“KANINA ka pa, Rique. Tingin ka nang tingin sa akin,” puna ni Maya sa kaibigan nila. “Ano’ng problema mo?” Nasa sala silang tatlo, sa apartment ni Maya nang sandaling iyon. Mula nang bumalik ng Pilipinas si Maya, parang gusto na rin ni Rique na maging boarder nila. Laging nasa apartment tuwing walang trabaho. Three months. Lampas three months na mula nang basta na lang hindi nagparamdaman si Rogue. Parang lobo lang na tinangay ng hangin at nawala na lang. Walang balita si Diwa. Ang number nito, ganoon pa rin—out of reach. Salamat na lang talaga at nagbalik-Pilipinas na si Maya. Si Rique naman, madalas nilang bisita. Naaaliw at nalilibang siya. Si Maya, kasama siya lagi sa mga lakad. Mula nang mag-confess siya sa bestfriend, hindi na siya hinayaang mag-isa. Literal na hi

