Twenty Four

1916 Words

HINDI alam ni Diwa kung ilang minuto na sila ni Rogue na parang poste sa sofa. Magkatabi silang nakaupo, nakasandal sa backrest at nakatingin sa kisame. Walang pag-uusap. Pakiramdam niya, pareho silang gusto lang ng katahimikan. Gustong magpahinga. Parang ang haba kasi talaga ng araw na iyon. Pumikit na lang si Diwa at pinilit itaboy lahat ng nagpapagulo sa utak niya. Napabuntong-hininga siya mayamaya. Lumuwas siya ng Maynila na mas tahimik na buhay ang inaasahan. Bantay lang sa apartment ni Maya ang role niya. Magluluto, kakain, maglilinis, matutulog—at uulitin lang ang mga iyon kinabukasan. Bakit mas naging magulo pa kaysa sa buhay sa barrio ang sitwasyo niya ngayon? At may isang Rogue na… Nagmulat si Diwa at marahang bumaling sa katabi. Nakapikit rin si Rogue, hindi tumitinag gay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD