Nikita's Point of View
People will fall in love, crash and burn. And it's all part of love and life. But why there are people who will always choose to hurt when all you did is to love them? Iyong kahit anong kabutihan mo ay may isusukli sila na ikasisira mo. Can we just made them feel loved without ruining them? Iyong masaya lang sana at walang sakitan.
"Ate... sure na ba 'yan? Isasama mo talaga ako?"
Napatingin ako kay Sam nang tanungin niya iyon. Bakas sa boses niya ang saya kaya napangiti ako. Hawak-hawak pa niya ang passport niya na maayos na, napadali nga because of Monti's help. I saw how Monti smiled a bit and shooked his head while sipping his coffee.
"Ayaw mo ba?" tukso ko sa kanya.
Nailing siya. "Ate naman, eh! Alam mo naman na pangarap kong makapunta sa ibang bansa! At saka huwag mo naman akong iwan, alam mo namang ikaw lang din ang pamilya ko rito! At saka kasama ka, kuya?" Sabay tingin niya kay Monti. Nasanay na siyang tawagin 'tong Kuya, si Monti na rin naman ang nagsabi na gano'n na lang ang itawag sa kanya.
"I'm not yet sure but I want to. Mapag-iisipan dahil medyo matagal pa naman."
Napapitik si Sam. "Naku, ituloy mo na Kuya! Para naman hindi malumbay itong si Ate!" natatawa niyang sambit.
"She's happy with the triplets," he said.
"Pero iba pa rin po kapag may jowa si ate!" bulalas nito.
Nailing na lang ako at bumalik sa kinakain. I'm happy with the triplets right now. Hindi ko na muna 'yan iisipin ngayon. Too much pain na ang nararamdaman ko, kailangan ko naman ipahinga ang sarili.
Nagpaalam muna si Sam dahil aayusin niya ang mga pasalubong ni Monti. Naiwan kaming dalawa ni Monti at natahimik. It's been five days since that talk with Rome happened. That night, I promised to myself na that would be the last time na kakausapin ko siya. Nakuha ko na ang gusto ko, I think that was enough.
When he told me something about Roman before that night, may iba na akong kutob. Hinayaan ko lang kasi gusto ko na sa kanya mismo manggaling and totoo nga talaga. I was so stupid for not to noticed that, hindi ko rin naman kasi alam na may kambal siya.
"I'm so sorry, Nikita Amber. N-Natakot ako," he whispered, sobbing.
Napayuko ako at mas naiyak sa narinig. Sa pagtakip ko ng bibig ko ay hinila niya ako at doon niyakap. Hindi na ako nagpumiglas sa sobrang higpit no'n. I felt so much pain in his hug but I let him do that. It was years since the last time he did that, maayos pa kami no'n, masaya, hindi ganito.
I felt him kissed the side of my head and whispered the word sorry for so many times, but it didn't make less the pain that I'm feeling. Nakapikit lang ako at umiiyak. Ramdam ko pa ang panginginig ng kamay ko habang nakatakip pa rin sa bibig.
Sobrang tagal namin sa gano'ng pwesto hanggang sa kumalma na ang sarili ko. Hihiwalay na sana ako pero bigla siyang nagsalita.
"P-Please, g-ganito muna tayo," he said in a low voice. "Because I feel like this would be the last time na mahahawakan kita," dagdag pa niya at pumiyok sa huling sinabi.
Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya sa akin at iitnuloy ang paglayo ng katawan ko sa kanya. Umayos ako ng upo sa driver seat. Narinig ko ang buntong-hininga niya. Pinunasan ko ang buong mukha ko gamit ang jacket at inayos din ang buhok ko.
Kinuha ko ang phone sa bulsa at doon ko rin na nakapa ang gamit niya. Inilabas ko ang nahawakan ko na phone at umilaw iyon, akala ko akin pero hindi pala. Nanikip ang dibdib ko nang makita ang screen lock wallpaper ng phone ni Rome, it's a picture of me with the triplets. Napakurap ako at mabilis na inabot 'yon sa kanya na hindi siya tinitingnan. Kinuha ko rin ang wallet niya at ibinigay 'yon sa kanya.
Tahimik kong ginalaw ang phone ko at nag-book ng sasakyan. Nang okay na ay nilingon ko siya pero mabilis na lang 'yon. Nasa baba ang tingin niya at mukhang malayo ang iniisip. Binuksan ko ang ang pinto sa side ko at bumaba.
"N-Nikita..." he called my name.
Hindi ko siya pinansin at tumayo na lang sa gilid habang hawak-hawak ang phone.
"I-Ihahatid kita." Narinig kong sabi niya, nakababa na rin pala siya at nasa gilid ko siya.
"No, I can manage. Nakapag-book na ako," pagod kong sambit.
Natahimik na siya, siguro nasa 10 minutes kaming nakatayo roon hanggang sa dumating na ang na-book ko. Mabilis akong sumakay.
"Okay na po, ma'am?" the driver asked.
I nod. "Yes po, Ku—"
Napatingin ako sa harapan, sa passenger seat nang may kumatok sa bintana at bumukas ang pintuan. I saw his head and looked at the driver.
"Sir, please drive my wife home safely."
Napasandal ako sa kinauupuan at mariin na napapikit. He's really drunk, kung ano-ano na ang sinasabi. Hindi ko na sila pinansin hanggang sa maramdaman ko na lang ang pag-andar ng sasakyan. Habang nasa byahe ay hindi na naman maiwasan maisip ang kanina, at hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko.
The next morning, Sam told me na hinahanap ako ni Rome pero sinabi ko sa kanya na sabihin dito na wala ako o 'di kaya ayoko talaga siyang makausap.
I'm so done with him.
My mom was also calling me pero malamig ang pakikitungo ko sa kanya. Alam kong alam din nila ang ginawa ni Rome, halata naman. The way she mentioned Roman's name last time, mukhang kilalang kilala niya ito. All of them lied to me. Siguro alam din 'yon ni Kuya kaya siguro ayaw niya kay Rome. Itinago nila sa akin sa mahabang taon. Hinayaan nila akong malunod sa lalaking 'yon at sa kasinungalingan nila.
It's disgusting. Kahit na maloko ako dati, I promised to give myself to one and only man na mamahalin ko, not like this.
"Have you told your triplets about leaving?" Monti asked after sipping his coffee. He also leaned kaya may nagkaroon ako matitigan ang itsura niya. Sabi niya sa akin puyat siya pero hindi naman halata. Ang aliwalas at gaan pa rin ng itsura niya.
"Hindi pa," I answered him.
Sa mga nagdaan na araw na napag-isip ko na aalis na lang kami. Gusto kong makalayo sa lahat, ayoko silang makita. Sa nagdaan din na araw na 'yon ay inayos ko ang mga kailangan naming apat. Monti helped me kaya mas magiging mabilis, he asked me why but I chose not to tell him. Hindi naman niya ako pinilit, he respects my decision. Buo na ang desisyon ko and no one can change my mind, kahit na ang pamilya ko pa.
Dahil wala akong concrete plans about leaving, he told me na may bahay siya sa Boston. Nahihiya man but I accepted his offer. Boston was his hometown before living here in Philippines. Tutulungan niya rin daw ako makahanap ng work doon, itutuloy ko pa rin naman ang pagsusulat.
"Why? Bibiglain mo?" he asked in a low voice.
Nailing ako. "No, ipapaliwanag ko syempre. Alam kong papa's boy ang mga 'yon pero maiintindihan nila ako." Ngumiti pa ako ng pilit.
"Mukhang mahihirapan ka," sambit niya.
"Tingin mo?"
Tumango siya. Natahimik kaming dalawa at nakatingin lang siya sa akin. I sighed and looked away. Monti held my hand at napatingin ako ro'n. I just wish tables will turn and hindi ako mahirapan sa tatlo.
Dumaan ang nga araw, linggo at dalawang buwan na hindi ko nakikita si Rome. Hindi ko na rin nagawang puntahan sila Mommy sa bahay at pinapasundo ko na lang ang triplets sa driver nila Mommy at pinapasamahan kay Sam kapag papupuntahin ko sa bahay nila.
It was calming actually. Alam kong sobrang nagtataka na sila at sana sinabi na ni Rome ang naging pag-uusap namin no'n. For the past weeks, I focused on myself and my triplets. Hangga't maaari ay hindi talaga ako lumalapit sa mga taong may koneksyon kay Rome. He tried to call me for so many times but I blocked his number. Ganoon din si Irish at hindi ko alam kung bakit, hindi ko sila sinasagot. Kapag pumupunta sila Mommy sa bahay ay todo ang tago ko, buti na lang marunong si Sam na pagtakpan ako. Alam kong mali pero pasensya na.
And for the past weeks, lagi kong kasama si Monti. Hindi ko alam pero na-eenjoy ko kapag kasama siya. With him, it was peaceful. Minsan namamasyal kami kasama ang tatlo, at ang dalawa sa tatlong magkakapatid na 'yon ay nakabusangot. Si Rhysander ay nasanay na sa presensya ni Monti, ang dalawa hindi talaga.
"Thank you," mahinang sambit ko sa staff ng Avila nang abutan ako nito ng yellow highlighter. Naghahanap kasi ako kanina at wala akong makita kaya nagpatulong ako, may mga nakatago pala sa stockroom. Wala kasing yellow doon sa mga nakadisplay. Umalis na ang staff at sa pagtalikod ay nakita kong kaaalis lang ng mga kaninang kausap ni Monti.
I was facing his back and I smiled because he's wearing the polo na ibinigay ni Rhysander, ito talaga ang pumili no'ng bumili kami last week. Gusto niya lang daw bigyan ng gift kasi nag-eenjoy siya kapag nasa bahay minsan si Monti. Nailagay ko ang dalawang kamay sa likod habang naglalakad papunta sa kanya. Nang makalapit ay huminto ako at nanatili sa ganoong pwesto, hindi pa rin naman siya gumagalaw.
Iniangat ko ang kamay para kalabitin siya pero naiwan iyon sa ere nang humarap siya. Halos mabingi ako nang marinig ang mura niya ag bahagya pa siyang napaatras nang makita ako. I was laughing so hard na kahit ang mga staff na naka-aasign sa mga pwesto nila ay nakita kong napatingin sa amin.
"What are you doing?" he asked. Napahawak siya sa dibdib niya na para bang pinapakalma ang sarili mula sa pagkakagulat.
"You should have seen your face!" tukso ko rito at hinampas pa siya sa balikat.
Nailing siya at napatili ako dahil hinigit niya ako para akbayan. "No drive-thru later when we go home."
Nanlaki ang mata ko at napatingala sa kanya. Bago pa ako makapagsalita ay iniwanan niya ako sa pwesto.
"What? No! Monti naman!" pagmamaktol ko at hinabol siya.
Narinig kong sumipol ito habang naglalakad. Nakakainis naman! Promised niya kaya 'yon sa akin! Sa loob ng isang linggo ay tatlong beses niya akong ililibre kapag uwian!
"Come on! I want cheesy chicken burger!" parinig ko sa kanya.
Naglakad siya sa mga bookshelves na andoon at sinundan ko siya. Patuloy pa rin siya sa pagsipol habang pinapaglandas ang kamay sa mga libro na andoon. Habang nakastretch ang isa niyang kamay ay lumusot ako roon at humarap sa kanya. Sa pagharap niya sa akin ay muntikan na ako mawala sa balanse dahil sa gulat, buti na lang ay nasuportahan niya ang bewang ko at napayakap ang dalawa kong kamay sa bewang niya.
"Clumsy," he whispered.
Napatingala ako sa kanya at ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko. Napakapit ang kamay ko sa damit niya sa 'di malamang dahilan.
"M-Monti," I called his name.
"Hmm?"
Napatitig ako sa mapula't nakatikom niyang labi. "Can I kiss you?"
"Why?"
Umiling ako sa kanya pero may dahilan kung bakit. I just want to test myself if I can feel something foreign with him. Monti's a good guy but I noticed something with his gestures when he's with me. Ayokong lagyan ng malisya but hindi ko mapigilan. s**t, what is happening to me?
"I-I don't know..."
"You don't know?" mahina niyang tanong.
Mas humigpit ang kapit ko sa kanya at mas hinigit niya ang katawan ko. Bakit... bakit parang kinikilig ako? Nalukot ang mukha ko at impit na napatili sabag subsob ng mukha ko sa dibdib niya. Narinig ko rin ang t***k ng puso niya.
"You're crazy," natatawa niyang sabi.
Nailing ako sa dibdib niya at hinampas ang likod niya. "Nakakahiya!" halos maiyak-iyak kong sambit.
Natawa lang siya at naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niyang nakahawak kanina sa likod ko sa buhok ko.
"Crush mo ba ako?"
Nanlaki ang mata ko at tiningala siya. "Hoy, neknek mo! Nilalambing lang kita kasi 'yong cheesy chicken burger ko!"
Natatawang napangisi siya at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. "Nilalambing mo ako? But you want to kiss me. Is that a part of your lambing?"
Imbes na lumayo sa kanya ay hinigit ko siya at mas sumubsob sa dibdib niya. Bakit ang bango niya! Dalawang kamay na niya ang nakaakap sa akin.
"Let's just hug. You're too fast, Amber. I'm not yet ready for kiss or any rated spg. We're not even a thing, friends lang tayo."
"Ang kapal! Alam ko!" I exclaimed and pinched his back.
I don't why but I smiled after that. I feel like I went back to being a high school girl having a talk with his campus crush.
"Diyan po nagsimula lolo't lola namin!"
Mabilis akong humiwalay kay Monti nang makarinig ng boses. Sa pagtingin sa harap ay nakita namin ang dalawang staff na parang kinikilig kaya napanguso ko.
"Brokenhearted din ba ang lola't lolo niyo nang magkakilala sila tapos nagkamabutihan hanggang sa nahulog sa isa't isa? Kasi 'to..." Sabay turo sa akin then let out a sexy chuckle. "Brokenhearted. Sa tingin niyo ba may chance na magkatuluyan kami in the future just like your grandpa—"
"Monti! Ano ba!" suway ko rito at hinatak na siya palayo sa dalawang staff na natatawa na.
Nakakahiya at baka matsismis pa kami!