TUMINGIN sa kalawakan si Rique, ngumiti at bumaling sa kanya. “Thank you, Diwa!” Nasa side sila ng kotse nito, parehong nakasandal. Mga ilang minuto na silang nag-uusap at nagtatawanan. Inihatid siya ng actor sa apartment ni Maya. Paalis na rin ito para tapusin ang natitirang oras na break sa trabaho. Maaga daw ang call time kinabukasan kaya sinusulit na ang pakikipag-kulitan sa kanya. Paalis na rin ito dahil tapos na ang dalawang araw na walang trabaho. Balik na naman si Rique sa busy schedule. Kuwento pa nito, sa ibang bansa kukuhanan ang mga susunod na eksena sa pelikula. Pagkabalik na pagkabalik, ang renovation daw sa bahay ang tututukan. Hindi na nag-focus ang actor sa unang naisip na ibenta ang bahay matapos pagpiyestahan ng media ang tungkol sa nakuhay na bangkay. Wala na nga na

