June 4, 2023.
NAGPASYA si Angelina na pumunta kina Shaira ng gabi upang doon na matulog. Dahil nagbago ang announcement at ginawang June 5 ang dapat pagpunta sa school. Magkakaroon daw kasi ng opening kaya nagdesisyon siyang dito na rin matulog dahil maaga rin silang aalis.
“Pasensya ka na, maliit lang bahay namin,” wika nito.
“Ayos lang,” wika niya. Hindi siya sanay sa ganoon pero hindi siya nagrereklamo dahil wala rin naman siyang balak matulog.
Kasalukuyan silang nakatambay sa tapat ng bahay nila Shaira, nakaupo sa isang upuang kahoy. Magkatabi sila ngunit hindi sila nag-iimikan. Binuksan niya ang kanyang bag at naglabas ng pera na nakabalot sa papel at inilapag sa hita ni Shaira.
“Oh, ano ’to?” tanong nito.
“Just take it,” wika niya. Binuklat iyon ni Shaira at nagulat sa nakita. Muli nitong ibinalot sa papel at akmang ibabalik sa kanya nang lingunin niya ito.
“Ano ka ba? Hindi mo kailangan gawin ’to,” wika nito.
“Tanggapin mo na, tulong ko ’yan. Alam kong maliit lang kinita mo sa isang linggong pagtatrabaho mo, ipangdagdag mo na ’yan,” wika niya. Pero umiling ito.
“Hindi na, Gel. Ayos lang—”
“I didn't take no as an answer.” Seryosong saad niya at nag-iwas ng tingin. Walang nagawa si Shaira kundi tanggapin iyon.
“Salamat dito, malaking tulong ito kina mama habang wala ako,” saad nito.
“Tss. May pupuntahan lang ako, babalik ako mamayang alas tres ng madaling araw kaya mag-ready ka na dahil aalis na rin tayo no’n,” aniya at tumayo. Napatayo rin ito.
“Saan ka pupunta? Sasama ako,” anito.
“Hindi na, magpahinga ka na lang dahil alam kong pagod ka rin. Kaya ko ang sarili ko,” wika niya.
“S-sige, mag-iingat ka,” wika nito. Hindi siya sumagot at itinaas lang ang kanang kamay saka naglakad papunta sa motor niya. Sumakay siya roon at pinaharurot iyon. Sinundan na lang siya ni Shaira ng tingin hanggang sa makaalis siya.
Dumiretso siya sa sementeryo para dalawin ang ama dahil once na pumasok siya sa Gang Empire, hindi na niya ulit alam kung kailan siya makakadalaw. Nang makarating siya, ipinarada niya ang motor ang lumapit sa puntod ng ama.
“Dad, until now hindi ko pa rin alam kung ano ang nililihim ninyo sa akin ni mommy. Kung bakit ka may tattoo na katulad ng mga taong pumatay sa ‘yo? Sino sila sa buhay mo at bakit ka nila kailangan patayin. Ano ang koneksyon mo sa kanila.” Sa isip niya habang nakatitig sa puntod ng ama.
Biglang humangin ng malakas kaya napapikit siya at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Napabuntonghininga siya at nagmulat ng mata. Napakuyom ang kanyang kamay dahil hanggang ngayon masakit pa rin para sa kanya ang nangyari.
“Kapag nakita ko sila, hindi ako papayag na maging masaya sila. Ipaparamdam ko sa kanila ang lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon,” bulong niya at hinaplos ang lapida ng ama. Humiga siya sa tabi nito at pinagmasdan ang kalangitan. Wala siyang balak matulog dahil hindi rin siya makakatulog sa pag-iisip sa paaralan na papasukan niya.
KINABUKASAN, pagpatak ng alastres ng madaling araw bumalik na siya sa bahay nina Shaira. Saktong pagdating niya roon ay naka-ready na ito, kaya hindi na siya bumaba at hinintay na lang ito sumakay.
“TUlog pa sila mama pero nagpaalam na ako kagabi. Salamat din daw sa pera na binigay mo,” saad nito nang makasakay. Hindi na siya umimik at hinintay lang makakpit si Shaira sa kanya bago niya patakbuhin ang motor.
SAMANTALA, unti-unting nang nagdadatingan ang mga etydyante sa Gang Empire. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang tuwa at excitement kaya naman hindi rin mapigilan mapangiti ni Principal Hera sa kanyang nakikita.
“Makakasaki na naman ako ng gulo sa paaralan na ito,” wika ni Hera.
“Hindi ba natin pipigilan ang mga gulong mangyayari?” tanong ni Kevin sa tabi ni Hera.
“Para saan? Isa naman iyon sa purpose ng school na ito. Isa pa, marami ritong gangster kaya expected na iyon, although gagabaya pa rin ako para hindi masira ang image ng school na ito. Dahil kapag nangyari iyon, pare-pareho tayong malilintikan,” saadni Hera.
Hindi na umimik ang kausap nitong si Kevin at tumingin na lang sa monitor na nasa harap nila kung saan pinagmamasdan ang mga estudyante.
Habang unti-unting lumiliwanag ay unti-unti rin dumadami ang estudyante. Isa-isa na rin dumadating ang mga gangster na kilala roon. Sabay-sabay na pumasok sa malaking gate ang pitong motor na naggagandahang umaabot ang presyo sa daang libo.
Hindi mapigilan na mapahanga ng mga babae sa pitong iyon.
“Mukhang kulang ang Noble Gang,” puna ni Hera nang mapansin ang pagdating mga naka-motor.
“Napansin ko rin po ‘yan,” segunda ni Kevin.
Sunod na pumasok sa loob ang isang sports car na pula at bumaba roon si Jaxon Ace. HIndi mapigilan mapatili ng mga babae dahil sa angking kagwapuhan nito. Samantala, napapaurong naman ang ibang kalalakihan. Ipinarada nio ang sasakyan at agad papunta sa stage.
“The most dangerous gang…” sambit ni Hera at ngumisi. “Malakas talaga ang karisma niyan kahit nakakatakot tingnan,” komento nI Hera.
Iniikot ni Jaxon ang kanyang mata sa buong paligid at blankong ekspresyon lang ang makikita rito.
“Grabe! Ang gwapo niya, ‘no?” komento ng isang babae.
“Oo, kaya pinilit ko talaga rito pumasok dahil sa kanila. Hindi lang siya ang gwapo sa grupo niya,” sagot naman ng isa.
“Talaga? Marami pala tayo inspirasyon dito.”
“Oo kaso hindi mo sila malalapitan basta,” sagot ng isa.
marami pang bulungan ang naririnig nang may puamsok ulit na sasakyan. Anim na naggagandahang kotse ang pumarada at isang itim na van. Bumaba sa anim na kotse ang mga kasamahan ni Jaxon o mas kilala bilang Emperador Gang. At bumaba mula sa itim na van si Mikaela Pascual.
“Babe!’ sigaw nito at patakbong lumapit kay Jaxon.
Ikinawit nito ang kamay sa braso ni Jaxon. Lalong napuno ng bulungan ang school dahil mas lalong dumadami ang estudyante.
“Siya si Mikaela, maganda at mayaman. Kilala raw ‘yan dito sa pagiging mayaman at siya ang girlfriend ni Jaxon. Kapag nakita ka niyang nakadikit kay Jaxon, malalagot ka sa kanya,” sambit ng isang estudyante.
Nappatago na lang ang iba dahil sa biglang intense na naramdaman nang magtapat ang dalawang grupo na matinding magkalaban.
“Sila ang talaga mainit na magkalaban dito. Ang Noble Gang at Emperador Gang,” komento ng isang lalaki.
“Oo, kaya kung gusto maka-graduate ng tahimik, mabuting manahimik ka at huwag makialam sa kanila,” sagot naman ng isa na sinang-ayunan ng ibang nakarinig.
“Mukhang konti na lang ang hihintayin, maghanda ka na dahil mag-uumpisa na rin ako. Puntahan mo ang entrance at alamin mo roon kung ilan pa ang papasok,” sabi ni Hera at tumayo sa kanyang inuupuan.
“Sige po, ma’am,” wika ni Kevin at lumabas sa silid na iyon.
Nag-ayos na rin si Hera para lumabas at salubungin ang mga estudyante, nang mapatingin sa orasan at nakitang alasais na. Sunod ay napasulyap ulit siya sa monitor at napangisi siya nang makita ang sunod na pumasok.
“This is gonna be exciting,” sambit ni Hera bago tuluyang lumabas.
ALASAIS pasado nang dumating sila. Doon niya nakita ang loob ng school at napagtanto niya na pagpasok ng stainless na gate ay may isa pang gate sa loob. Hindi na siya nagmasid masyado at dumiretso na sa loob.
Marami nang estudyante sa stage ang naghihintay roon. Iniikot niya ang tingin sa parking na nasa kaliwang bahagi lang ng stage. Ipaparada niya sana ang motor niya pero hindi siya makahanap ng pwesto dahil sa maling pagparada ng pulang sports car. Kaya pinababa niya si Shaira.
“Grabe, ang cool niya.”
“Oo nga. Mukhang maganda rin kapag inalis ang helmet.”
Naririnig niyang bulungan pero hindi niya pinansin ang mga iyon.
“Kaninong sasakyan ang sports car na ito?” tanong niya sa mahinahon na boses at sakto lang na maririnig ng nasa bukana.
Walang sumagot imbes ay narinig niya ang mga bulungan.
“Sino ‘yan?”
“Mukhang baguhan lang din tulad natin.”
“Oo nga pero mukhang hindi kilala ang Emperador Gang.”
“Baka probinsyana.”
Pagkatapos ay nagtawanan ang mga nakarinig. Nakaramdam siya ng irita kaya bumaba siya ng motor at malakas na tinapik ang sports car. Gumawa iyon ng malakas na ingay na umagaw sa lahat ng estudyante, sa grupo ng Emperador at lalo na kay Jaxon.
“Kanino ang sasakyan na ito?” ulit niya.
Mula sa kumpol na mga estudyyate ay humawi ang mga ito at nagbigay daan sa grupo ng Emperador Gang. Nanlaki ang mga mata ni Shaira at agad lumapit sa kanya ngunit hindi nagsalita.
Napatingin siya sa lalaking nakaitim na tshirt na nakapamulsang nakatitig sa kanya.
‘Who the hell are you?” tanong nito. Napasulyap siya sa babaeng nasa tabi nito bago ibinalik ang tingin sa lalaki. Nagtanggal siya ng helmet para makapagsalita ng maayos.
“Wala kang pakealam kung sino ako. Iayos mo ng parada itong sasakyan mo o kaya alisin mo para hindi makasagabal,” wika niya.
Hindi siya nagpatinag sa titig nito sa kanya. Matapang niya iyong sinalubong. Kaya hinawakan siya ni Shaira sa braso.
“Tama na, Gel. Hanap ka na lang ibang parking. Doon sa likod may space,” bulong ni Shaira pero binawi niya lang ang braso niya.
“Dito ko gustong mag-parking,” wika niya. Ngumisi ito sa kanya.
“Are you deaf? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng kaibigan mo?” tanong nito.
“Ikaw, bingi ka rin ba? Hindi mo rin ba narinig ang sinabi ko?” matapang na sagot niya at muling nakipagsukatan ng tingin.
Bago pa man sila magkainitan ay may lalaking pumagitna sa kanila. “Ooops! Masiyadong maaga para uminit ang ulo. Ako na bahalang mag-ayos ng kotse niya,” sambit nito.
“Tss,” sambit niya at bumalik sa motor. Muli niyang sinulyapan ang lalaki at napansin p rin ang masamang titig nito at naputol lang dahil nagsalita na ang principal at niyaya na rin ito ng babae sa tabi nito.
Ipinarada na rin niya ang kanyang motor nang maalis ang nakaharang na sports car. Saka siya lumapit kay Shaira upang pakinggan ang announcement ng principal.