SUPERMAN si Rogue, ang iniisip ni Diwa habang napapangiti. Pagkatapos ng mahabang oras na pagmamaneho, hindi man lang nagpahinga. Naghakot ito ng mga bagahe nila ang galing sa kotse, inayos pa ang hilera sa kuwarto. Maraming paper bags at plastic bags ang bitbit nito sa kuwarto niya. Pagkapasok ng gamit nila, tumuloy naman si Rogue sa kusina at hindi na lumabas. Base sa naririnig niyang ingay, busy ito. Nasa kuwarto lang si Diwa. Nagmasid-masid na lang siya sa view sa labas. Mayamaya, kumatok si Rogue. May dalang tubig, mansanas at papaya. Lumabas din agad ang lalaki. Inubos ni Diwa ang prutas habang tinatanaw ang green view sa labas. Ang sarap sa mata. Green plants at mga dahon ng kahoy sa paligid, iba-ibang kulay ng bulaklak at parang mga matatanda nang puno a

