“Dito?” baling sa kanya ni Rogue nang naroon na sila. Itinuro niya ang lugar. “‘Yan mismo,” sabi niya. “May kulang pala sa kuwento ko,” naalala ni Diwa ang eksena sa banyo bago itinuro sa kanya ng multo ang lugar na iyon. “No’ng patay-sindi ang ilaw sa banyo, ang dami kong nakitang kumalat na dugo, Rogue.” Seryosong dagdag ni Diwa. Nagkukuwentuhan sila na may dalawang hakbang na distansiya sa isa’t isa. Sinasadya niyang huwag masyadong lumapit. Para kasing hindi siya makahinga nang normal. Hindi niya alam kung bakit may ganoong epekto sa kanya si Rogue. Hindi sigurado ni Diwa kung takot pa rin ang nararamdaman niya na resulta ng una nilang engkuwentro o iba na. “Dugo,” simpleng ulit ni Rogue. “Gaano karami?” “Basta marami—sa toilet bowl, sa tiles na dingding, sa may pinto, sa sahig—a

