Katatapos lang ni Angel magsampay ng mga undergarments niya at balak sanang humiga nang makarinig siya ng katok sa kanyang pinto kaya tumayo siya upang buksan iyon. Pagbukas niya ay nakita niya si Shaira kasama ang isa sa member ng emperador gang. Si Nick. “Hi, sorry kung naabala kita,” wika ni Shaira sa kanya at nilingon ang kasama. “Pakipasok na lang sa loob,” saad nito. Tumalima naman agad si Nick kaya nilakihan niya ang bukas ng pinto. Pumasok ito at sumunod si Shaira. “Salamat, N-Nick,” sambit ni Shaira. Nananatili siyang nakatayo sa tabi ng pinto habang nakahawak ang isang kamay roon at pinagmamasdan ang dalawang tao sa harap. “It’s nothing, kukunin pa ang dalawang kahon sa baba,” sagot ni Nick. Tumango si Shaira at ngumiti. Nilingon siya ni Nick at tiningnan lang niya ito hang

