Nineteen

1125 Words
Nikita's Point of View Every heartbreak hurts. It rips your heart into pieces and it will never be an easy experience. And all I can do is to... "Move on," sabi ni Judy.. Tumaas ang kilay ko sa narinig. "Pinagsasabi mo riyan?" Bahagya siyang natawa at nginuso si Monti na busy makipag-usap sa isang lalaki na tumawag sa kanya rito sa resto-bar kung nasaan kami ngayon. Alas-onse na ng gabi kaya medyo rumarami na ang mga tao. Okay lang naman kahit andito kasi maaga akong umuwi kanina sa bahay at sabay kaming nag-dinner ng triplets hanggang sa hinintay ko silang makatulog. Sinundo na lang ako ni Monti sa bahay kaninang 10pm at dumiretso kami rito. Nag-aya kasi si Monti nito kaya isinama niya rin ang ibang staff ng Avila. "Ang lagkit ng tingin mo!" puna niya at tinampal pa niya ang hita ko. Nanlaki ang mata ko. "Excuse me, sa may harapan nila ako nakatingin!" At tinuro ko ang counter bar kung saan may waiter at nagmi-mix ng drinks. "Palusot!" Natawa siya. "Pero nakamove on ka na nga?" dagdag pa niya. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" naiirita kong sambit. "Sa ex-husband mo! Balita ko nga andito rin sila, may kasama pang mga hottie police! Wala ka bang kilala ro'n na single at pwede ireto sa akin? Iyong walang sabit ha!" mahaba niyang litanya. I gasped. "They're here?" She scoffed. "Duh! Hindi mo nakita? Nasa lagpas sampu nga ata sila ngayon dito, eh! Ayon oh!" Sabay turo niya sa likod ko. Mabilis na lumingon ako at nakakita ng mga lalaking nagtatawanan. Hindi ko sila kilala pero mukhang workmate ni Rome. Gumalaw ang mata ko para sipatin ang mga nakaupo sa mesa at nanlaki ang mata ko nang matanaw si Rome na nakatingin din sa akin. Mabilis akong umayos ng upo at kinuha ang baso para uminom ng tubig. Narinig ko ang pagtawa ni Judy. "Huli pero hindi kulong. Ay, hiwalay na pala kayo. Kamusta naman?" mapanukso niyang sambit. Hindi ako sumagot at mas tinukso ako ni Judy ng pagtawa niya. Umirap na lang ako at hindi siya pinansin. It's been months, okay. Last two weeks, ilang beses ko siyang nadadatnan sa bahay dahil sa mga triplets. Ilang beses din siyang nag-attempt na kausapin ako pero hindi niya matuloy at pinaparamdam ko na ayaw ko siya kausapin. Tinatanong din ako ng kambal dahil napansin nila na hindi ko raw pinapansin si Rome kapag nasa bahay ito. Sinasabi ko na lang na wala naman kasi akong sasabihin kaya tahimik ako kapag nasa bahay 'to. "Wait, cr lang ako," paalam ko kay Judy na kumakain pa rin. Tumango naman ito. Kumuha ako ng wipes sa bag ko at mabilis na tumayo para pumunta sa banyo. Habang nasa cubicle ay nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan. Grabe, ang dami kong nainom na tubig! Ayoko uminom ng alak ngayon. Pinapainom nga nila ako pero tumatanggi talaga ako. Kaya hanggang iced tea and water lang ako. Itinapon ko sa trash bin na andoon ang wipes na ginamit at flinush ang toilet bowl. Agad akong lumabas ng cubicle at dumiretso sa may sink para maghugas ng kamay. Sa pag-angat ng tingin at umawang ang labi ko nang makita si Rome na nakasandal sa pader at madilim ang tingin sa akin. "What the... Anong ginagawa mo rito?" mariin kong sambit at saka pinatay ang faucet. Hindi na ako nakapagdry heat ng kamay dahil sa pagkakabigla. "How about you? What are you doing here?" malamig niyang tanong. "Ha? Malamang cr to for girls! What the f**k talaga, Rome!" impit kong sambit sa kanya. "Baliw ka ba?" bulalas ko pa at sinipat ko siya. Napansin ko na namumula na siya pero mukhang hindi pa naman siya lasing. "s**t," natataranta kong sambit nang gumalaw ang door knob. Mukhang may gustong pumasok. Nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Rome ang kamay ko at may ginalaw sa doon saka ako hinila papasok sa unang cubicle na may sign na out of order. "May tao pala," sambit ng boses babae. "Thank you!" sigaw pa no'ng isa. "Baka siguro sumakit ang tiyan kaya sinara muna." Sa lakas ng kabog ng dibdib ko at natahimik ako. Nasa harapan ko si Rome, magkatapat kami. Nakahawak pa rin ang isa niyang kamay sa akin at sobrang lapit namin. Nakasandal ako sa tiles na dingdings ng cubicle. Hindi naman kasi kalakihan ang mga cubicle pero buti na lang ay sagad hanggang lapag ang walls pati ang pintuan. Nahigit ko ang hininga sa pagsubsob ng ulo niya sa leeg ko at ramdam ko ang mabigat na paghinga niya. I want to push him away pero may pumipigil sa akin, kaya hinayaan ko ang sarili na gano'n kalapit sa kanya. Wala akong maramdaman, siguro nga namanhid na talaga ako pagdating sa kanya pero ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Siguro dahil sa kaba na baka may makapansin sa amin. Ang isa niyang kamay ay napunta sa likod ko at hinaplos 'yon pataas-baba saka mas dumikit siya sa akin. Mariin akong napapikit dahil may ibinulong siya. "Y-You're with him, again." "I guess it's none of your business. Matagal naman na tayong hiwalay. I can freely do what I want, right?" I whispered, almost breathless. "But... But why am I hurting, Nikita Amber?" Napayukom ang kamao ko sa sinabi niya. He can't say that, hindi niya dapat maramdaman kasi in the first place, he never fell for me, he never loved me. Care, oo, pero hanggang doon lang. "Guni-guni mo lang 'yan." I tried sounding so funny kaya medyo sinamahan ko ng tawa. "May I just remind you na si Irish ang love mo, okay? Saka iyong mga triplets. I am not your business nor your responsibility anymore. You shouldn't feel that way, Rome." I felt his lips kissed my neck and he pulled me into a tight hug. Hindi madali kalimutan ang isang relasyon at isang pagmamahal sa taong nakasama mo ng ilang taon. My love for him was too deep. Kapag nagmahal tayo nagtitiwala tayo, ayon ang ginawa ko kaya naging ganito kahirap at kasakit. I thought it was perfect, I thought it was fairytale na happy lagi, hindi pala talaga. Wala naman ako sa relasyon para mag laro. Hindi ko siya pinakasalan para paglaruan niya lang ako. I vowed in front of God because I love him and I want to be with him until my last breath. Mahirap kumawala sa pagmamahal na tumagal pero masarap sa pakiramdam kapag nakalaya sa pag-ibig na pinilit lang para magtagal. Pinilit dahil may responsibilidad siya. Pinamukha sa iyo na totoo, kahit hindi naman pala. Sabi nila, kung mahal na mahal moo ang isang tao, kakapit ka kahit masakit— pero kung mas mahal mo ang sarili mo, bibitaw ka kahit masakit. Kasi iyon ang tama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD