CHAPTER 2: I’LL DRIVE YOU WHEN WE GET HOME!

2749 Words
GENESIS 1:3-4 And God said, let there be light: and there was light. And God saw the light, that it was good: and God divided the lightfrom darkness. SASHA’S POV KASALUKUYAN akong naliligo ng sumigaw si Misha sa labas ng pinto ng banyo. Minadali ko ang ‘pag-ligo nang matapos agad dahil umiiyak na naman ang anak ko. Umalis na kasi ang Daddy at kuya niya kanina pa. Kaya’t kaming dalawa na lamang ang natira rito, maliban kay Tanya na ngayon ay nagdidilig ng mga halaman. Pagkalabas ko ay agad kong nakita ang anak ko sa ibabaw ng kama naming mag-asawa. Pasinghot-singhot ito habang yakap ang bunny bear niya sa braso. Agad ko itong nilapitan at niyuko para mapantayan ang mukha niyang namumula dahil sa pag-iyak na akala mo’y pinagkaitan ng laruan. “Yes, baby? Ba’t umiiyak ang princess ni Mommy?” Mas lalo pa itong napahikbi nang marinig nito ang boses ko. Sinapo ko naman ang likod nito para patahanin. Hindi ko ininda ang lamig na bumabalot sa katawan ko, pati na ang tumutulong tubig sa balat ko. Binuhat ko si Misha at agad na dinala sa walk in closet naming mag-asawa. Pinaupo ko muna siya sa maliit na sofa kung saan makikita ko siya. ‘Di pa rin siya matigil sa pag-iyak kaya minadali ko na ang pagbibihis para mabuhat at mapatahan ko ulit sya. Alam ko kasing gusto niyang sumama sa dalawang lalaki kanina. Unfair daw sa kaniya nang ‘di nila kami pinasama. Gusto nga sana kaming isama ng Daddy nila dahil naawa siya kay Misha. Kaso ako na ang nag-insist na ‘wag na kaming sumama dahil bonding din nilang dalawang lalaki ‘yong lakad nila. Even though, gusto ko ring makita silang tatlo na magkakasama dahilan rin kung gaano ka busy si Liam sa trabaho niya. Hindi naman pwedi na pabayaan niya ang kompanya ng Daddy niya dahil lang sa ‘min. Tsaka ‘di naman ako ganid para bawalan siya para makasama lang kami. “Why didn’t Daddy and Kuya Llander take us?” Humihikbing tanong ni Misha. “Kasi pang-boys lang… ang lakad ni na Daddy at Kuya,” I told to my three year old daughter. “Hayaan mo baby, mag-gi-girls bonding rin tayo ni Mommy, okay? Tapos iiwan nating silang dalawa… dahil ‘di sila pweding sumama.” Tumango naman siya bilang pagsang-ayon niyang sabi ko sa kaniya. Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan sa ulo. At agad ko ring binuhat para lumabas kami ng kwarto. Pagbaba sa hagdan ay tanaw ko na ang mga nakakalat nitong laruan. Iniwan ko lang kas siya kanina sa sala dahil umakyat ako sa kwarto naming mag-asawa para maligo. Agad itong kumuwag ng paa hudyat na magpapababa ito para lapitan ang mga naiwan niyang laruan na nakabuyangyang. Mas okay na ring bumalik ang pagiging hyper nito para naman makapaglinis pa ako. Binaba ko siya sa mga braso ko at agad itong tumakbo. Napapailing na lamang akong sinundan ito at kinuha ang remote para buksan ang TV para makapanood ito. Kahit naglalaro si Misha sa sala ay ‘di pweding ‘di nakabukas ang TV dito dahil na nonood din ito. Kahit may sarili silang play room ay mas gusto pa rin nilang maglaro rito sa sala. Marunong naman silang maglinis pagkatapos nilang kalatin lahat ng mga laruan nila. Syempre part nang isang ina ang pagtuturo sa anak para mapabuti sila. Ayaw kong napapabayaan sila kahit sa pagkain nila o sa kahit anong bagay. Lahat binibigay namin ni Liam sa kanila… kahit mga magulang ng asawa ko ay spoild din sila. Swerte ng mga anak ko dahil nagkaroon sila ng Mommy, Daddy, Lolo, at Lola na mapagmahal at maalaga sa pamilya. Ayaw kong maranasan nila ang naranasan ko na kulang sa pagmamahal at pag-aalaga ng isang magulang. Sa akin pa lang noon ay sobrang sakit at nakakalungkot na… how much more pa kaya sa kanila. Nang ma siguro kong nawiwili na si Misha sa paglalaro nito ay agad ko itong iniwan para pumunta ng kusina para gumawa ng meryenda. Lagi kasi itong gutom kahit napakaliit ng tao. Walang oras o minuto na ‘di mo ito makikita na walang nginunguya. Kaya ‘di nakakapagtaka na may pagkamataba itong bunso ko. Ang kyut kyut ng baby tummy nito… e, pa ‘no laging busog. Panay kasi hingi nang hingi ng pagkain. Kaya minsan lagi siyang inaasar ng Daddy niya na kailangan niya raw mag-diet dahil isasali raw siya ng Ama sa Miss Universe. As if naman na payagan niya ang unica hija niya. Inabot ko prutas sa fruit tray at nilagay sa sink. Kinuha ko rin ang kalahating pakwan sa loob ng fridge para humiwa ng isang slice na sakto lang kay Misha. Maghihiwa muna ako ng prutas para dalhin sa kaniya sa sala. Ito muna ang ipapakain ko sa kaniya habang nag-iisip pa ako ng lulutoin. Habang naghihiwa ay naramdaman ko naman ang mga yabag ni Tanya. Tapos na siguro ang ginagawa niya kaya nandito na siya sa kusina at nakadungaw sa ginagawa ko. “Ma’am, ano po ang lulutoin natin para pang-meryenda ni baby Misha?” maya’t maya’y tanong ni Tanya. Napabuntong hininga naman ako dahil wala akong maisip kong ano klaseng meryenda ang lulutoin ko para sa anak ko. Napakibit-balikat na lamang ako dahil sa tanong nito. “Hindi ko nga rin alam eh. Ang mabuti pa maligo kana at pakibantayan mo na lang si Misha. Ako na ang bahala sa meryenda natin. Samahan mo na lang siya sa sala. Maglaro kayong dalawa.” “Okay, Ma’am. Maliligo lang po ako, amoy pawis ako e…” Tumango naman ako sa kaniya at sinabihan siyang bilisan niya dahil walang kasama si Misha. Tinapos ko na ang paghihiwa at agad na nilagay sa mangkok para dalhin sa anak kong makulit. Pagkarating ko sa sala ay nakita ko itong nanonood ng TV. Ito ‘yong sinasabi kong dapat nakabukas ang TV kahit naglalaro ito ay mawiwili pa rin ang mga mata nito sa paborito nitong palabas. Tutok na tutok ang mata nito sa kung anong palabas na cartoon sa TV kahit may hawak itong laruan. Agad ko namang nilagay sa ibabaw ng coffee table ang hiniwa kong prutas para sa kaniya pagkatapos ay agad kong binuhat si Misha para paupoin sa kandungan ko. Napangisi na lamang ako nang ‘di man lang ako inabalang tignan nito dahil sa ginawa kong pagbuhat sa kaniya. Nakatutuk parin ang mga mata nito sa palabas na pinapanood niya. Walang pinagkaiba sa Daddy at kuya niya. Parehong-pareho talaga sila. Hindi sila nabo-bother sa paligid kahit magkagulo na’t lahat kung busy sila sa pinapanood nila. Kahit anong gawin mong pagpapa-epal kung ‘di ka nila papansinsin ay deadma ka talaga sa kanila. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit namana nilang dalawa ni Lnader ang mga katangian ng Ama nila. Ako naman ang nagluwal at nagbitbit sa kanila sa loob ng siyam na buwan. Minsan naiinis ako sa asawa ko dahil namana talaga ng mga anak namin ang features ng mukha niya. Wala man lang may nakuha sa ‘kin… siguro si Misha ang p********e ko lang ang namana niya. Pero halos lahat ay sa Ama na. Napaka-unfair talaga! Gusto ko pa nga sanang dagdagan sila pero kakausapin ko muna si Liam dahil alam kong gusto niya rin ang idea ko. Total malaki na rin naman silang dalawa ni Lander kaya dadagdadagan na namin sila. At isa pa nakakamis rin mag-alaga ng baby. Itong mga anak ko kasi… malapit nang maging bebe damulag. Sa sobrang bilis ba naman ng panahon ‘di mo maikakaila na magiging binata at dalaga na silang dalawa ng kuya niya. Lumabas si Tanya galing sa kwarto niya… agad niya kaming pinuntahan ni Misha rito sa sala. Ang anak ko naman ay tutok na tutok pa rin sa pinapanood. Nilipat ko ang anak ko sa sofa at agad na tumayo… binilin ko si Misha kay tanya na pakitingnan ang anak ko, bago ako nagtungo sa kusina para magluto. Agad kong binuksan ang fridge para maghalungkat ng lulutoin. Habang namimili ng sangkap ay nadaanan ng mata ko ang kamote sa ibaba ng ref kung saan kasama ang ibang gulay. Agad ko itong kinuha sa pinakaibaba at pagkatapos ay inilabas ko ito sa fridge. Nag-isip pa ako kung anong klaseng meryenda ang lulutoin ko sa kamote hanggang sa naisipan ko ang magluto ng binignit. Lugaw ito na malagkit at may halong kamote, s**o, bilo bilo, at saging. Para itong minatamis na kanin na hinaloan ng condense milk and evap… na alam kong gustong-gusto ng bunso kong anak. ‘Di na ako nag-aksaya ng oras at agad ko nang kinuha ang mga natitirang sangkap sa pagluluto. Nilagay ko ang kamote sa sink at agad na binalatan ito. Hindi pa muna ako nagpakulo ng tubig sa induction dahil kailangan ko pang-gumawa ng bilo bilo. Medyu matagal-tagal din kasi ang paggawa nito kaya’t alam kong matatagalan ako. Nang matapos ko na ang pagbalat at paghiwa… agad kong sinaing ang bigas na malagkit sa maraming tubig. Hinintay ko munang itong kumulo bago ko ilagay ang mga sahog dito. Nang makita kong kumulo na ay saka ko nilagay ang kamote, s**o, at bilo-bilo. Mamaya ko na lang ilalagay ang saging dahil mabilis itong madurog. Naglagay rin ako ng asukal at sinunod kong nilagay ang condense at evap milk. Nang malagay ko na lahat ang sangkap ay agad ko itong tinakpan. At ilang sandali pa ay nakita kong medyu luto na ang bigas at malapot nang tignan… hudyat na maluto. Saka ko na nilagay ang saging para pandagdag sahog sa aking binignit. Tinakpan ko ulit ito at iniwan sandali. Bumalik ako sa fridge at naghanap kung ano ang pwedi kong gawin na panulak para sa binignit. Nang wala akong makita ay agad akong lumabas ng kusina para utusan ang driver namin para bumili ng tubig buko sa labas. Nadaanan ko pa sina Misha at Tanya na ngayon ay masayang naglalaro kahit nakabukas pa rin ang TV. Mukhang tapos na yata ang pinapanood nito kaya wala na sa palabas ang atensyon nito… kundi nasa mga laruan na. Agad akong bumalik sa kusina pagkatapos kong utusan ang driver namin. Nagpadagdagt ako sa kaniya ng evap at condense para sa gagawin kong buko juice. Ilang minuto lang ay agad na bumalik ang driver namin dala ang mga pinabili ko. Nagpasalamat ako rito pagkalagay niya sa mesa ng mga pinabili ko sa kaniya. Agad ring lumabas si Manong Rey at ‘di na nagtagal pa. Sinalin ko ang sabaw ng buko sa pitchel at nilagay ko ang laman ng buko. Pagkatapos ay tinimplahan ko ito at agad na nilagay ang gatas at hinango. Kumuha ako ng yelo sa ref at nilagyan ang mga baso. Nang matapos ako ay saktong naluto na rin ang binignit ko. Kung kaya’t pinatay ko na ang induction at kumuha ng apat na mangkok para lagyan ito. Pagkatapos kong lagyan ang mga mangkok ay tinawag ko si Tanya para pakisuyoan na tulungan akong dalhin ang meryenda namin sa garden. Masarap kasing tambayan do’n kasi sariwa ang hangin. Pinatawag ko kay Tanya si Kuya Rey para sumabay na sa ‘min mag-meryenda. Marami naman ang niluto ko kaya’t sobra sa ‘min ito kung kaming dalawa lang ni Misha ang kakain. At isa pa ‘di pwedi sa ‘kin na kaming mga amo lang nila ang kakain. Kung ano ang kinakain namin ay gano’n din sa kanila. Minsan nga sumasabay pa silang dalawa sa ‘min kapag kumakain kami. Ayaw ko kasing may tumitingin sa ‘min o nagbabantay kapag kakain kami. Hindi ako sanay. Kapag sinasabihan ko sila ni Kuya Rey at Tanya na sumabay sa ‘min sa pagkain ay magtitinginan pa sila at parang nahihiya. Kaya’t pinagtatawanan lang sila naming mag-asawa. Pero kalaulan ay sumasabay rin sila sa ‘min sa hapag kainan. Sabay sabay silang tatlo na dumating… pagkalapit ng anak ko sa ‘kin ay agad ko itong binuhat at pinaupo sa katabi kong upoan. Nilagay ko sa harap niya ang mangkok na isa at pinagsalin ko na rin siya ng buko juice na gawa ko rin kanina. Habang tahimik na kumakain ang mga kasama namin. Si Misha naman ay siyang nagdadadaldal. Siya lang ang maingay sa ‘ming apat. At kung ano ano ang mga sinasabi. Walang preno kung mag-salita… daig pa, news caster kung mag-hatid ng balita. Nagpakuha pa ako kay Tanya ng binignit sa kusina nang makita kong naubos na ang laman ng mga mangkok nila. Agad naman niyang sinunod ang utos ko dahil nabitin din ako. Ang sarap kasi. Habang patuloy kaming kumakain ay siya namang pag-tunog ng selpon ko. Nasa bulsa ko lang kasi ito… at ‘di ko nagawang tignan. Dahil busy ako sa pagluluto kanina. Dinukot ko ang selpon sa short ko at nilabas ito. Agad kong ni-tap ang screen nang makita kong si Liam ang tumatawag rito. Hindi na ako lumayo sa pinagkainan namin nang sagutin ko ang tawag ng asawa ko. Pagkasagot ko nang tawag niya ay agad kong narinig ang ingay sa background. Mukhang nasa palaruan silang mag-ama dahil mula sa malayo narinig ko pa ang boses ni Lander sa kabilang linya. “Baby.” malambing na tawag ng asawa ko sa ‘kin. “Hmm… ba’t ka tumawag? May problema ba?” natatawa ko namang tanong sa kaniya. Alam ko na kasi kung ano ang dahilan nang pagtawag nito sa ‘kin. Kahit lalaki ang anak niya ay ‘di niya rin masasaway ito sa mga gusto nito. Kasalanan niya rin… in-ispoiled niya mga anak niya. Kaya ayan sakit ulo niya kung sa’ng lupalop ng mall siya dalhin ng anak niya. “I’m so tired. Kung saan saan na kami nagpupunta… mukhang walang balak umuwi ‘tong, anak mo nang ‘di nabibili ang laman ng buong mall.” Reklamo nito. Napahalakhak naman ako. Napatingin naman sa ‘kin si Misha at ang dalawa pa naming kasama. Pero agad din nilang binalik ang atensyon sa pagkain. Kahit ‘di ko nakikita ang mukha ng asawa ko, alam kong nakabusangot ang mukha nito. Tinignan ko ang oras at nakita kong alas tres na ng hapon. Hudyat na dapat kanina pa sila nakauwi kasi kaninang umaga pa sila umalis na mag-ama. Matataopos na kami sa meryenda pero silang dalawa ay wala pa. Kunsabagay ngayon lang naman silang mag-tatay nakapag-solo na dalawa. Kaya’t ‘di ko masisi ang anak namin kung ngayon lang ito nakalabas ng hawla kasama ang ama niya. “Oh… ano ang gagawin ko?” pilosopo kong sabi rito. Tinawanan naman niya ako at sinabihang kakausap ko raw ang anak niya para umuwi na. Kasi kung siya raw ang kakausap rito ay sinasabihan pa raw siya na weak dahil mabilis raw siyang mapagod. Napapailing na lamang ako sa kanilang mag-ama. E, saan pa ba magmamana ang panganay niya… kundi sa kaniya. “Ibigay mo sa kaniya ang phone mo, at kakausapin ko. Sabihin mo na gusto ko siyang makausap.” ani ko rito. Agad naman niyang tinawag ang anak at binigay rito ang selpon. “Yes, Mommy?” tanong agad ni Lander pagkaabot ni Liam ng selpon niya rito. “Baby, umuwi na kayo, Daddy. Hindi pa ba kayo napapagod? Kaninang umaga pa kasi kayo diyan. Tapos kanina pa kayo hinihintay rito ni Misha. Umiiyak siya kanina…” malumanay kong sabi sa panganay ko. “Okay, Mommy. We’re going home na po,” napangiti naman ako sa sagot nito. “Sure, baby. Tell Daddy, na mag-inagat kayo sa pag-uwi.” paalala ko pa rito. “Okay, Mommy.” Agad niyang binalik ang selpon ng Daddy niya pagkatapos naming mag-usap na dalawa. “Baby.” “Hmm… mag-ingat kayo sa pag-uwi. Dahan dahan ang pagmmaneho Liam,” paalala ko rin sa asawa ko. “Yes, ma’am. Ikaw na lang mamanehoin ko pagka-uwi namin ng anak mo.” Biglang nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi nito. Kahit ‘di ko man nakikita ang hitsura ng asawa ko… alam kong nakangising aso ito. Kahit saang lugar mo dahil si Liam ‘di nawawala ang pagiging pilyo nito. Binalingan ko si Misha, Tanya, at Kuya Rey kung narinig nila ang sinabi ng asawa ko. Medyu malakas kasi ang volume ng selpon ko kaya ‘di ako magtataka kung narinig nila ang huling sinabi ng asawa ko. “Ewan ko sa ‘yo, umuwi na kayo. May niluto akong meryenda rito, kaya’t bilisan n’yo,” agad ko nang pinatay ang tawag baka kung saan na naman mapunta ang usapan naming mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD