GREENLAND. Ang pangalang nabasa ni Diwa sa itaas ng establishment. Kulay ng mga buhay na halaman ang pagkaka-green ng mga letra. Binuksan ng isa sa dalawang pulis ang pinto sa backseat at inalalayan siyang bumaba. “Sa loob tayo, Ma’am—” “Sandali lang,” si Diwa na hindi agad humakbang. “Presinto ang usapan. Mukhang nagkakalokohan tayo—” “Samahan mo na sa loob si Miss Malasanta, Bersosa,” maawtoridad na boses mula sa kung saan. Napabaling si Diwa sa nagsalita. Napamaang siya rito. Ang police na kilala ni Rogue? Wala sa loob na nagpaubaya na lang si Diwa sa pag-alalay ng pulis. Kung may balak na masama ang mga ito sa kanya, siguradong hindi sa isang restaurant ang venue. Nagpadala na lang siya sa trip ng mga ito. Hindi naman siya sinasaktan, hahayaan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


