Seventeen

2449 Words
Nikita's Point of View I was staring blankly at my keyboard. Hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko sa manuscript ko. Walang lumalabas sa akin, wala akong maisip, wala akong maisulat. Damn it, it's been one week. Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Rome simula no'ng naging pag-uusap namin. Sinusundo niya ang mga bata para ihatid sa school pero sa labas na siya nag-aabang. Ganoon din sa pag-uwi, halatang umiiwas siya. Wala naman nababanggit sa akin ang mga bata pero mukhang napansin 'yon ni Sam. Nagtanong kasi siya kung bakit hindi pumapasok dito sa loob si Rome. Tinakbuhan niya lang ako no'ng nag-usap kami. Sa mga naging pag-uusap namin, parang first time na maging gano'n siya. And I don't know why... Napalingon ako sa higaan ng triplets nang marinig na may nag-bahing. Mahimbing ang tulog nilang tatlo kahit na alas-nwebe pa lang ng gabi. Actually maaga naman sila natutulog. Andito ako sa kwarto nila at dito ko na lang naisipan na magsulat. Wala rin namang kwenta kasi wala akong magawa. Kanina pa ako nakatutok sa laptop ko. I let out a sigh and closed my laptop. Ititigil ko na dahil wala rin naman akong nagagawa. Akmang tatayo na ako nang tumunog ang phone ko na nasa mesa. Sa pagtingin ko ay tumatawag ang isang unknown number. Kunot noo kong sinagot iyon. "Who's this?" "Hi, Amber." Isang boses anghel ang aking narinig sa kabilang linya. "Good evening, sorry to interrupt you this night." Napakurap ako at tumikhim. "Irish?" Tumawa ito. "Ah, yes! Pasensya na kung tumawag ako ngayong gabi. Mukhang naistorbo ko ata ang tulog mo." "No, hindi pa naman ako natutulog. Bakit ka nga pala napatawag?" "Hihingi lang sana ako ng favor. A staff from this bar called my number using Rome's number and telling me that he is already drunk even if it's just nine in the evening. Masyado na raw ang nainom kaya nagsuggest ang staff kung pwede na ipasundo na. Ang kaso, wala ako sa manila ngayon. I'm in province right now..." Malambing niyang sambit. "Okay lang ba sa 'yo? Pasensya ka na ha? Wala kasi akong ibang matawagan dahil biglaan din," dagdag niya pa halatang hopeless na rin. "Sure," pigil-hininga kong sagot. Halatang natuwa ito dahil narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. "Thank you so much, Amber! Nakakahiya talaga," aniya. "No, it's okay. I-I will just message you kapag naiuwi ko nang maayos si Rome." "Sure, thank you so much!" Mabilis din namatay ang tawag at napatitig ako sa bar. Maya-maya ay nag-send si Irish ng name ng Bar. Hindi ako mapakali sa kinauupuan dahil sa pagpayag ko. Ang lakas ng loob ko gawin 'yon! Gusto kong tampalin ang sarili! Nag-text ulit si Irish na sinabihan niya ang tumawag sa kanya na staff na hintayin ako dahil papunta na ako! Isa rin 'tong si Irish, ako pa talaga! Mabilis akong nagpunta sa kwarto ko at nagsuot na lang ng leggings at hoodie jacket. Imbes na dalhin ang kotse ay nag-book na lang ako. Mukha namang dala ng kumag na 'yon ang sasakyan niya. Tinawag ko muna si Sam at buti na lang ay hindi pa siya tulog. "Saan ka pupunta ate?" she asked softly.. "May bibilhin lang ako dahil nagugutom ako," pagsisinungaling ko. "Eh, ako na lang ang bibili!" suhestyon niya. Nailing ako. "Hindi na, ako na lang. Bantayan mo na lang 'tong bahay pati ang triplets. Bukas naman ang kwarto nila." Ngumiti ito at tumango. "Sige po, ingat ka ate at gabi na!" aniya at sinundan ako hanggang sa gate. Siya na rin ang nagsara no'n, hinintay ko dumating ang binook na sasakyan at sumakay doon. Irish called me and told me na sabihin ko na lang daw sa nakabantay doon ang name ko dahil mahigpit din ang bar na 'yon. Binilinan naman na raw ng staff ang nagbabantay and I just need to tell my name. Buti na lang din ay dala ko ang wallet ko incase na hingian ako ng id. Madali akong nakapasok ng bar at hindi naman crowded, private bar naman daw kasi at only members lang ang nakakapasok. Dinala ako ng isang staff sa may second floor at nasa tagong sulok nakapwesto si Rome. Nakasandal ito at sofa at nakapikit. Nakanganga pa ang kumag. "Thank you," mahinang sambit ko sa staff at iniwanan na ako nito. Wala rin naman daw kailangan problemahin sa bill dahil naka-automatic deduct iyon sa membership number nila. May mga tao sa paligid pero layo-layo ang pwesto, may kanya-kanyang mundo. Hindi ganoon kaingay. This is not the usual bar na pinupuntahan namin. Malayo 'to sa nakasanayan kong puntahan kapag umaalis kasama sila Rome. Napansin ko na may mga beer pa sa table pero medyo malinis naman na. Agad kong nakita ang wallet saka phone nito sa may mesa at basta ko na lang pinasok sa may bulsa ng hoodie ko. Umupo ako sa may tabi niya at amoy ko ang nainom niya. Mukhang marami na nga talaga. Sa ilang taon na nakasama ko siya ay mukhang ngayon ko lang siya nakitang ganito. Usually kasi hindi naman sobrang lasing. Dahil hindi ko alam ang una kong gagawin ay bumuntong hininga ako. s**t, ano na? Saan ko 'to dadalhin? Sa bahay niya? Sa tinutuluyan nila ni Irish? Oh doon na lang sa binigay niya sa aking unit? Lumingon ako rito at sinundot ang pisngi niya pero wala. "Rome," sambit ko at inalog siya. Muntik na akong mapatayo sa kinauupuan ko nang lumingon siya sa akin. Nanlaki ang mata niya. "Ah f**k!" Napaatras na rin pero napahawak siya sa ulo. Siguro sumakit iyon. Ayan, inom pa more! "Baka gusto mo na umuwi?" sambit ko rito. Muli siyang napalingon sa akin at tinitigan ako. "For real?" he said. "Damn, my head hurts." "Natural na sasakit 'yan, ang dami mo raw nainom." "W-What are you doing here?" His voice was husky when he asked, he's not looking at me. Bigla niyang isinubsob ang mukha sa mesa at ginawang patungan ang braso. Napanguso ako nang maalala ang pagtawag ni Irish. "Your... your girlfriend called me," mahina kong sambit, nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil masakit pa rin pala. Iyong pakiramdam na binibigkas ko 'yong taong nakakasama niya ngayon. "She asked me a favor kung pwede na sunduin kita kasi tinawagan daw siya ng staff regarding sa 'yo. Hindi ka naman daw niya masundo kasi nasa probinsya siya," dagdag ko. "Dapat hindi mo na ginawa. Walang kasama ang mga bata, gabi na." Ipinasok ko ang kamay sa bulsa ng hoodie ko at kinuyom iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa, siguro there's a part of me na concern sa kanya. Paano kung mapaaway siya? Lasing pa naman siya. Paano kung maholdap siya riyan sa daan o maaksidente, baka malungkot pa ang triplets. I swallowed the lump in my throat and looked away. Ayoko naman umalis agad kasi andito naman na ako. Masiguro ko lang na makauwi siya, ayos na, at saka para masabi ko kay Irish na nakauwi siya nang maayos at hindi 'yon mag-alala. Natahimik kaming dalawa, walang nagsasalita at nakasubsob pa rin siya sa mesa. Hindi ko mabilang kung ilang minuto kaming nasa ganoong sitwasyon hanggang sa putulin ko na ang katahimikan. "L-Let's go," nauutal kong sambit. "Gabi na, kailangan mo na magpahinga at saka sasabihin ko pa kay Irish na maayos kang nakauwi. Mag-aalala 'yon sa 'yo, tawagan mo kaya?" Inalis niya ang ulo sa pagkakasubsob at hinilamos ang mukha niya gamit ang dalawang palad. "Mauna ka na," malamig niyang sambit. Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya at walang sabi na sinapok ang likod niya. Malakas 'yon at gumawa ng ingay, pero kami lang din naman dalawa ang makakarinig. Wala siyang kibo, hindi siya umaray sa ginawa ko at nanatiling nakasubsob ang mukha sa dalawang palad. "Gago ka talaga kahit kailan, nag-book lang ako ng sasakyan papunta rito tapos pauuwiin mo ako? Kinakabahan pa naman ako kanina habang papunta rito kasi gabing-gabi na!" Kumapit ang kamay ko sa damit niya at inalog siya. "Hindi kita aawayin ngayon basta umuwi ka na, umuwi na t-tayo..." Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko pero pinipigilan ko ang sarili na huwag maiyak sa harapan niya. That's too much, ayoko na umiyak kasi sobra-sobra na. "J-Just let me drive you home. Kapag okay na, ipapatawag ko driver ni Daddy para sunduin ako. Gano'n lang, tapos na. I just wanna be sure na makakauwi ka..." Huminga ako nang malalim. "Saka ipapaalam ko pa sa girlfriend mo." "I can still drive," he whispered. "No, you're not." "I can, Nikita—" Muli ko siyang hinampas at nakita kong napalingon ang isang staff na naglilinis ng kabilang table. "Hindi mo makikita ang kambal ng isang linggo kapag umayaw ka. No, I can make it a month." Doon na siya napalingon sa akin at kahit madilim ay kitang-kita ko ang pamumungay ng mata niya at pamumula niya. "You can't do that," he said. "I f*****g can, Rome Donovan." Nagtitigan kaming dalawa hanggang siya ang unang umiwas ng tingin at biglang inabot ang baso na andoon at tinungga ang laman. Hinayaan ko lang siya na ubusin ang mga natira para may saysay naman ang pagpunta ko. Akmang tatawagin niya pa ang waiter kaso pinigilan ko na siya. Napasandal na siya ulit sa upuan at umungol habang hinihilot ang sentido. Tahimik siya kapag nakakainom and that's good, hindi tulad ng iba na nawawala sa sarili. May ibang nakakatuwa kapag gano'n pero may iba na nakakainis. Buti na lang hindi siya gano'n. Hindi rin naman kasi 'to palainom, bilang na bilang lang sa darili. "Give me your key," utos ko habang katatapos lang linisin ang mesa. Kinapa niya ang pants niya pero mukhang hindi niya na talaga kaya dahil bumagsak na 'yon at napatingala na lang siya habang nakasandal. Nakita kong nakasabit 'yon sa pants niya kaya inabot ko. Hindi naman siya kumibo. "Let's go. Wait— kaya mo bang tumayo?" tanong ko nang makatayo sa harapan niya. "Y-Yes, but I need someone to hold me." Doon ko na inabot ang braso niya at tinulungan siyang makatayo. Nakita kong tumakbo ang isang waiter at tinulungan kami. Agad na umakbay sa akin si Rome at humawak ako sa bewang niya. "Thank you," I said to the guy. "Do you need help ma'am hanggang sa entrance?" he asked. Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni Rome. "No, it's okay," he said coldly. Nailing na lang ako at ngumiti sa waiter. Nagsimula na kaming maglakad ni Rome at humawak lang ito sa may handle ng hagdan hanggang sa makababa kami. Lumabas kami ng exit at tinuro niya ang parking sa may tapat kaya doon kami dumiretso. I clicked the button on his car key at nalaman ko agad kung nasaan ang kotse niya. Ramdam ko ang antok niya dahil bumibigat siya, but he managed to control his weight dahil kung hindi, parehas kaming mabubuwal sa semento. Agad ko siyang diniretso sa may backseat pero pinigilan niya ako. "I want in front," he murmured. I sighed and let him do what he want. "Saan kita ihahatid?" tanong ko. "Sunville," he replied. Tahimik lang ako hanggang sa makabitan siya ng seat belt. I start the engine at maayos kaming nakaalis ng parking. Binabagalan ko lang ang pagmamaneho dahil pakiramdam ko ay anytime ay susubsob siya sa may dashboard. Nang makarating kami sa Sunville at hinarang kami ng guard. "Saan po tayo, Ma'am?" he asked. Itinuro ko si Rome. "Rome Donovan," I answered and pinakita ang ID na nakuha ko sa wallet nito na nasa sa akin. I asked the guard about his block at itinuro nito. Alam ko 'tong village pero hindi ko alam ang mismong block. Nakarating kami sa malaking bahay na dalawang palapag. I guess ito ang bahay niya kasama si Irish. I tried waking him up pero wala. Until I decided na manatili muna doon sa kotse niya. I opened the stereo at nakakainis dahil love song pa ang kanta. Hinayaan ko na lang iyon dahil maganda naman. Nakahawak lang ako sa may steering wheel at doon pinatong ang mukha habang nakatingin sa labas. Maganda 'yong kantang I'll be there ni Julie Anne, favorite ko 'yon sa kung tutuusin, nagagandahan lang ako sa lyrics niya. It's all about wishing for something and wishing to have someone by your side until the end. "I'm sorry, Nikita Amber." My jaw clenched when I hear Rome's small voice. "I'm sorry for all of my lies," he added. Hindi ko siya magawang titigan. At ramdam ko ang titig niya sa akin. Humigpit ang hawak ko sa manibela nang maramdaman ang pag-iinit ng mata. Ayokong magsalita, ayoko siyang pigilan o sumabat sa kung anong sasabihin niya. Pagod na ako, eh. Pagod na pagod na. Wala rin naman mangyayari. Hinihintay ko na lang na sabihin niya lahat-lahat. Gusto ko kasi sa kanya manggaling. When he talked about Roman, alam kong may mali at gusto ko na siya mismo ang magsabi sa akin. "I'm not... I'm not the guy you fell in love with. What I mean is, si Roman ang lalaking 'yon. Hindi ako." Hindi ko na napigilan ang sarili at napahikbi na. I knew it. "Siya ang naging bantay mo that time, hindi ako. He was your first in everything, hindi ako. Agad kaming nagkita and he told me everything, natakot siya and he's not yet ready kung mabubuntis ka niya." "Kaya ikaw ang pumalit?" "Papalitan ko naman na dapat siya kasi mapupunta siya sa ibang lugar, pero naunahan ng mga nangyari." "Kaya minadali niyo?" Hindi naman siya sumagot kaya mas sumakit ang puso ko. "When they caught us, it's not my second intercourse. But it's my first with you. Ikaw na ang kasama ko hindi siya?" "Yes." "But you're still the triplet's father, right?" "Yes, Nikita Amber." Humarap ako sa kanya at sinampal siya. Hindi ako nakatiis at hinablot ko pa ang kwelyo niya saka pinaghahampas ng isa kong kamay ang dibdib niya. Umiiyak ako na ginawa 'yon. "Tang'na niyo," pabulong kong sambit. I let my hand slap his face again and hit him hard. Ilang ulit ko siyang minura at sinaktan hanggang sa mapagod ako. Napatingin ako sa kanya nang maramdaman na may tumulo sa kamay ko. When I looked up at him, he's already crying, at nakatingala siya. "Gago ka," humahagulgol na sambit ko. "You fed me with those lies, you let me love you really hard. Why..." Even if si Roman ang una, kay Rome ako tuluyang nahulog at mas nahulog. Siya ang nakasama ko sa ilang taon, sa kanya ako kinasal, sa kanya ako nagkaanak. Siya ang minahal at tinuring kong asawa. "I'm sorry..." He tried to held my hand but I hit shoved it away. "f**k that sorry. H-Hindi ko 'yan matatanggap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD