Chapter 5

3019 Words
Month of May, 2023. EXACTLY ONE YEAR AGO, simula nang mangyari ang trahedya sa pamilya nila. Ang pagkasira ng masayang pamumuhay nila. Ang pagkawala ng kanyang ina at ang pagkamatay ng kanyang ama. Nakatayo siya sa harapan ng puntod ng ama. Pagbalik niya ng Manila, ito agad ang inasikaso niya. Hindi siya umuwi sa dating bahay nila, bagkus nagtanong-tanong siya sa mga tao roon. At akahinga siya ng maluwag nang malaman kay Mang Isidro na may mga taong nagmalasakit sa ama na ipalibing ito. At ginawan ng paraan na sa magandang libingan ito mailibing. “Condolences, hija. Nalungkot kami sa nangyari pero wala kaming magawa. Kinausap kami ng mga pulis pero hindi kami nakapagbigay ng maayos na statement tungkol sa mga susupek. Nakamaskara kasi sila noong araw na iyon kaya wala rin nangyari sa imbestigasyon. Bago wala rin kayong pamilya niya kaya halos nakalimutan na rin ang kaso. Kaya ako na ang nagpresinta na kumuha sa bangkay niya para ipalibing. Nagtulong-tulong kaming lahat para maipalibing siya rito,” wika ni Isidro sa kanya. Napakuyom ang kamao niya sa galit pero hindi niya iyon ipinahalata sa kasama. “Salamat po sa ginawa ninyong ito. Akala ko hindi ko siya madadalaw rito,” wika niya. Hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon kay Isidro. “Wala iyon, hija. Malaki ang natulong sa amin ng iyong pamilya kaya wala lang itong ginawa namin para sa kanya,” sagot nito. “Hindi ko po inasahan na susuklian ninyo kami ng kabutihan. Dahil ang pagtulong nina mom at dad ay hindi sila humihingi ng kapalit,” aniya. “Alam namin iyon. Pero tumatak sa amin ang mga kabutihan ninyo,” sagot nito. Hindi na siya umimik pero bigla niyang naisip ang ina kaya lumingon siya sa matanda. “Kay mommy po, ano pong nabalitaan ninyo?” tanong niya. “Wala, hija. Akala namin magkasama kayong tumakas dahil nang dumating ang mga pulis, wala nang tao sa bahay ninyo. Ibig sabihin, nawawala si Madam Lorena?” tanong nito. Tanging pagtango lang ang sagot niya. “Sana matagpuan mo na siya at sana ligtas siya kung nasaan man siya. Nakikiramay ulit ako. Aalis na rin ako dahil may trabaho pa ako. Basta kung may kailangan ka, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin at hindi kita pahihindian,” wika nito. Maikli siyang ngumiti. “Salamat po, Mang Isidro. Sana po walang ibang makaalam na bumalik ako,” wika niya. “Sige, hija. Makakaasa ka,” sagot nito. Tumango lang siya kaya tinalikuran na siya nito saka umalis. Nang maiwan siyang mag-isa ay umupo siya sa tapat ng puntod at hinaplos ang lapida. “Dad…” tawag niya sa malungkot. Inilapag niya ang bulaklak sa tabi nito. “Its been a year since you died pero sariwa pa rin sa akin lahat at hindi ko pa rin alam kung bakit nila ito ginawa sa ’yo. Kung sino ba ang mga taong iyon. Nawawala pa si mommy. Dad, ang saya natin noon pero sa isang iglap bigla kang nawala. Biglang nasira ang lahat,” wika niya at tinitigan ang pangalan ng ama. “Dad, masaya ako kasi hindi ka nakalimutan ng mga taong tinulungan mo. Kahit papaano gumaan ang loob ko. Pero sana maintindihan ninyo ako kung talikuran ko ang nakagawian nating pagtulong. Kung kailangan kong pagdudahan lahat ng tao dahil sa nangyari. At sana gabayan mo ako sa paghahanap ko kay mommy. Dahil, pangako, hahanapin ko siya at mabubuo kami dahil alam kong magiging masaya ka kapag nagkasama kami,” wika niya at tumayo. “Sige po, aalis na ako. Dadalaw na lang po ulit ako sa susunod,” sambit niya at muli pang pinagmasdan ang lapida bago tuluyang umalis. NAGPUNTA siya sa isang park habang umiinom ng soft drink. Pinag-iisipan niya kung paanong hakbang ang gagawin niya. Kung saan siya mag-uumpisa sa paghahanap. May sapat naman siyang pera dahil pinadalhan siya ni Lupe ng pera bago umalis. At gagamitin niya iyon para ipambili ng pagkain at ipambayad sa renta ng bahay. Ayaw niyang bumalik sa dati nilang bahay dahil malulungkot lang siya. “Saan ako magsisimula? Saan ko mahahanap ang mga taong may tattoo?” bulong niya habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa park. Dahil akala niya magiging madali ang paghahanap niya pero tila ngayong nakabalik na siya. Tila nangangampa siya ng karayom sa dilim. “Pero hindi iyon dahilan para sumuko ako. Hahanapin ko sila kahit saan ako makarating,” bulong niya at tumayo. Itinapon din niya ang plastic ng soft drink na ininom niya. Sa ngayon, maghahanap muna siya ng bahay na uupahan para may matuluyan siya. Kahit kilala ang pamilya nila, ay hindi siya madaling makilala ng mga tao. Dahil maikli na ang buhok niya, binago na rin niya ang pananamit niya. Nakahiligan na rin niya ang mga jeans at black color kaya pati ang kanyang labi ay black din ang lipstick. Walang mag-iisip na siya si Angelina at mas gusto niya ’yon dahil ayaw niya ng atensyon. Mabilis siya nakahanap ng apartment na sakto lang para sa kanya. Malayo ito sa dati nilang bahay at malapit sa paaralan. Para sa susunod na pasukan, hindi na siya mamasahe pa. Public ang pinili niya dahil gusto niyang subukan ang kakaibang environment. Kinagabihan, nag-order lang siya ng fast food dahil ayaw niyang magluto. May mga kailangan kasi siyang asikasuhin. Pumasok siya sa kwarto dala ang pagkain. Inilapag niya iyon sa kama at kinuha niya ang kanyang bag. Inilabas niya ang mga laman no’n. Mga documents niya, pera at mahahalagang bagay sa kanya. Naroon din ang keychain na binigay niya sa daddy niya. Kinuha niya iyon at isinabit sa zipper ng bag. “This would be my lucky charm. Para kahit paano, maramdaman kong kasama ko si daddy,” wika niya at binitiwan iyon. Nagawi ang tingin niya sa notebook kung saan naroon ang dragon. Hindi ito ang tattoo na nakita niya noon pero ito rin ang nagpapaalala ng mga nangyari. Kinuha niya iyon at pinilas saka ginupit sunod sa korte nitong dragon at idinikit sa isang bond paper. “Ikaw ang magdadala sa akin sa mga taong hinahanap ko,” wika niya nang idikit ang bond paper sa pader. Iyon lang ang tanging palatandaan niya sa mga suspek kaya hindi niya alam kung paano mag-uumpisa. Pero biglang nag-sink sa utak niya ang tattoo na nakita niya sa daddy niya. May cross iyong dragon at naka-indicate ang birth year ng kanyang ama. Kaya lumapit siya sa pader at nilagyan ng cross ang dragon saka naglagay ng year. ‘Ibig sabihin, ang mga miyembro ng grupong iyon ang pwedeng mag may-ari ng tattoo. Pero sino sila at ano ang koneksyon nila kay dad?’ Sa isip niya. Kumagat siya sa burger na hawak niya at tinitigan iyon. Pero kahit ano ang pag-iisip na gawin niya, hindi niya makuha ang sagot. Kaya naupo siya sa kama at tumingin sa labas ng bintana. ‘Dad, naguguluhan na ako…’ Sa isip niya. Pumikit siya at nagpakawala ng buntonghininga saka tumayo para uminom ng tubig. Para mamaya ay magpapahinga na lang siya. Sapagkat sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip pero wala siyang sagot na makuha. SAMANTALA malungkot na nakatanaw si Jane sa dating bahay ng kaibigan. Isang taon na ang lumipas mula nang huling makasama ang kaibigan at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita rito. Namimiss na niya ito pero wala siyang magawa. Hindi siya mayaman para bumyahe at hanapin ang kaibigan. Ang tanging nagagawa na lang niya ay magdasal na sana ligtas ito at magkita na ulit sila. SA KABILANG Banda naman, isang paaralan ang muling magbubukas sa pasukan. Isa itong private school at pili lang ang mga makakapasok. Mga mayayaman na may kakayahang magbayad ng tuition, mga taong makatatanggap ng invitation entry card at magbibigay rin sila ng examination para libreng makapag-aral doon. Isang taon na simula nang buksan ito. Ito ay ang Prestigious Gang Empire High School for Senior High. Kahit mahal ang tuition ay marami pa rin ang pumapasok dito pero limitado lang ang nakakapasok sa loob. Dahil hindi rin ito basta private school lang. AFTER ONE WEEK Sa paghahanap ni Angel tila walang nangyayari sa ginagawa niya. Para lang siyang naghahanap sa wala. Gusto niyang bago mag-umpisa ang klase ay magkaroon na siya ng lead kaya hindi muna siya nag-e-enroll. Ginugugol niya ang oras at araw niya sa paghahanap. Kaya naupo siya para sana magpahinga nang may makabungguan siya. Natapon ang hawak niya pagkain dahil sa lakas ng pwersa. Hindi na siya nag-abalang pulutin iyon pero napansin niyang may nahulog na pulang card sa babae. Gang Empire Nakita niyang nakasulat sa card. “Hey, sorry, hindi kita napansin kasi hinahanap ko sa bag itong card ko,” sambit nito. “Its okay, kasalanan ko rin,” maikling sagot niya. “Kaso natapon pagkain mo, palitan ko na lang. Saan mo ba—” “No thanks,” wika niya at tumalikod pero hinarang siya nito. “Okay lang, may pera pa naman ako. Nakakahiya lang talaga,” saad nito. Naiirita siya dahil masiyadong maingay at madaldal ang babaeng ito. Pero dahil ayaw niyang makipagtalo at magsalita pa, pumayag na lang siya. Dahil naisip niyang baka matulungan siya nito. “Ikaw ang bahala,” sagot niya at naglakad na ulit. “Ayos! Sige, doon tayo sa upuan, hintayin mo ako at bibilihan kita nito,” wika nito at saka umalis. Marahil ay bibili na ito kaya nagpunta siya sa upuan na itinuro nito. Hindi nagtagal ay bumalik ito dala ang pagkain na katulad ng binili niya at may kasama pang inumin na nasa cup at buko juice iyon. Inilapag nito sa upuan iyon nang biglang mataranta. “Hala! Iyong free card ko! Teka, babalikan ko lang,” sabi nito at kumaripas ng takbo. Napakunot ang kanyang noo sa pagtataka pero hindi na lang niya pinansin at nagsimula nang kumain. Mayamaya ay bumalik na ito at hingal na hingal habang yakap iyong pulang card na nakita niya. Umupo ito sa bench habang nasa gitna ang pagkain nila. “Grabe! Kinabahan ko, akala ko nawala. Mahirap pa namang mawala ito, libre pa naman, kapag nawala ito hindi ko afford tuition nito,” wika nito habang pinapagpag ang card. “By the way, I am Shaira Diaz. Seventeenth years old. Mukhang bago ka lang dito, ngayon lang kita nakita rito,” sambit nito. “Angel,” matipid niyang sagot saka uminom ng buko juice, pero napansin niyang ipina-plastic nito ang card na hawak nito kaya hindi na niya napigilan magsalita. “Hindi naman iyan ginto para pahalagahan mo ng ganiyan.” “Uy, sayang, mahal makapasok dito kung wala ako nito,” sagot nito at ipinakita sa kanya ang card. Dahil doon nabasa niya ang nakasulat. Congratulations, Shaira Diaz! You are passed for the free tuition examination at the Prestigious Gang Empire. See you on the first class of the school year 2023-2024. “May pangalan ko pa ito para malaman na akin talaga ito,” nakangiting sagot nito. “Para saan ba 'yan at saan galing ’yan?” tanong niya. Napatingin ito sa hawak nito. “Ito? Sa Gang Empire, it's a prestigious school. Nag-exam lang ako para makapasok ng walang binabayaran. It's limited kaya nakipag-unahan talaga ako kasi maganda ang school na ito. Private at mahal tuition kaya swerteng nakapasok ulit ako,” sambit nito. “Gang Empire?” Nakakunot noo niyang tanong. Dahil ngayon lang siya nakarinig ng ganoong paaralan. “Oo, hindi ka pamilyar? Sabagay, last year lang kasi ito binuksan. Pero hindi rin ito basta private school lang. Dahil karamihan din na pumapasok dito ay mga gangster. Nakakatakot pero nasa sa ’yo na lang kung makikialam ka sa kanila. Though, nasa grade 12th na ako kaya konting tiis na lang ang gagawin ko,” wika nito. Umagaw ng atensyon niya ang sinabi nitong gangster kaya nagka-interes siya sa kwento nito. Tila nagkaroon ng pakinabang ang kadaldalan nito at naging maganda iyon sa tenga niya. “May mga gangster?” tanong niya. “Oo, sila iyong mga grupo-grupo sa loob ng school. Nakaka-intimidate sila tingnan at kasama kaya ikaw na lang ang iiwas. Nag-aaway sila at kung sino manalo iyon ang parang katatakutan ng lahat. Kaya ako tahimik lang kapag nasa school, mahirap nang mapag-trip-an ng mga iyon dahil masisira talaga pangarap mong makapagtapos sa school na iyon,” kwento nito. Napatango siya at napagtanto na gusto niyang doon mag-aral. ’Possible kaya na naroon ang mga hinahanap ko o may malalaman ako sa paaralan na iyon? Pakiramdam ko, may parte sa akin na may makukuha akong sagot doon.’ Sa isip niya habang nakatingin kay Shaira. At wala naman mawawala kung magbabakasali siya, since hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa, kaya susubok siya roon. “How to get in there?” tanong niya. “Gusto kong pumasok diyan,” seryosong wika niya. “Ha? Sigurado ka? Hindi ka natatakot sa mga gangster na makakasalamuha mo roon?” tanong nito. “Yes. Ikaw nga hindi natakot, ’di ba?” simpleng sagot niya. “Ay, oo nga ’no,” saad nito at tumawa. Naalala niya tuloy ang kaibigan niyang si Jane, dahil huling kita niya rito ay last year pa. Pero wala siyang balak puntahan ito kahit alam niya ang bahay dahil ayaw niyang madamay ito. Baka kasi malaman na malapit ito sa kanya at maging ito ay patayin din. “Kaso hindi ganoon kadali makapasok doon,” sambit nito kaya natauhan siya. “Bakit? Kahit mahal ang tuition willing akong magbayad,” sagot niya. “Limitado lang kasi ang pinapapasok doon, parang kapag na-reached na iyong estudyanteng mag-aaral, iko-close na nila ang enrollment registration. Pero, kung gusto mo talaga, subukan mo na rin,” wika nito. Tumango siya. Gagawin niya lahat para makapasok sa paaralang iyon. “Teka, send ko sa ’yo link,” wika nito. Ibinigay niya ang pangalan niya sa social media at agad niyang natanggap ang link. “Click mo ’yang link tapos mag-register ka muna. After mo mag-register, saka mo malalaman kung makakapasok ka. Kasi nagbibigay sila ng form na fi-fill up-an mo para magbayad o kaya naman kusang may magse-send sa ’yo ng invitation ticket card. Kapag iyon natanggap mo, madali na lang, fill up ka lang ng personal information mo then ia-approve na iyon. Puno na kasi ang free card kaya wala na iyon,” wika nito. Tumango siya at agad pinindot ang link. Dinala siya nito sa isang website. Kulay red and black ang website na may bungo. Website pa lang, matatakot ka na kung mahina loob mo. “Medyo nakaka-goosebump lang iyong website pero promise, worth it ang school na iyan,” wika nito. At pasimple siyang nag-agree roon. Napapaisip tuloy siya na ano kaya ang nasa utak ng nakaimbento nito. Masyadong maraming alam para magpatayo ng ganitong eskwelahan at iniisip din niya kung ano ang purpose nito. “What do you their purpose to build this kind of school?” tanong niya habang naghihintay na mag-loading. “Syempre, pera. Sa mahal ng tuition niyan, impossibleng hindi agad yumaman may ari niyan,” wika nito. Napaisip siya. May point din naman ito. “Do you know who the owner is?” tanong niya ulit. “Hindi. Hindi naman ipinakilala noon. Pero sabi makikilala rin daw soon, naghihintay lang daw ng tamang oras,” wika nito. Hindi na siya nakasagot dahil tapos na mag-loading. Lumabas doon ang kailangan niyang i-fill up. Mabilis niyang ginawa iyon. Pagkatapos ay inilapag niya ang cellphone. Saktong paglapag niya, nag-vibrate ito. Bago niya madampot ay nakita na ni Shaira. “Wow! Ang bilis ng reply sa ’yo. Usually it takes seven days bago mag-reply ’yan. Ano binigay?” usisa nito. Tiningnan niya at binasa. “You are invited to join the Prestigious Gang Empire High School for the school year 2023-2024,” pagbasa niya. Nanlaki ang mga mata nito. “Oh My God! Ang swerte mo naman! Invitation agad, grabe,” reaksyon nito. Pero nagtaka siya kung paano siya magkakaroon ng card na katulad ng kay Shaira. “Paano ako magkakaroon ng copy ng card na tulad ng sa ’yo,” aniya. “Pupuntahan natin ang school. Ipapakita mo ’yang na-recieved mo kaya saved mo, ah. Tapos magbabayad ka lang then matatanggap mo na ang invitation card,” anito. Napatango siya. “Mabilis lang pala,” wika niya. “Huy, hindi. Swertehan lang makakuha ng invitation card. Binibigay lang ’yan sa mga may potential. Siguro may nakita sila sa ’yo,” sabi nito. “Isa pa, baka mas maraming estudyante ang tatanggapin ngayon kasi may grade 11 na rin na papasok. Mas madami na kaya tiyak na mas magulo. Lalo na kung may mga bagong group of gangster na papasok,” dagdag nito. “Wala naman akong pake sa kanila, may hahanapin lang ako kaya ako papasok dito,” sagot niya. ’Dahil hindi naman ako makikigulo sa mga gangster na 'yon. May iba akong pakay kaya hindi ko sila pag-aaksayahan ng panahon.’ Sa isip niya saka tumayo. Napatingin sa kanya si Shaira. “I have to go. Anyway, thanks for helping me. Send me the address of that school, ako na lang ang pupunta mag-isa,” sambit niya at tumalikod. Aalis na sana siya pero hinarang siya nito. “Sandali. Akala ko magkaibigan na tayo? Okay lang naman sa akin na samahan ka,” wika niya. “I don't need a friend. Sorry,” wika niya at nalungkot ito. “Wala kasi akong kaibigan sa school. Akala ko ikaw na magiging friend ko pero—” “Tsss. Oo na, just don't give me that look,” wika niya at umalis na. Napasigaw ito at agad sumunod sa kanya. “Yehey! Thank you, Gel!” wika nito. “Shh.. quiet,” sita niya pero tumawa ito. “Pansin kong mukha kang masungit at nakaka-intimidate pero mukhang mabait ka rin naman,” sabi nito pero hindi na siya sumagot at mas binilisan pa ang lakad. Ayaw niya lang ng sagabal sa plano niya pero hindi niya matanggihan dahil naalala niya rin dito ang kaibigang si Jane, ngunit hindi pa rin siya magtitiwala rito dahil hindi niya naman alam ang background ni Shaira. Lalo na at alam niyang nasa panganib pa rin ang buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD