Andromeda
Malalim na ang gabi at puro tunog na ng kuliglig ang naririnig ko. Subukan ko mang makatulog ay hindi ko magawa. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kaninang hapon.
Alam ko namang malakas si Gilleon, pero ang nangyari kanina ay talagang nakakagulat. Halos mawalan ng ulirat si Nestor sa lakas ng pagkakasuntok ni Gilleon. Nakakatakot siyang magalit na para bang gusto mo na lang kusang mawalan ng malay dahil sa lamig at galit sa mga Napabuntong hininga ako at naupo sa kama saka napatitig sa aking drawer kung saan nakatago ang mga bagay na binigay noon sa akin ni Gilleon. Binuksan ko iyon at napangiwi sa mga nakita.
Dahil na rin sa hindi ako makatulog ay nagpasya akong lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina para mag-timpla ng gatas. I don't know if milk really helps a person to get some sleep easily. Hindi pa man ako nakakapasok ay napansin ko na ang maliit na ilaw sa kusina at kung hindi ako nagkakamali ay ilaw mula sa cellphone iyon.
Huminga muna ako nang malalim at nang akmang papasok ay agad akong natigilan.
"Sherry, I can't go back now," anito sa kausap. Lumapit ako nang kaunti ngunit siniguro kong hindi niya ako makikita.
"Andromeda, I need her to be safe before I leave."
Kumunot ang noo ko kasabay ng pagkuyom ng aking dalawang kamao. Who's Sherry? At akala ko ba, he wants me back? Kinalma ko ang sarili ko at humakbang ng isang beses para magpakita ngunit agad na nagsalita muli si Gilleon dahilan para magkumahog akong bumalik sa pinagtaguan ko.
"Sherry, I need you. Please, just give me a few days."
Hindi na ako nakatiis dahil halos mag-apoy na ako sa inis. Tumayo ako nang tuwid at lumabas mula sa pinagtaguan ko. Agad naman akong nakita ni Gilleon na nanlalaki ang mata at mabilis na ibinaba ang tawag. Dumiretso ako sa lagayan ng baso ngunit agad siyang humarang sa akin.
"Meda—"
"Stop."
He sighed. "Look, I know you heard it. Sherry is my—"
"Wala akong pake, Gil. Kahit friends, jowa, MU, o kahit siya pa 'yong sugar mommy mo, wala akong pake." Nakataas ang kilay ko pero ramdam na ramdam ko ang paninikip ng aking lalamunan dahil sa galit.
"Let me explain—"
"Your explanation is three years late and not valid anymore. Kaya p'wede ba, tigilan mo na ako."
Matapos ko iyon sabihin sa kaniya ay kumuha na ako ng baso at tumungo sa refrigerator saka naglagay ng gatas. Dahil nanginginig ang kamay ko dahil sa sobrang galit ay nagkanda-tapon-tapon ang gatas. Napansin ko naman ang paglapit ni Gil at ang hindi ko inaasahan ay ang paghawak niya sa kamay kong nakahawak sa karton ng gatas.
I swallowed an imaginary lump when he hold me and guided my hand to pour the milk slowly. Rinig na rinig ko ang malakas na t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya. Sobrang lapit din ng kaniyang mukha sa akin dahilan para masamyo ko nang bahagya ang panlalaki niyang amoy.
His manly scent that awakens my feminine side. Bwisit!
Tumikhim ako nang malakas at marahas na iwinakli ang kaniyang kamay saka binalik ang gatas sa ref. Sinulyapan ko pa siya na sinusundan lang ako ng tingin. I took my milk and went back to my room.
Hindi ko tuloy alam kung makakatulog ba ako ngayong gabi nang mahimbing dahil sa nangyari o baka bangungutin ako dahil sa sama ng loob dahil sa hinayupak na iyon.
ALAS-ONSE na ng umaga nang imulat ko ang mga mata ko. Napasabunot pa ako sa sarili dahil pakiramdam ko ay kakatulog ko lang. Nagpasya na akong bumangon at lumabas ng kwarto.
Sa sala ay nakita ko sina Nestor, Lolly at ang isa pa naming kababata na si Betty. Kasama nila si Star at si Gil na diretso ang tingin kay Nestor na masama rin ang tingin sa kaniya. Napailing na lang ako at naglakad palapit. Si Gil ang unang nakakita sa akin na agad tumayo. Salubong ang kilay nitong lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat saka mabilis akong pinatalikod.
"Ano ba?! Bakit ba?" singhal ko nang harapin siya.
"Wear a bra, Meda. You can't face them with your nips hardened like that! What the hell?!"
Nanlalaki ang mata ko at yumuko. Hindi ko maiwasan ang pag-akyat ng pula sa mukha ko dahil sa sobrang hiya. Mariin kong pinikit ang aking mata at nagbilang ng sampu saka muling tumingala sa kaniya.
"So?" lakas loob kong sabi kahit ang totoo ay gusto ko ng lamunin ng lupa.
Nagsalubong naman ang kilay nito dahil sa sinabi ko. Pasimple akong humalukipkip nang sa gayon ay matakpan ang aking nips.
"Anong so?"
Lumunok ako nang laway dahil hindi ako makaapuhap ng isasagot. Tumikhim na lang ako at nagtaas ng kilay.
"Teka nga, ano bang mayroon at nandito—"
"Just wear a bra first and come back at the living room." He sighed. "Ayokong may nakakakita sa 'yo nang ganoon, Meda. Except me."
Ang nakataas kong kilay ay mas lalong tumaas na halos umabot na ata sa hairline ko. Sing kapal ata ng encyclopedia ang pagmumukha nito ni Gilleon.
"Hoy, Ramirez. Porke't nakita mo na ito dati," saad ko ay tinuro ang aking hinaharap. "Ay may karapatan kana sabihin iyon. For your information, marami ang nagbago sa akin—"
He chuckled. "Meda, I bet your nips is still light brown—"
"Ulol! Pink 'to! Pink! Bastos!"
Marahas ko siyang tinalikuran at mabibigat amg hakbang na bumalik sa kwarto. Bago tuluyang pumasok ay nilingon ko pa siya na naroon pa rin sa kaniyang kinatatayuan. Nakangisi ang loko habang nakatitig sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko sa reaksyon ng kaniyang mukha. Ngunit agad naglaho ang pagtataka ko nang kagatin nito ang ibabang labi at humalukipkip. Napalunok naman ako at yumuko sa aking dibdib.
"Bwisit ka!" sigaw ko at pumasok sa loob. Napasandal pa ako sa pinto at napapailing dahil sa animo'y kidlat na dumaloy sa isip ang alaala ng mga gabing pinagsaluhan namin.
Pinilig ko na lang ang ulo ko at kumuha ng bra sa closet ko. Nang maisout iyon ay nagpalit narin ako ng simpleng damit at maikling short. Naglagay din ako ng liptint dahil daig ko pa ang bangkay sa putla ng labi ko. Nang masigurong presentable na ang ayos ko ay dumiretso na ako sa living room.
Inirapan ko lang si Gilleon at naupo sa dulo nang mahabang upuan. Katabi ko si Star at katabi ni Star si Gil. Kaharap namin sina Nestor, Lolly at Betty na nakaupo rin sa mahabang upuan.
"Anong mayroon?" tanong ko at inilibot ang tingin sa kanila.
Si Nestor ay napansin kong sumusulyap-sulyap sa legs ko kaya inilagay ko ang dalawang braso ko roon. Si Betty ay ang kababata ko na mahinhin at hindi maikakailang maganda. Mas maganda siya sa akin at mas maputi. She's the muse of our barangay.
"Well, guys. Bago ang lahat gusto ko muna magpakilala—"
"Bettina Dequina, kilala ka namin. Ano ka ba?" natatawang sabi ko. Nakangiti lang si Betty ngunit ang tingin niya ay lumiko kay Gil.
"I mean, magpakilala sa kaniya," anito at naglahad ng kamay. Nakita iyon ni Gil at agad na lumingon sa akin.
Nanlaki ang mata ko at nag-iwas ng tingin. The way he look at me feels like he is asking a permission. Mula sa sulok ng mata ko ay nakita kong nakipagkamay si Gil.
"Hi, I'm Bettina Dequina. Matalik na kaibigan ni Meda," pakilala ni Betty na may matamis na ngiti sa labi.
"Dequina?" maikling sagot ni Gil na bumitaw sa pakikipagkamay.
She nodded. "Is there something wrong with my surname?"
Umiling si Gil at tumango. "Gilleon, Meda's boyfriend—"
"Hell no!" Tinitigan ko siya nang matalim saka nilingon si Betty na gulat na gulat. "Don't believe him, Bet. He is a jerk."
Matapos ko sabihin iyon ay mahinhin na humagikhik si Betty. Samantalang si Nestor ay may ngisi sa labi.
"I knew it! Hiwalay na kayo—" Hindi natuloy ni Nestor ang sasabihin nang pasakan siya ni Lolly ng pandesal sa bibig.
"Manahimik ka, Pugad ka."
Napailing ako at muling itinuon ang tingin kay Betty.
"Anong ginagawa niyo pala dito?" tanong ko. Siniko ako ni Star at iniabot ang isang invitation card. "Para saan ito?"
Betty smiled sweetly. "Birthday ni Papa the day after tomorrow. I invited you guys since kayo ang bestfriends ko."
Napawaang ang labi ko. Bettina Dequina is the only daughter of Governor Bernard Dequina. Napakurap ako at nilingon si Star na malapad ang ngiti sa labi.
"Invited kami?"
"Of course! By the way guys, masquerade ang theme na gusto ni Dad kaya sana makapunta kayo."
Napangiti ako dahil isang honor ang maibintahan sa ganoong event. Wala sa loob na napalingon ako kay Gil na titig na titig kay Betty. Hindi ko tuloy alam kung bakit may kakaibang kudlit ng emosyon akong naramdaman. Inis at pagkawala sa mood. Hindi malabo na magkagusto si Gil kay Betty. She's beautiful and rich. Tapos anak pa ng governor!
Pero sino naman si Sherry na kausap nito kagabi?
Napabuntong-hininga ako at ngumiti para itago ang inis.
"You're invited too, Gilleon," mabining saad ni Betty.
I chuckled secretly. Gilleon hates crowd. Ayaw niya ng party na ganoon dahil sumasama ang pakiramdam niya kapag maraming tao. Dati nga ay hindi siya sumama sa graduation ball ko—
"Sure, Bettina. I accept your invitation."
I froze and slowly shifted my gaze at him.
Gilleon is smirking.