“Pangalan sabi—” “Procopio.” Napamaang si Diwa. Hindi dapat pero muntik na siyang matawa. Halata namang hindi totoo iyon. Ang hindi nito pagdadala ng ID, patunay na hindi nito gustong makilala sakaling mahuli. Sino ba namang tangang akyat bahay ang magdadala ng ID? Alam rin niyang hindi ito magbibigay ng totoong impormasyon. Procopio talaga ang naisip? “Hindi bagay sa ‘yo,” sabi ni Diwa. “Mag-isip ka naman ng mas kapani-paniwalang pangalan.” Tahimik na titig lang ang sagot nito. “Akala mo ba, basta babae lang ako?” dagdag ni Diwa, sinadyang tumawa ng walang laman. “Mangkukulam ako, mister! At gayong gabing ito mangyayari ang bangungot mo!” Inaasahan ni Diwa na ngingisi na naman ang lalaki pero hindi. Nanahimik lang ito, hindi kumikibo sa puwesto. Hindi alam ni Diwa kung bakit mas ki

