Four

1354 Words
Pumuwesto sila sa sulok ng restaurant. Hindi na maawat ni Diwa ang kung ano anong kuwento ni Rique. Pinakinggan lang niyang dumaldal ang actor. Parang na-miss nito na may kakuwentuhan. Ramdam din niyang hindi na nag-aalangan si Rique na sabihin ang kahit ano. Gusto tuloy isipin ni Diwa na tama ang sinasabi ni Maya, madali siyang makagaanan ng loob kapag hinayaan niya ang kahit sinong makalapit. Tigilan daw niya ang pananakot at pagtataboy sa mga taong gusto siyang maging kaibigan. Piling-pili lang kasi talaga ang hinahayaan niyang makalapit sa kanya. Ang mahabang kuwento ni Rique, nauwi kay Maya at sa huli, sa multo sa bahay nito. Handa raw itong magpaalipin sa kanya, itaboy lang niya ang multo. Natawa si Diwa. Base sa pagngiwi ni Rique nang itanong niya kung uuwi ito sa bagong bahay habang naroon siya, alam na ni Diwa na para siyang mandirigmang isasabak mag-isa sa giyera-multo nga lang ang makakasagupa niya. At tama ang dalaga sa naisip niya. Nang nasa bahay na siya ni Rique, sinubukan niyang tawagan ito pero nakapatay na ang cell phone. Ang sinabi nito pagkahatid sa kanya kanina, may taping na hindi maiwan. Ang kutob ni Diwa, kahit pa walang taping ay hindi na sasagutin pa ng actor ang tawag niya. Artistang matatakutin. Iniwan talaga siyang mag-isa kasama ang mga mumu! Ibinagsak na lang ni Diwa ang sarili sa kama. Nasa kuwarto siya ni Rique. Doon may nagpaparamdam kaya doon din siya mag-aabang. Iniwan nitong bukas ang drawers. Isa sa mga drawers, may baril. Licensed daw iyon at loaded-ipuputok lang niya kung kailangan. Hindi pa siya nakahawak ng totoong baril pero kung kakalabitin lang naman ang gatilyo, mabilis na lang gawin. Ipinaalala ni Diwa sa sarili na multo ang hinihintay niyang magpakita, hindi masamang loob. Wala namang epekto sa multo ang baril ni Rique. Hindi mapapatay ang patay na. Napakamot sa kilay si Rique nang sinabi niyang holy water na lang sana kaysa baril. Water lang daw ang mayroon ito, hindi holy. Natawa na lang din si Diwa. PIGIL ang hininga na dahan-dahang inabot ni Diwa ang switch ng lampshade. Salamat sa bed sheet at kumot ni Rique na dark blue lahat, itinago siya sa taong nangahas na pumasok. Sinakop ng malamlam na liwanag ang kuwarto. Malamlam na liwanag, na naging sapat para makita niya ang pigurang nakaitim! Sabay lang ang pagkagulat ni Diwa at ng taong nasa loob ng kuwarto. Hindi na siya gaanong nag-isip, nakatalon agad si Diwa galing sa kama—tinakbo ang main switch. Nagliwanag ang buong kuwarto—at nalantad sa kanya ang kabuuan ng matangkad na akyat-bahay. May itim na telang takip sa kalahati ng mukha. Noo at mata lang ang nakikita niya. Itim lahat ng suot, sing itim ng buhok nitong wavy, medyo mahaba at parang nagulo ng hangin. Napamaang si Diwa sa estranghero. Sa lumang pelikulang pinagtitiyagaan niyang panoorin ang mga ganoong eksena na may nakawan. Hindi naisip ng dalaga na magiging tauhan siya sa parehong eksena. Ang lalaki naman ay halatang nagulat. Base sa mga mata—na visible sa mukha nito, hindi inaasahang may tao sa kuwarto. Dark blue kasi ang bed sheet at comforter ni Rique—humalo ang itim niyang suot sa comforter at sa dilim. Ang lapad kasi ng kama, nagmukha lang siguro siyang unan na natakpan ng comforter. Hindi napansin ng akyat-bahay! Huling-huli ni Diwa ang kamay ng lalaki na nasa aktong pagbubukas ng drawer sa may paanan ng kama. Kita na niya ang ebidensiya. Magnanakaw ang lalaki at naroon ito para tangayin ang mga mga valuables sa bahay ni Rique. Hindi pala ang inaabangan niyang multo ang dapat na pinaghandaan ni Diwa. Magnanakaw pala ang dapat katakutan ni Rique. At sa suot nitong pure black, sa pagtatago ng mukha at sa katotohanang napasok ang bahay nang wala siyang kahit anong narinig, sigurado si Diwa na sanay magnakaw ang masamang loob na ito! Matagal na nagtama lang ang mga mata nila. Pakiramdam ni Diwa, tinatantiya rin ng akyat-bahay ang sitwasyon. Hinuhulaan kung ano ang una niyang gagawin. Pilit nag-isip si Diwa nang mabilis. Kung hindi niya pagaganahin ang utak, isang maling kilos ay baka bangkay na siya bukas. Sa malamig na tingin ng magnanakaw, sigurado si Diwa na walang lugar sa puso nito ang awa. Naging witness siya bigla sa kasalanan nito. At ang witness, 'pag nahuli ng kalabang kampo, hindi na nagagawang tumestigo. Pinapatahimik na para walang problema. May kutob si Diwa na katapusan na rin niya kung wala siyang gagawin. Mas tumiim ang titig ng lalaki sa kanya. Iniisip na yata kung paano siya dedespatsahin! Pilit tinatagan ni Diwa ang loob. Inisip na lang niyang isa ang sandaling iyon sa mga eksenang nahaharap siya sa multo at wala siyang choice kundi maging matapang at tapusin ang 'meeting'. Hindi multo ang kaharap niya pero parehong tapang ang kailangan niya para makaalpas ng buhay sa sitwasyong iyon. Pakiramdam ni Diwa, napalapit siya ng dalawang hakbang sa kamatayan. Kailangan niyang sagipin ang sarili. Hindi pelikula ang buhay niya na may leading man na darating at ililigtas siya. Sarili lang ang aasahan niya sa sitwasyong iyon. Kailangan niyang mag-isip. Mag-isip ng mabuti. Sinamantala ni Diwa ang hindi pagkilos ng lalaki. Tinitigan lang siya nito. Kung nag-iisip rin sa susunod na gagawin, hindi sigurado ni Diwa. Nag-focus na siya sa sariling kaligtasan. Pinagana agad niya ang utak. Mahal niya ang buhay. Lalaban siya hanggang sa huli. Ang baril ni Rique ang naisip ni Diwa. Metro ang layo ng lalaki sa kanya. Kung bibilisan ni Diwa ang pagkilos, mabubuksan niya ang drawer. Magagamit niya ang baril para ipagtanggol ang sarili. Hindi na mahalaga kung wala siyang alam sa baril. Itututok lang niya. Ipapanakot sa akyat-bahay. Pero kung wala na siyang pagpipilian kundi iputok—kakalabitin niya ang gatilyo nang walang pagsisisi. Nang umakto ang lalaki na kikilos, agad sinabayan ni Diwa. Mabilis pa sa kidlat na nakatalon siya sa kama, nakalipat sa kabila bago siya nahuli nito. Diretsong binuksan ng dalaga ang drawer ng bedside table at kinuha ang baril. Dalawang hakbang ang layo ng lalaki sa kanya, naka-freeze na ito—naitutok na kasi niya ang ang baril. Babatitiin ni Diwa ang sarili na hindi nanginginig ang kamay niya. Don't panic, Diwa. Kalma lang. Kalma... Paulit-ulit ang bulong niya sa sarili. Steady ang kamay sa baril. Ang daliri, nasa gatilyo. Ang mga mata, nakatutok sa mga mata ng akyat-bahay na hindi rin kumukurap habang nakatitig sa kanya. Mas kinakabahan si Diwa na kalmado lang ang lalaki. Parang walang anuman dito na nakatutok ang baril sentro sa puso. Wala man lang ni katiting na bahid ng takot sa mga mata. Ang lamig ng tingin nito. Parang walang pakialam kalabitin man niya ang gatilyo. "Taas kamay!" Hindi tuminag ang lalaki. Nakatutok lang sa kanya ang malamig na tingin. Nagpigil lang si Diwa na mapalunok. Siya ang may hawak ng baril pero sa hula niya, sa kanilang dalawa, siya ang kinakabahan. "Taas kamay sabi, eh!" mas malakas niyang ulit, inayos kunwari ang daliri sa baril. "Baba mo 'yang takip sa mukha mo!" singhal pa niya, kunwari ang tapang. "Aakyat-akyat ka ng bahay, magtatago ka naman ng mukha! Ano, nahiya kang malaman ng iba ang raket mo?" Ang medyo pag-angat lang ng kilay ang reaction nito. "Tanggal na!" singhal niya uli. Hinablot ng lalaki pababa ang itim na tela. Napanganga si Diwa. Umalis si Rique bago pa man bumaba ang araw. Bago mag-alas kuwatro kanina, may dumating na naka-motorsiklo, may delivery para kay Rique. Sinabi niyang kakaalis lang ng lalaki. Siya na ang pumirma at tumanggap sa sealed package. Ipinasok niya sa drawer ang maliit na package na parang supot lang at wala talagang laman. Ang gaan lang. Lampas alas sais, kumain na si Diwa. Ang dinner na in-order ni Rique bago umalis kanina. Pagkatapos kumain, nagligpit lang siya sa kusina, nag-ikot-ikot sa bahay para bumaba ang kinain niya, at umidlip na. Kailangang gising siya buong gabi sa mga susunod na oras. Tulog muna para buo ang lakas laban sa mumu. Napahaba nga lang ang dapat ay idlip lang. Pasado alas diyes na ng gabi nang magising siya. Nagising si Diwa sa pakiramdam na hindi na siya mag-isa sa kuwarto...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD