Automatic ang pag-atras ni Diwa sa bawat hakbang nito palapit. Umatras siya nang umatras hanggang napasandal sa malamig na dingding. Para nang tubig ang mga buto niya sa tuhod. Gumalaw ang sulok ng bibig ng akyat bahay nang wala na siyang uurungan. Para siyang daga na na-korner ng pusa. Nasa harap na niya ang akyat bahay, titig na titig sa kanya. Pati puso niya, ‘di na mapakali. Ang lakas ng ng kabog. Kung sa takot o sa tensiyon, hindi na alam ni Diwa. “Pangalan mo,” sabi ng akyat-bahay. Ang intense ng titig, parang gusto siyang tunawin. Nagbalik para lang sa pangalan niya? Balak nga yatang guluhin ang buhay niya. Inaalam na ang pangalan niya. Malamang, address na ang kasunod, mga kamag-anak, kaibigan, kakilala hanggang wala na siyang maitago pa. “Gloria,” at napalunok. Sorry, Lord. P

