I right?" Hindi niya ako nilingon at uminom lang sa kape niya. "You're wrong, hindi ka pa ba sanay na andito ako? Halos araw-araw naman ako andito, Amber." Pakiramdam ko ay nalukot ang mukha ko nang marinig ko ang second name ko, not the full first name. Wow, short name of nickname basis na kami? "Alam ko naman na ayaw mo akong makita," malamig niyang sabi. "Buti alam mo," I told him. "Wala ka bang duty at dito ka pa talaga tumambay? Hindi ka ba hinahanap ni Irish? Dapat siya na lang ang pinuntahan mo—" Pinutol ako ni Rome. "I want to be my kids, Amber, that's why I'm here. Get that? Kaya ako lagi akong andito kasi dahil sa kanila hindi para sa—" Bago pa niya masabi ang pwedeng mas magpainis sa akin ay pinutol ko siya. "Don't get that far because I know! Ipapamukha mo pa talaga, ano?" Bahagya pa akong natawa. "Grabe, ikaw lang ata ang kilala kong ganyan na laging pinapamukha sa akin kung ano ang nawala o nangyari," bulong ko. Dahil nakaside view siya ay kita ko ang paggalaw ng panga niya. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya na tasa. "Grabe ka talaga, grabe ka manakit." Ramdam ko ang biglang pagkabog ng dibdib ko sa sinabi ko. Umalis siya sa pagkakaupo at humarap sa akin. Nanlako ang mata ko nang humakbang siya kaya napaatras ako. Napamura ako nang tumama ang likod ko sa dingding na andoon. Malayo pa rin naman ang agwat namin pero ayoko ng ganitong malapit! He was also breathing hard while looking at me. Bumuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero hindi niya mailabas. Iyong mata niya ay may something na nakita ko na sa kanya noon, no'ng hindi pa kami ganito. Nag-iwas agad ako ng tingin. Ayokong malunod sa tingin na 'yon. Niyukom ko ang kamao ko dahil naalala ko ang mga naging pag-uusap namin ni Sardez. "Why you didn't tell me?" I asked in a low voice. Kumunot ang noo niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko dahil sa mga nalaman no'ng nakaraan. "A-Anong sinasabi mo?" untag niya. "You were with me for six years pero hindi mo man lang sinabi sa akin ang totoo. Mas ginusto mong magsinungaling. Ang unfair lang kasi ako sinabi ko naman ang lahat-lahat sa 'yo." "What the hell are you saying, Amber? Heto na naman ba tayo?" aniya. "M-Magkapatid tayo?" bulalas ko. Nanlaki ang mata niya at biglang napaatras sa sinabi ko. Nakita ko ang panginginig ng mata niya sa sinabi ko. "Naniwala ka? O 'yon lang ang gusto mong paniwalaan? Hindi naman si Daddy ang Tatay mo 'di ba? S-Siguro may connection lang sa pamilya namin ang Tatay mo kaya sobrang lapit mo kay Daddy. Is that your reason kaya ka nakipaghiwalay sa akin? If it's not, hindi mo naman ako iiwan 'di ba? Kahit na... Kahit na hindi mo ako mahal, hindi mo ako iiwan kasi susubukan mo?" Halos pumiyok ako sa huling sinabi. Hindi siya nagsalita. "Tama ako 'di ba?" I whispered. "Oh, hinayaan mo na lamunin ka ng mga nalaman mo kaya mas pinili mong gawin 'to sa atin. Pinanindigan mo kahit na hindi naman totoo," dagdag ko. "Stop it, Amber." "Tama ako 'di ba?!" sigaw ko at hinampas ang dibdib niya. Hinawakan niya ang isa kong kamay. "Hindi. Hindi tayo magkapatid, okay? That was just a rumor na hindi nawala sa mga bibig nila. Your father knew my real father. And stop it, Amber. You won't understand the rest," he said. Mapait akong natawa. "Dahil hindi mo ipinapaintindi sa akin!" Napatingin siya sa akin habang hawak pa rin ang palapulsuhan ko dahil sa paghampas ko sa kanya kanina. "Inunahan lang din kita! Kasi kapag nalaman mo ang lahat..." He stopped. Kumunot ang noo ko. Ang gulo! "Ano ba! Bakit kasi hindi mo sabihin sa akin lahat!" Nakita ko ang pagtagis niya at mataman akong tinitigan sa mata. Halos nakatingala na ako dahil sa tangkad, hawak-hawak pa rin niya ako. "W-Why are you crying?" I asked, surprised. I saw his tears fell on his eyes at maa humigpit ang kapit niya sa akin. "Hindi ka dapat umiyak kasi hindi naman ikaw ang mas nasaktan dito, Rome. Ako dapat," bulong ko. He sniffed at ramdam ko ang pagsakit ng dibdib ko sa nakita. "Ayan ang panget sa iyo, iyong nararamdaman mo lang ang iniintindi mo. How about me? Alam mo ba kung bakit mas okay na tayong ganito? Kasi baka kapag nalaman mo ang lahat, iyon din ang magiging desisyon mo." "Make me understand please..." pagmamakaawa ko. "Ilang taon na pero hindi ko pa rin makuha kung bakit. Your excuses were not enough, Rome. Ramdam kong meron pa, eh. Meron pa." Hindi ko na napigilan ang sarili at nakisabay sa paghikbi niya. "I-I have a twin... identical twin to be exact, and his name is Roman," he stopped and let out a sigh. Ramdam na ramdam ko ang bigat sa boses niya kahit na ganyan pa lang ang sinasabi niya. Damn, meron nga. "Parehas kami ng mga gusto sa buhay. Parehas na parehas," makahulugan at pabulong niyang sambit, almost breathless. Natigil siya at nailing. Kumunot ang noo ko, sinubukan ko siyang hawakan pero umiwas siya. "I can't say it. God, I still can't. I'm sorry," he whispered and turned his back on me. Nanlaki ang mata ko dahil ramdam kong aalis siya. Hinabol ko siya pero naging malalaki ang hakbang niya. "N-No, Rome! Please!" I shouted and ran at him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD