Twenty Three

958 Words

HINDI nga umalis si Rogue. Hindi rin nito binitawan ang mga kamay niya sa buong oras na inuulan siya ng tanong ng mga pulis at imbestigador. Na-appreciate ni Diwa nang husto ang presence ni Rogue. Nakabawas sa kaba niya ang pakiramdam na hindi siya mag-isa. Tahimik man si Rogue sa buong oras na siya ang tinatanong, sapat ang init ng kamay nito at ang higpit ng hawak sa kamay niya para maalala ni Diwa na may kasama siya. Maingat siya sa pagsagot sa mga tanong. Sinunod niya ang payo ni Rogue na kung ano lang tanong, ‘yon lang ang sagutin. Pinilit niyang maging relax. Kung matataranta siya, baka kung ano ano ang masabi niya. Lahat ng tanong ng mga awtoridad, sinagot ni Diwa. Mas marami ang tanong tungkol kay Rique bilang may-ari ng bahay. Kasama sa mga tanong ang relasyon niya sa actor, k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD