MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Diwa. Para siyang nananaginip pa rin, lutang sa masarap at masayang pakiramdam. Kung puwede lang na huwag na niyang harapin ang bagong araw, mas gusto niya. Pero hindi. Hindi tumigil ang mundo sa nagdaang oras—ang puso lang niya ang nalunod sa emosyon. Kontentong umungol siya at kinapa ang katabi. Nabura agad ang ngiti ni Diwa nang ma-realize na mag-isa lang siya sa kama. Wala ang lalaking rason ng mga ngiti niya. Nagmulat siya ng mga mata at iginala ang tingin. Wala rin sa kuwarto si Rogue. May sumikdong kaba sa dibdib niya. Iniwan na agad siya? Bumangon ang dalaga. Ibinalot sa kumot ang katawan saka hinanap si Rogue sa paligid. Wala ito sa sala, wala rin rin pati sa kusina. Umalis na? Bumalik si Diwa sa kuwarto. T

