PASADO alas diyes na ng umaga. Nasa sala siya ng bahay ni Rique; yakap ang throw pillow sa kaliwang kamay at abala naman sa cell phone ang kanan. May thirty minutes na siyang nakatitig sa mga pictures ng guwapong akyat-bahay. Iniisip ni Diwa kung bakit hindi mawala sa isip niya ang mukha ng lalaki. Nakarinig siya ng tunog ng sasakyan. Hindi kumilos si Diwa sa prenteng pagkakaupo na nakataas ang mga binti sa sofa. Dumating rin sa wakas ang actor na nakapatay ang cell phone buong gabi. Loko rin talaga. Pinabayaan siya. Hindi man lang naisip na baka mag-collapse siya matapos ang meeting sa multo? Paano kung hindi pala niya kinaya ang engkuwentro sa mumu? Hindi man lang niya ito mahihingan ng tulong? Ang saklap lang. At ngayong umaga na at tapos na ang ‘meeting’, saka bumalik? Huhulaan ni

