GUMAAN na ang pakiramdam ni Diwa kaya nagawa niyang magluto ng hapunan. Balak niyang kumain ng maraming gulay, humigop ng sabaw ng nilagang baka na may natira pa, at prutas. Na-realize niya, hindi naman pala puro stress ang dala ni Rogue. Nag-ambag pa ang lalaki para humaba ang buhay niya. Pangiti-ngiti si Diwa habang naghahanda ng hapunan kanina. Nag-steam siya ng talbos ng kamote at okra. Gumawa rin ng sawsawang toyo at kamatis. Ginisa niya ang sardinas at nilagyan ng dahon ng ampalaya. Ininit ang natirang nilagang baka. Balak niyang kumain ng marami kaya naghintay siyang magutom talaga. Lampas alas otso, nakaramdam na ng gutom si Diwa. Inihanda na niya ang sariling kumain. Ang susunod niyang gagawin, matulog nang mahimbing. Sana lang talaga, wala na sa panaginip niya ang

