Chapter 6

1295 Words
ANDROMEDA BUKAS na ang birthday ni Governor at hanggang ngayon ay wala pa akong susuotin. Nagpasya na lang akong magbihis para pumunta ng Bayan at doon maghanap. Lumabas ako ng bahay na simpleng pantalon at t-shirt lang ang sout. Nang malapit na ako sa kawayang gate ay nasipatan ko agad si Gilleon na nakatayo na para bang may hinihintay. "Meda!" Nakangiti ang loko dahilan para humalukipkip ako at magtaas ng isang kilay. "Anong ginagawa mo dito?" "Hinihintay kita para sabay na tayong pumunta ng bayan—" "At sinong tsismosa nagsabi sa 'yo na luluwas ako? Si Starla 'no?" Matalim akong lumingon sa kapatid kong nagsasampay ng damit. Ngumiwi lang siya at nagmamadali na pumasok ng bahay. Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang sumama sa akin. Nang may dumaan na tricycle ay agad ko iyong pinara saka sumakay. Matangkad si Gil kaya animo'y sardinas siya na nagpupumilit sa maliit na lata. "Masyado kang malaki, Gilleon. Sa likod kana ni manong sumakay—" "Meda, malaki nga ako pero kasyang-kasya ako dito pati diyan sa puso mo," aniya sabay kindat. Napaawang ang labi ko at napailing saka nagpaypay ng sarili. Biglang uminit dahil lang sa simpleng corny na pick-up line niya. Napansin naman ni Gil ang ginawa kong pagpaypay sa sarili. "Ang hot ko ba kaya naiinitan ka?" aniya at nag-angat ng sulok ng labi. "Hindi. Naha-highblood ako sa 'yo, Gil. Para kang late bloomer na jejemon." Sumimangot siya at tumingin na lang sa labas. Totoo naman kasi ang sinabi ko kahit na sabihing sumikdo ang puso ko sinabi niya ay talagang pang-oldies ang banat niya. Ilang minuto ay narating namin ang bayan. Linggo ngayon kaya marami ang nagbebenta ng kung ano-ano. Naunang bumaba si Gil at nang ako na ang baba ay itinaas niya ang kamay niya saka hinarang ang palad sa bandang bubong ng tricycle. He is trying to cover my head from bumping on it. I just rolled my eyes and walk straight to the shop where we can rent the gown and suit. Pagkapasok ay sinalubong kami ng isang staff nila. "Masquerade theme na gown and suit po." Tumango ang babae at pinaupo kami saka umalis. Nang bumalik ito ay may dala na itong isang gown. Kulay itim ito at walang sleeves. In short, it's a full length gown and tube top. The slit starts from the upper thighs and the small shiny stuff that looks like diamond but obviously fake makes the gown looks so pretty and classy. Samantalang ang suit na kulay itim din na sinadyang maging partner ng gown. Kinuha ko ang gown at pumasok sa fitting room. Nang masout ko iyon ay halos mapangiwi ako sa aking itsura. Mababa pala ang neckline kaya lantad ang aking cleavage. Ang slit naman sa hita ay halos makita na ang panty ko dahil sa taas. Ang likod ay tila naka criss-cross na hindi nakaayos. Wala sa sarili akong lumabas para hanapin ang staff at magtanong ng ibang disenyo. "Miss—" "Meda! What the f**k?!" Bumaling ang tingin ko kay Gil na salubong ang kilay at masama ang tinging pinupukol sa akin. Napansin ko rin ang ilang kalalakihan na naghihintay ng kanilang isusukat. I swallowed a lump out of embarrassment and look down. Ngunit agad akong napaangat ng tingin nang may marinig akong komosyon. My mouth parted in shock with what I have witness. Gilleon is choking a man while pressing him against the wall. The man turned pale and fear is written on his face. "Gil..." I mumbled, "bitawan mo siya." Tila robot na bumukas ang palad ni Gil mula sa pagkakasakal sa lalaki na napasalampak sa lapag. Bakas sa mukha ni Gilleon ang pagpipigil. Bumalik ako sa loob at agad nagbihis. Paglabas ko ay naroon ang staff at pinabalot ko ang mga rerentahan naming damit. Nang matapos ay hinila ko si Gil palabas ng shop. "Anong ginawa mo? You made a scene—" "Those perverts deserve it, Meda. I would love to crash his faces if you didn't stop me—" "And why would you do that?" "Dahil walang pwedeng bumastos sa 'yo, Meda. No one is allowed to disrespect you—" "Then punch yourself, Gil. You disrespected me years ago. H'wag kang umasta na naiiba dahil katulad ka rin nila. And besides, I don't need your protection. Kaya ko sarili ko!" Tumalikod ako at naunang lumabas ng shop matapos mag-bayad. Nakasunod lang sa akin si Gil at nang may madaanan akong bilihan ng jewelry ay huminto ako saglit. My eyes locked on a specific necklace with a pendant that looks like a galaxy. "Ma'am, andromeda galaxy po iyan at mukhang bagay na bagay sa inyo. Bigyan ko po kayo ng 10 percent off," saad ng sales lady. "Magkano 'yan?" "twenty thousand less 10 percent, Ma'am. Rare pendant po ito—" "No thanks," matapos ko sabihin iyon naglakad na ako papunta sa isang fast food restaurant saka pumila. "Gil, anong kakainin mo—" Natigilan ako nang makitang wala siya sa likuran ko. napabuntong-hininga ako at nagkibit-balikat. Matapos maka-order ay agad akong kumain. Patingin-tingin ako sa entrance pero walang Gilleon na pumasok kaya nagpasya akong bilisan. After my meal I decided to go home but unfortunately, I met someone I wasn't supposed to. "Andromeda!" bati nito na para bang close kami ng college. "Hi Rachel," walang gana na bati ko. "Hindi mo sinabing dito ka kakain, sana nilibre na kita. I franchise this restaurant." Pinipilit kong huwag iikot ang aking mata dahil halata namang gusto niya ipalandakan sa akin iyon. Rachel was my rival when it comes to academics but I always got the highest. She's rich, dati pa kaya hindi na ako magtataka na successful siya sa buhay. "Mauna na ako, Rachel—" "Wait!" Mabilis niyang pinulupot ang kaniyang braso sa akin. "Parating sina Macey at Alma. You know, my girls. Let's catch up." Sakto rin na dumating ang dalawa at napilitan akong makisalamuha. I wish I vanished immediately. "Uy, Andromeda! Kumusta? Balita ko hiwalay na kayo ng longtime boyfriend mo ah?" paninimula ni Macey. The most chismosa. "Sayang, ang pogi pa naman no'n. Single pa ba siya? Wala bang hard feelings kapag, you know. He met me and likes me," Rachel boasted and giggled. "Parang mas bagay nga kayo ni Gilleon," dagdag ni Alma. I clenched my jaw and pursed my lips to stop myself from speaking. I'm so tired talking with these kind of people. Huminga ako nang malalim at tumayo. Dumako sa akin ang tingin nilang tatlo. I smile and excuse myself in the most kindest way I can. But before I leave, Rachel hold my arm to stop me. Napalingon ako sa kaniya at nakakunot noo nang makitang salubong ang kilay nito at mukhang galit. "Did we offend you, Andromeda? You look threathened." Nagtaas siya ng kilay na ikinangisi ko. "Am I? Bakit mukhang mas threatened ka?" Marahas kong iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Andromeda!" Napalingon ako sa entrance ng restaurant at nakita si Gilleon na kumaway sa akin. Napangisi ako at lumingon sa kanilang tatlo. "Mauna na ako, my date is waiting for me," saad ko at pinagmasdan si Rachel na kuyom na kuyom ang kamao dahil sa inis. She likes Gilleon so much that she was willing to give her virginity to him when we were in college. Naglakad ako papunta kay Gilleon at kumapit sa braso niya. Ramdam ko ang paninigas niya sa gulat kaya marahan ko siyang iginiya palabas. Nang makalayo nang kaunti sa restaurant ay marahas akong bumitaw at hinampas siya ng dala kong paper bag. "Ouch! What was that for?!" aniya na nagtataka. "Do you know that being handsome is a sin?" His eyes twinkled. "So, inaamin mong gwapo ako—" "And you're not a sinner." And I smirked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD