Chapter 6. Her Invitation Card

2366 Words
KINABUKASAN bibili sana siya ng gamit nang makita siya ni Shaira sa daan. Mukhang may pupuntahan ito pero nang makita siya ay napangiti agad ito. Hindi talaga maiiwasan na magkasalubong sila o magkita dahil nasa iisang barangay lang sila. “Angeeel!” tawag nito at lumapit sa kanya. Napabuntonghininga siya dahil maririndi na naman siya sa kadaldalan nito. Kaya iniwasan niya pero sumunod ito. “Saan ka punta? Samahan kita,” wika nito. Tumigil siya at humarap dito. “I want to be alone. Wala ka bang gagawin sa inyo at naggagala ka?” tanong niya. Ngumiti ito sa kanya at umiling. “Tapos na ako sa gawaing bahay. Maghahanap ako ng extrang trabaho para bago ako pumasok, makakapagbigay pa ako kina mama,” sagot nito. “Then, bakit ka sasama sa akin kung may ibang lakad ka pala?” tanong niya. Naiirita na siya pero pinipigilan niya ang sarili. “Gusto lang kita samahan, baka kasi mapaano ka,” saad nito. Namulsa siya bago sumulyap sa kalangitan at tumingin sa kausap. Nakaramdam siya ng inis doon dahil tila tingin nito sa kanya ay mahina. “I can protect myself, Shaira. Hindi mo ako kailangan samahan at bantayan sa lahat ng oras!” sambit niya. Napapitlag ito at bahagyang napaatras. “S-sorry,” wika nito at napayuko. “Sige, ingat ka na lang kung saan ka pupunta,” dagdag nito nang mag-angat ng tingin habang nakangiti. Hindi siya nagbigay ng kahit ano'ng reaksyon kaya humanga siya sa pagiging positibo nito dahil nakuha pang ngumiti sa kanya kahit masungit siya rito ay pinakikitunguhan pa rin siya nito ng maayos. Pero hindi siya nagpahalata imbes ay naglakad siya at nilampasan niya ito saka tumigil. “Pupunta ako ng mall para bumili ng gamit,” saad niya. Nilingon niya ito nang hindi sumagot. “Akala ko sasama ka?” tanong niya. Nanlaki ang mga mata nito at patakbong lumapit sa kanya. “Oo nga pero bakit ka pa bibili ng gamit?” tanong nito. “Isn’t obvious?” iritableng tanong niya pero tumawa ito. “Chill, naiinis ka na naman. Angel pangalan mo pero lagi kang highblood. Hindi mo na kasi kailangan bumili dahil may libreng gamit at uniform ang school. Kasama iyon sa babayaran mo,” sagot nito. Napatango-tango na lang siya at uuwi na lang sana nang mapatingin siya sa isang motor na pumarada sa kabilang kalsada. At tila may ideyang pumasok sa isip niya habang nakatitig sa motor. “Oh, ano iniisip mo? Type mo ba ’yong lalaki?” tanong nito kaya sinamaan niya ito ng tingin. “What? I am not looking that guy. I’m looking his motorcycle,” sagot niya. Nanlaki ang mga mata nitong tumingin sa kanya. “Hala? Bibili ka ng motor?” tanong nito. Tumingin siya rito at ngumisi. “Why not?” sagot niya at mabilis pumara ng jeep na agad sinundan ni Shaira. Isa iyon sa pinag-aralan niya noong nasa probinsya siya na mabilis naman niyang natutuhan. Kaya bibili siya para may magamit siya sa pagpasok. MABILIS lumipas ang mga araw at ngayon ay huling linggo na ng Mayo, next week ay pasukan na nila. At papunta na sila sa Gang Empire upang kunin ang copy ng invitation ticket niya. Hindi na siya tumanggi na samahan siya nito dahil pumayag na rin naman siya. “May kalayuan ’yon, gagamitin mo ba motor mo?” tanong nito sa kanya. “Oo,” maikling sagot niya at sumakay sa Yamaha YZF R15, ang motor na nabili niya. Kulay itim ito na terno sa nakahiligan niyang kulay. Tumingin siya kay Shaira nang mapansin na hindi pa ito umaangkas. “What? Sasama ka ba o hindi?” iritang tanong niya. “Ah, eh…” Napansin niyang namutla ito at bigla niyang naisip ang huling sakay nito sa kanya noong nag-mall sila. Halos mangiyak itong bumaba dahil sa pagpapatakbo niya. Pero para sa kanya ay mabagal pa iyon. “Bagalan mo lang takbo, ah?” wika nito. “Mabagal na ’yon, Shai,” wika niya. Hindi na ito umimik at napadasal pa bago sumakay. Napailing siya nang yumakap ito ng mahigpit sa kanya. “Ayokong mahulog kaya gantong kapit gagawin ko,” sambit nito. “Whatever!” imik niya at pinaharurot ang sasakyan. Napapikit si Shaira sa ginawa niya at tila pakiramdam nito ay naiwan ang kaluluwa pero hindi nito magawang magreklamo. Pero unti-unti niyang binagalan para itanong kay Shaira kung saan ang daan at itinuro naman nito. Habang nasa biyahe sila napapaisip siya. Dahil tila nasa parteng gubat ang school na iyon. Dahil ang dinadaanan nila ay puro puno at naglalakihang talahib ang nakikita niya. May dalawang oras din sila bumyahe bago makarating doon. “Tigil mo sa tapat ng mataas na pader na ’yan,” wika nito nang may makita silang mataas na pader. Kahit nagtataka ay itinigil niya iyon at bumaba sila. “Grabe ka talaga magpatakbo, Gel,” daing nito nang makababa. Hindi siya sumagot ang tiningnan ang kasama. Napaupo ito habang kunwaring umiiyak. “Tss. Mabagal na ’yon,” sagot niya. Hindi ito umiyak kaya lumapit siya. “Sadya ba talagang dito ang daan papunta rito? Wala bang shortcut na daan?” tanong niya. Tumayo si Shaira at tumingin sa kanya. “Oo at walang ibang daan dito, ito lang talaga. Wala rin bumabyahe papunta rito dahil dulo na ito at tila abandunado nang daan. Pero kung mayroon man, syempre babayad ka ng malaki,” wika nito. Napatango siya at napatingin siya sa malaking tarangkahan at nagtataasang pader. At hindi niya lubos maisip kung paano ito naging eskwelahan. Hindi ito katulad ng ibang eskwelahan na madalas niyang makita. Nakakapagtakang dito ito itinayo at hindi sa public place na maraming tao. “Halika na, naroon ang gate,” tawag ni Shaira at itinuro ang gate. Natanaw naman niya agad iyon kaya naglakad ito palapit doon. Hindi muna siya sumunod at lumingon muna siya sa kapaligiran. Puro puno, damo at talahib lang ang nakikita sa labas, kaya napapaisip siya kung ano ang itsura sa loob. ’Ano’ng klaseng school ’to? May matutuklasan kaya ako sa paaralan na ’to? Pero medyo weird lang pakiramdam ko rito at tila may humihila sa akin para mag-aral dito.’ Sa isip niya. Dahil ayaw niyang mag-aksaya ng oras sa wala pero ayaw rin niyang balewalain ang gut feeling na nararamdaman niya. Napansin niyang may malaking graffiti rin sa pader na bungo. Katulad ng design na nakita niya sa website ng school. Pula rin ang kulay nito. Pero nagtataka siya kung bakit wala ang pangalan ng school na iyon. “Gel, halika na!” sigaw ni Shaira. Napalingon siya at kinawayan siya nito. Namulsa siyang naglakad palapit doon. Nang makalapit sila ay bumungad ang mataas na tarangkahan na gawa sa steel at kulay black ito. Napansin din niya na walang nakasulat na pangalan ng school. Lalo siyang kinain ng kanyang kuryosidad ngunit hindi siya umimik at tahimik lang na nagmamasid. Nakita niya ang maliit na gate na bukas at naglakad sila palapit doon. Pagtapat nila roon, akala niya papasok pa sila pero tumigil lang sa b****a nito. May isang lalaki roon na nakaupo habang may mesa na pang-teacher sa tapat nito. “Hello, Kuya guard. May invitation siyang natanggap, kukuha kami ng copy ng invitation,” sambit ni Shaira. Sumulyap siya sa tinawag nitong guard at hindi niya naisip na guard ito dahil hindi naman mababakas sa mukha nito. Dahil hindi maipagkakaila na may itsura ang lalaking ito Nakatingin ito sa kanya kaya matapang niyang sinalubong ang titig nito. Hanggang sa ito ang unang bumitaw sa titig at bumaling kay Shaira. “Nasaan ang patunay?” tanong nito. dahil doon nilingon siya ni Shaira kaya kinuha niya ang cellphone at ipinakita ang kopya. Tumango ito at may kinuha sa drawer ng mesa. Naglabas siya ng tumpok na card na katulad ng kay Shaira at tila hinahanap ang pangalan niya. napatitig siya sa tumpok na card at napaisip na ganoon pala talaga karami ang gustong mag-aral sa school na iyon. Lalo tuloy siyang na-curious kung ano’ng mayroon sa loob. Napansin niyang may inangat itong isang card at tiningnan iyon. “Angelina Del Valle…” sambit nito habang nakatingin sa kanya saka inilapag iyon sa tapat niya. Sinalubong niya tingin nito habang dinadampot ang card. Habang tahimik lang na nakatingin sa kanila si Shaira. “You don’t need to say my full name,” wika niya. Dahil pansin niyang iba ito tumingin sa kanya. “Parang narinig ko na kasi ang pangalan na ‘yan somewhere. And you must be the daughter of former Mayor Aries Del Valle?” wika nito. Nakaramdam siya ng inis dahil ipinaalala pa nito ang nakaraan ngunit hindi siya nagpahalata. Ngumisi siya bago ito sagutin. “Pasensya ka na, pero hindi ako ang tinutukoy mo.” Seryoso itong tumitig sa kanya at hindi rin siya nagpatinag sa titig. “Magkano ang babayaran niya? two hundred pa rin ba?” singit ni Shaira nang mapansin nito na tila iba na ang timpla niya. Umiwas ng tingin ang lalaki sa kanya at tumingin kay Shaira. “Three hundred thousand,” sagot nito. “Ha? Tumaas na agad ng one hundred thousand?” reaksyon nito. Hindi siya nagsalita o nagulat sa presyo bagkus kumuha lang ng pera sa bag niya at inilpag ang pera sa mesa. “Wow! Cash! Looks like you're from elite family,” sambit nito at ngumiti. Hindi niya ito tinapunan ng tingin kundi bumaling sa kasama. “Halika na, Shai,” tawag niya at tumalikod pero bago pa man siya maakalis ay nagsalita ulit ang lalaki. “Will wait you here, Miss Del Valle,” wika nito. Hindi siya sumagot at hinila na lang kasama. “Grabe, ang yaman mo pala. Isipin mo, sa mahal no’n hindi ko ’yon afford kaya swerte talagang pumasa ako sa free ticket,” sambit ni Shaira. “Let’s go,” aniya at sumakay sa kanyang motor. Tumingin siya ulit doon sa lalaki bago sulyapan si Shaira. “Guard ba talaga ang lalaking ’yon?” tanong niya. “Hindi ko alam, siya kasi nakaupo roon kaya tinawag kong guard,” sagot nito at tumawa. “Last year kasi siya rin nandyan na nagbibigay ng invitation card or ticket at tumatanggap ng bayad, kaya inisip kong guard siya. Isa pa, hindi naman siya nag-react kanina,” dagdag nito. Napaisip siya sa sinabi nito dahil tama naman. Hindi na siya ulit nagtanong dahil sumakay na rin ito sa motor. Hindi niya alam pero iba pakiramdam niya sa lalaking iyon. Parang hindi lang iyon basta guwardya. NAGPASYA na siyang ihatid si Shaira sa pupuntahan nito dahil nga maghahanap pa ito ng extrang trabaho. Nagpahatid ito sa isang maliit na karinderya. “Dito na lang ako, magkita na lang ulit tayo sa June 4 dahil dapat nandon na tayo nang araw na ’yan. Salamat sa paghatid at mag-ingat ka,” wika nito. Tumango siya. “Susunduin na lang kita sa inyo sa araw na ’yan. Just send me your address. Good luck diyan,” sagot niya. Ngumiti at tumango lang ito kaya umalis na rin siya. Isasabay na niya ito dahil malayo ang school na iyon. Kung mamamasahe ito ay talagang mapapamahal dahil wala rin bumabyahe papunta sa lugar na ’yon. Dumiretso agad siya sa apartment niya at pumasok sa kwarto. Inilapag niya ang kanyang bag at kinuha ang idinikit sa pader na dragon. Kinuha rin niya ang mahahalagang gamit na kailangan niya na dadalhin sa school. At nang matapos na siya ay biglang nag-text si Shaira sa kanya. Text Message: Dala ka damit, ha? May mga kwarto kasi roon at doon na tayo matutulog at titira habang nag-aaral sa gang empire. Basa niya at tila sakop iyon ng perang ibinayad niya. Hindi siya nag-reply at nag-ayos na lang ng mga damit na madadala. Nang matapos siya ay humiga siya. “Ano kaya ang matutuklasan ko sa lugar na ’yon. Pakiramdam ko, may malaking parte iyon sa pagkatao ko at doon ko lang din makukuha ang sagot na gusto ko,” sambit niya sa sarili at napabuntonghininga. Pumikit siya at muli na namang naisip ang magulang. Pero hindi siya umiyak sa pagkakataong iyon. Kahit namimiss na niya ang mga ito. Kaya para maibsan ang lungkot, bumangon siya at kinuha ang cellphone para tawagan ang kanyang Nanay Lupe. Dahil namimiss na rin niya ito. SAMANTALA masaya ang principal ng Gang Empire dahil sa mas maraming nag-enroll ngayong taon. Dahil mayroon na rin grade 12th at grade 11th. Mas malaki ang kikitain nila dahil may ibang handang magbayad ng malaki para makapasok sa paaralang iyon. Kapag ganitong palapit na ang pasukan, hinahandan na nila ang silid-aralan at kwarto para sa mga estudyante. Hinahanda rin nila ang mga VIP rooms, ito iyong mga kwarto na nagbabayad ng doble para sa vip treatment. At pabor na pabor iyon sa kanila dahil mas malaki ang papasok na pera sa kanila. Kinuha ng principal ang kanyang cellphone at may tinawagan. Mabilis naman sumagot ang tinawagan niya. “Hello, ma'am.” “Ano na ang balita riyan, Kevin? Sa mga kumukuha ng invitation card and ticket, wala na ba?” tanong nito. “Maayos naman po, paubos na po ang lahat ng kopya. Maraming newbie ngayon at mayroon din nagbayad ng cash,” sagot ng lalaki. “Really, that's good. May huling batch pa ng enrollees ang kukuha ng mga card at ipahahatid ko na lang ang mga ito sa ’yo,” saad nito. “Sige po, ma'am. Kailan po ba magsasara ang enrollment registration?” usisa ng lalaki. “Sa June 1, sumobra na tayo sa target nating estudyante pero ayos lang. Malaki at malawak naman ito kaya tiyak akong kasya silang lahat dito,” sagot nito. “Ganoon po ba? Sige po, ipahahatid ko na lang din po ang pera sa inyo.” “Okay pero mag-cut off ka ng pagbibigay ng tickets and cards ng alas dos dahil kailangan iayos ang stage para sa welcome party ng mga bagong estudyante,” anito at ngumisi. “Masusunod, ma'am,” wika ng lalaki. Hindi na siya sumagot at pinatay na ang tawag. “Kakaibang excitement na naman ang masasaksihan ko. Pero mas special ang taong ito dahil sa mga bagong panauhin,” wika niya bago sumandal sa kanyang upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD