Eighteen

1039 Words

LAMPAS alas dose na ng hatinggabi ay gising na gising pa si Diwa. Paanong hindi? Ang guwapong sangganong si Rogue—na hindi naman talaga yata sanggano ay nasa labas pa rin. Hindi makapaniwala si Diwa na hindi talaga aalis ang lalaki. Magtitiyagang matulog sa labas nang nakaupo at nakasandal lang sa tabi ng pinto?             Hindi siya pumayag sa suggestion nito na samahan siya buong gabi. Hindi tama. Hindi siya basta magtiwala kahit na nga parang gusto na niyang gawin iyon. Lalaki si Rogue at hindi niya kilala talaga. Malay ba niya sa mga puwede nitong gawin magdamag. Sabi nga ng iba, mas dapat matakot sa tao kaysa sa multo.             Hindi naman nagpilit ang lalaki. Umalis na agad nang sinabi niyang mas panatag siyang mag-isa lang sa loob ng bahay kaysa may lalaking kasama. Naghintay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD